BHS - Biñan Sabang
Rural Health Unit Pagsanjan
Brgy. Health Station of Barangay Biñan and Barangay Sabang, Pagsanjan, Laguna
18/08/2026
💉❤️ LIGTAS TIGDAS | PATULOY ANG PROTEKSYON!
📅 Agosto 18, 2026
📍 Sitio 2, Tabing Ilog, Brgy. Biñan, Pagsanjan, Laguna
Patuloy ang pagbibigay ng bakuna para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) sa ating mga chikiting! 👶💉
Dahil ang isang bakuna ay isang dagdag na panangga laban sa Tigdas at Rubella. ❤️ Sa bawat batang nababakunahan, mas lumalakas ang ating laban.
Sa bawat magulang na nakikiisa, mas lumalawak ang proteksyon.
At sa bawat komunidad na sama-samang kumikilos, mas nagiging ligtas ang kinabukasan ng ating mga anak. 🫶
📣 SCHEDULE NG BAKUNAHAN
Agosto 19, 2026 (Miyerkules)
🏥 BHS Biñan
Para sa:
• Routine Immunization – Pentavalent Vaccine (Penta), Polio Vaccine at Inactivated Polio Vaccine (IPV)
• MR-SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity)
📍 Sitio I at Sitio III
Mobile Temporary Fixed Post
➡️ Ang mobile vaccination team ay iikot sa mga area na may maraming batang hindi pa nababakunahan upang mas mapalapit ang serbisyo sa ating mga pamilya. Isang tusok, dagdag proteksyon!
BakunaDOH. ProtektaDOH!
Ligtas Tigdas, Ligtas ang Chikiting! 👶
Brgy. Biñan, sama-sama para sa kalusugan at kaligtasan ng bawat bata!
📩 May mga katanungan?
Maaaring mag-message sa mga assigned BHW ng inyong area o magtungo sa BHS Biñan para sa karagdagang impormasyon.
14/08/2026
💉LIGTAS TIGDAS | SURPRISE VISIT SA BARANGAY SABANG!
Ngayong August 14, 2026, nagkaroon ng surprise visit ang NIP Coordinator ng PDOHO sa Barangay Sabang, Pagsanjan, Laguna upang personal na i-check ang status ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).
Layunin ng pagbisitang ito na masubaybayan ang ating vaccination efforts at matiyak na patuloy nating naaabot at napoprotektahan ang ating mga chikiting laban sa Tigdas at Rubella.🛡️👶
✨ Bawat bakuna, dagdag proteksyon.
✨ Bawat batang nabakunahan, isang hakbang palayo sa Tigdas at Rubella.
✨ Bawat pagkilos ng komunidad, mas ligtas na kinabukasan!
Barangay Sabang, sama-sama sa laban para sa kalusugan ng bawat bata!💪❤️
💉 BakunaDOH. ProtektaDOH!
🌟 Ligtas Tigdas, Ligtas ang Chikiting!
📢 VACCINATION SITES SA BARANGAY SABANG! 💉
August 13,2026
Para mas mapalapit sa ating mga kabarangay ang serbisyo ng pagbabakuna, mayroon tayong 2 VACCINATION SITES sa Barangay Sabang:
📍 New Barangay Hall ng Barangay Sabang
📍 Covered Court sa Looban
Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH!
📌 I-share ang announcement na ito para makarating sa ating mga kabarangay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pagsanjan
4008
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 11pm - 5pm |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when BHS - Biñan Sabang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.