Rona Arriola Robles, RPh, M.D., DPPS

Rona Arriola Robles, RPh, M.D., DPPS

Share

Kids doctor

15/02/2026

✨ Payo ni Dok ✨

Sa buhay, napakahalaga kung ano at kaninong payo ang ating pinapakinggan.
Ang pamilya at mga taong nakapaligid sa atin ay walang ibang hangad kundi ang ating kabutihan. 💕

Pero minsan, hindi sapat ang kaalaman nila pagdating sa usaping medikal.
Mas makabubuti pa rin na kumunsulta at makinig sa eksperto upang maging tama at ligtas ang ating mga desisyon.

Narito ang ilang aktuwal na sitwasyon sa clinic:

👶 Patient 1: “Dra., isang linggo na pong nagtatae ang anak ko. Sabi po kasi ng lola, nagngingipin lang.”

Dok: Mommy, may impeksyon (ameba) ang anak ninyo at dehydrated na, kaya kailangan nang ma-admit. Mahalaga pong malaman muna kung may infection na dapat gamutin bago isipin na simpleng pagngingipin lang.

💓 Patient 2: “Dok, nanghihina at nangingimi ang braso ko. Tinigil ko po ang maintenance ko kasi sabi ng kumpare ko normal naman na ang BP ko.”

Dok: Ang maintenance na gamot ay iniinom araw-araw. Ito ang proteksyon natin upang maiwasan ang stroke o atake sa puso, hindi lang iniinom kapag mataas na ang BP.

🍬 Patient 3: “Dok, nanlalabo ang mata ko, nanlalambot at madalas umihi. Tinigil ko po ang gamot ko sa dyabetis kasi sabi ng kapitbahay ko sisirain daw ang kidney ko, kaya herbal na lang.”

Dok: Ang diabetes po mismo ang maaaring makasira ng kidney kapag mataas ang sugar. Mas mabuti nang lumalaban tayo sa tamang pag-inom ng gamot upang maiwasan ang komplikasyon.

Maaaring uminom ng herbal, pero huwag ihihinto ang maintenance at regular na konsultasyon para ma-monitor ang kalusugan.

Patient 4: “Dok, hinahapo pa rin ang anak ko”.

Dok: Nakailang pausok (nebulize) na po kayo?

Mom: Dalawang beses pa lang po, Dok. Sabi po kasi ng daddy niya, huwag daw pong laging pausukan dahil baka masanay daw po ang bata.

Dok: Mommy, huwag po nating hintayin na lumala ang hapo o mangitim pa ang bata bago sundin ang tamang schedule ng pagpapausok. Ang nebulization ay nirereseta dahil ito ang makakatulong para gumaan ang paghinga at maiwasan ang emergency.

Hindi po kayo bibigyan ng doktor ng gamot kung alam nitong makakasama ito sa pasyente.

❤️ Tandaan:
Maraming nagmamalasakit sa atin, pero sa usaping kalusugan, mas ligtas pa rin ang payo ng doktor.

Want your practice to be the top-listed Clinic in Pagsanjan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Pagsanjan
4008

Opening Hours

Monday 1:30pm - 4:30pm
Tuesday 9am - 11:30am
Wednesday 1:30pm - 4:30pm
Thursday 9am - 11:30am
Friday 1:30pm - 4:30pm