Ang Lagusan
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Elementarya ng Talipan Division of Quezon | Region IV-A CALABARZON
30/05/2026
Nakipagtagisan ng husay at galing ang mga manunulat ng Ang Lagusan sa "HABI 2026" (Hinabing Aral sa Balita at Impormasyon), isang Summer Journalism Training Workshop na ginanap noong Mayo 27–29, 2026, sa Pagbilao Central Elementary School.
Pinangunahan ng Public Schools District Supervisor na si Gng. Edna L. Cabrera at ni Gng. Paula Alejandro, katuwang ang mga School Paper Adviser ng buong Pagbilao District I, ang pagsasagawa ng nasabing pagsasanay sa pamamahayag. Naging bunga ito ng inisyatibo at malikhaing pananaw ni G. Jerwin Tierra upang higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga batang mamamahayag sa iba't ibang larangan ng pamamahayag.
Nagtampok ang programa ng mga dekalidad na tagapagsalita mula sa iba’t ibang lugar na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa larangan ng journalism. Sinundan ito ng mga gawaing pagsasanay at paglikha ng mga output batay sa napiling kategorya ng bawat kalahok.
Hindi nagpahuli ang mga batang mamamahayag ng Ang Lagusan sa pagpapakita ng kanilang talento sa pagsusulat, pag-uulat, at pagguhit. Bilang patunay ng kanilang dedikasyon at husay, nagkamit sila ng iba’t ibang parangal sa indibidwal at grupong kategorya.
Kabilang sa mga nagwagi sina: Alexandria Zayne L. Fabrea – Champion, Feature Writing (English); 2nd Best Radio Anchor; 7th Place, Editorial Cartooning, Yurica Sachi M. Lusterio – Champion, Science and Technology Writing; 2nd Place, Copyediting and Proofreading; 3rd Place, Editorial Cartooning (Filipino), Jheraldine P. Cacho – Champion, Column Writing (Filipino); 2nd Place, Science and Technology Writing (Filipino), Bea Andrea Marthena E. Pacheco – Champion, Science and Technology Writing (English), Delbert R. Gonzales – 2nd Place, Editorial Cartooning (Filipino), Azshirra Chen E. Serenilla – 2nd Best Radio News Presenter, Samantha Vernice Albay – 3rd Place, News Writing (Filipino), Jiro L. Marquez – 3rd Place, Editorial Writing (English); 5th Place, Editorial Cartooning, Marishkah Aira D. Narcisa – 6th Place, Editorial Cartooning (English)
at Andrea Jane Montero – 7th Place, Science and Technology Writing (Filipino)
Nagbigay rin ng karangalan sa paaralan ang School Paper Adviser na si Marlou B. Husana, na nagwagi bilang Champion sa Editorial Cartooning at 2nd Place sa Photojournalism sa SPA Category. Samantala, nakamit naman ni Daizy D. Estrellado ang 3rd Place sa Editorial Writing sa SPA Category.
Muling pinatunayan ng mga manunulat ng Ang Lagusan ang kanilang kahusayan at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Ang kanilang mga tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa kapwa mag-aaral at patunay ng patuloy na pagsuporta ng Talipan Elementary School sa paglinang ng mga batang mamamahayag tungo sa kahusayan.
10/02/2025
Good luck to our RSPC 2025 qualifiers!
The time has come to showcase the product of your rigorous training and unwavering dedication. Step forward with the determination, skill, and passion—you have prepared for this moment! Believe in yourself, give it your best, and make us proud!
May the odds be in your favor!
28/11/2024
Road to RSPC!
27/11/2024
Congratulations to our Regional Schools Press Conference (RSPC) Qualifiers!
Stephanie Jewel Licas- 3rd Place Feature Writing Filipino
- RSPC Qualifier
Adviser: Mrs. Lyndren I. Avila
Zeah L. Marquez- 3rd Place Editorial Cartooning Filipino
- RSPC Qualifier
Adviser: Mr. Roel N. Acesor
27/11/2024
Congratulations to all the RSPC qualifiers and the brave Ang Lagusan Campus Journalists who proudly represented our school paper. Keep your pens lifted and your lenses focused as you continue to uphold the truth through campus journalism. Keep writing, keep moving forward!
24/11/2024
Good luck to all Ang Lagusan journalists as you proudly represent our school at the Division Schools Press Conference on November 25-27 in Tiaong, Quezon. Make the most of this opportunity, showcase your talent, and bring pride to our school! We’re rooting for you all the way!
23/09/2024
Kaya n'yo yan Talipanin!
02/09/2024
ADVISORY
As announced by the Office of the Executive Secretary, classes and government work will remain suspended tomorrow, Tuesday, September 3, 2024, due to the adverse weather conditions brought about by Tropical Storm 'Enteng.'
Source: Presidential Communications Office
26/08/2024
"Ang Mamatay nang dahil sa iyo"
Maligayang Pambansang Araw ng mga Bayani! Utang natin ang kalayaang tinatamasa sa mga bayaning nag-alay ng buhay na nagpakita ng tapang at pagmamahal para sa ating bayan. Responsibilidad nating pangalagaan at pahalagahan ang sakripisyong kanilang ipinamalas. Mabuhay ang mga bayaning Pilipino!
28/07/2024
TALIPANIN, Handa na ba kayo?
Kitakits!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Purok Maligaya Brgy. Talipan
Pagbilao
4302