Mayora-Vice Maita Ejercito
The first lady vice mayor that successfully served as a three-term mayor of the same town, Pagsanjan
27/06/2022
Pagbati ng isang magandang araw, Pagsanjan!
Magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman sa mga oras na ito, huling araw ko po ngayon sa Pamahalaang Bayan bilang inyong vice mayor.
Una, masaya ako sapagkat natapos ko ang aking termino na alam kong nagawa ko ang tama at nararapat para sa ating bayan at sa inyo aking mga kababayan, masaya ako sapagkat mas mapaglalaanan ko ng panahon ang aking pamilya, masaya ako dahil mas mapagtutuunan ko ng pansin ang aking sarili mga bagay na di ko nagagawa noon ay magagawa ko ngayon.
Pangalawa, malungkot po ako hindi dahil sa ako ay hindi pinalad sa nagdaang halalan, malungkot po ako dahil ang aking kinagawian na araw-araw na abala sa bayan at mamamayan ay unti unti ng mababawasan.
Sa totoo lamang po mas lamang ang kalungkutan na aking nararamdaman, sa mga taong naging bahagi ng aking paglilingkod sa loob ng siyam na taon bilang mayor at tatlong taon bilang vice mayor, maraming salamat po sa mga taong naging pundasyon ng aking paglilingkuran di ko po kayo malilimutan, sa mga taong sumuporta sa akin sa simula hanggang sa huli kayo po ang aking sandalan.
Sa mga taong nagtiwala at patuloy na nagtitiwala na meron akong magagawa, asahan nyo pa rin po ang aking pagtulong at pagsuporta.
Sa mga taong nalungkot sa mga naging kaganapan sa likod ng pulitika, magandang ngiti po ang isalubong natin sa kanila, sa inyo pa rin po ang aking suporta.
Sa mga taong naging masaya sa kalungkutan ng iba, maaaring oras po ninyo ngayon at masaya po ako para sa inyo.
Sa mga taong hiningi ang aking tulong at suporta nawa po ay kayo ay aking napasaya at di ninyo makalimutan na hanggang sa huli kayo ay aking inalala.
Sa loob po ng labing dalawang taon bilang lingkod bayan di ko na po mabilang kung ilang pamilya ang aking natulungan, di na din po mabilang kung ilang pasyente at may sakit ang ating nadugtungan ang buhay at nabigyan ng sapat na medikasyon sa kanilang karamdaman, daan-daang mag-aaral nating iskolar, ilang mga kababayan natin na nabigyan ng solusyon ang kanilang mga problemang dinadala, iilan lamang po iyan sa napakarami nating pinagdaanan pero sa kabila ng lahat may ilang kababayan pa din na tayo ay tinalikuran.
Hindi po ito ang sukatan ng kahit na anong pagmamahal, lagi po akong masaya para sa mga natulungan ko at matutulungan pa dahil mahal ko po kayo.
Nawa po ay mag-iwan ako ng kahit kaunting pitak sa inyong mga puso na kahit kailanman, saan man po tayo mamakarating at maglandas ay kilala nyo ako at kilala ko kayo dahil lahat po kayo aking mga kababayan ay mahal ko.
Hanggang sa muli po nating pagdadaupang palad.
Mahal na mahal ko kayo
Ang inyong ina, noon, ngayon, bukas at magpakailanman,
Mayora Maita Ejercito
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
J. P. Rizal Street
Pagsanjan
4008
17/02/2025