Liceo de Pakil - Filipino

Liceo de Pakil - Filipino

Share

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa mabaho at malansang isda" - Dr. Jose Rizal

02/04/2026

Nakikiisa ang KWF sa pagdiriwang ng bayan ng ika-238 anibersaryo ng kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar (2 Abril 1788–20 Pebrero 1862).

Bayaning-makata siya na hinangaan nina Rizal, Bonifacio, Jacinto, Mabini, at iba na patuloy na nagbibigay sa ating ng inspirasyon para sa malikhaing pamumuhay at paninindigan.

Ang kaarawan ni Balagtas ay isa sa mga dahilan ng pagdiriwang natin ng Buwan ng Panitikan. Tema ngayong taon ay “Bekët Panitikan / Para sa Katwiran at Kalikasan.”

17/03/2026

‎Isang makulay na paglalakbay ng pag-ibig, katapangan, pagkakaibigan, at sakripisyo.

Muling binibigyang-buhay ng mga mag-aaral ng 8-Our Lady of Assumption ang walang kupas na kuwento ng Florante at Laura, ang klasikong akda ni Francisco Balagtas.

Sa mundong puno ng pagsubok, ipinapakita ng mga tauhan ang tunay na kahulugan ng katapatan, kabayanihan, at pag-asa.

Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Florante, ang wagas na pag-ibig niya kay Laura, at ang mga pagsubok na hahamon sa kanilang katapatan at tapang. Sa bawat eksena ay mabubuhay ang damdamin, at sa bawat salita ay maririnig ang tinig ng tunay na kabayanihan.

Ipinagmamalaki ng 8-Our Lady of Assumption ang aming pagtatanghal ng Florante at Laura, isang kwentong patuloy na nagbibigay-buhay sa kultura at panitikan ng Pilipinas.

05/03/2026

𝙁𝙡𝙤𝙧𝙖𝙣𝙩𝙚 𝘼𝙩 𝙇𝙖𝙪𝙧𝙖

Ang Florante at Laura ay isang epikong tula na tungkol sa pag ibig, pagkakaibigan, at pakikipaglaban para sa katarungan. Ipinapakita nito ang mga pagsubok na pinagdaanan ng mga tauhan at ang mga aral tungkol sa sakripisyo at pagtatagumpay ng hustisya laban sa kasamaan.

Ito ay isinulat ni Francisco Balagtas, isang kilalang makata sa panitikang Pilipino na tinaguriang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog". Ang kanyang akdang Florante at Laura ay nagpapakita ng galing ng mga Pilipino sa panitikan at naglalaman ng mahahalagang mensahe tungkol sa buhay, pag ibig, at kabutihan.

12/02/2026

✨ ANG MULING PAGBABALIK NG FILIPINO CLUB! 🇵🇭

Sa muling pagbukas ng aming pintuan, dala namin ang misteryong babago sa inyong pananaw, sa bawat kahulugan na nakatago sa likod ng mga baraha♠️. Handa ka na bang pakinggan ang ibinubulong ng tadhana?🌙

Halina’t makinig sa Bulong ni Ella. 🔮 Isang pagbasa sa iyong tadhana na punong-puno ng hiwaga, sining, at gabay para sa iyong kinabukasan. Tuklasin ang lihim ng iyong kapalaran. 👁️

✨Bulong ni Ella🔮✨
📍 Pagbasa ng Kapalaran: ₱15
📍 Magic Potion (Coffee Jelly): ₱10

‼️BABALA‼️
May misteryong magaganap pagkatapos mag pahula 🧿💫

✍️: Rhens Mirasol | Pangulo
🎨: Santino De Alba | Tagasuri

07/10/2025

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑮𝒖𝒓𝒐! 💛Maraming salamat sa inyong walang sawang 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑢𝑡𝑢𝑟𝑜, 𝑝𝑎𝑔𝑔𝑎𝑏𝑎𝑦, 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔-𝑢𝑛𝑎𝑤𝑎. Sa bawat salitang inyong binibigkas at aral na ibinabahagi, natututo kaming tumingin sa mundo nang may pag-asa at kabutihan 🙏🏻✨

Mula sa aming puso, ang taos-pusong pasasalamat ng 𝐹𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝐶𝑙𝑢𝑏 para sa inyo na patuloy na nagbibigay liwanag at inspirasyon sa bawat mag-aaral ng Liceo de Pakil. Kayo ang aming huwaran sa pag-abot ng mga pangarap

✍️🎨Leia Catapang | Opisyal ng Pampublikong Impormasyon

25/09/2025

🎉 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 🎉

Ngayong ika-25 ng Setyembre, ating ipinagdiriwang ang kaarawan ng ating Gurong Tagapamahala na si 𝙶. 𝚁𝚘𝚗𝚗𝚒𝚎 𝙵. 𝙰𝚋𝚊𝚍 Nawa’y maging masaya, makulay, at puno ng pagpapala ang iyong espesyal na araw. Hiling namin ang kaligayahan, kalusugan, at tagumpay sa lahat ng iyong mga mithiin! 🥳✨

Photos from Liceo de Pakil - Filipino's post 20/09/2025

𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮, 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗮 🪶📜

Tinig ng puso, salamin ng kultura, at tagapagdala ng ating pagkakakilanlan. Sa bawat pagbigkas, muling nabubuhay ang diwa ng ating bayan at ang wagas na pag-ibig sa sariling wika.

𝑆𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝘩𝑢𝑠𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑤𝑎 𝑚𝑎𝑔-𝑎𝑎𝑟𝑎𝑙 𝑛𝑔 𝐿𝑖𝑐𝑒𝑜 𝑑𝑒 𝑃𝑎𝑘𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔𝘩𝑎𝑙 𝑛𝑜𝑜𝑛𝑔 𝐴𝑔𝑜𝑠𝑡𝑜, 𝟸𝟶𝟸𝟻.

27/08/2025

‼️Halina't saksihan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika kasama ang Filipino Club at Liceo de Pakil! 🇵🇭✨

📌Narito ang buong programa para sa buong araw na selebrasyon. Sama-sama nating ipagmalaki ang ating kultura at Wika! 🇵🇭📚🎭🎨

✍️🎨 Cassandra Adona | Bise Presidente

Photos from Liceo de Pakil - Filipino's post 26/08/2025

🇵🇭 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓 🇵🇭

📌Sa darating na Agosto 27–28, samahan ninyo kami sa isang makulay at masigla na pagdiriwang ng ating sariling wika at kultura! Na may temang "Pᴀɢʟɪɴᴀɴɢ sᴀ Fɪʟɪᴘɪɴᴏ ᴀᴛ Kᴀᴛᴜᴛᴜʙᴏɴɢ Wɪᴋᴀ: Mᴀᴋᴀsᴀʏsᴀʏᴀɴ sᴀ Pᴀɢᴋᴀᴋᴀɪsᴀ ɴɢ Bᴀɴsᴀ."

‼️Handog ng Filipino Club, ang mga Patimpalak 2025 ay magsisilbing pagkakataon upang maipamalas ng bawat Mag aaral ang kanilang talino, galing, at pagmamahal sa wikang Filipino. Dito natin matutuklasan ang tinatagong husay ng mga Liceans sa pagbigkas ng tula, masining na pagkukuwento, pinta sipat, at marami pang iba na ipinagmamalaki ang ganda ng ating kultura.

Tara na't makilahok sa mga patimpalak at magbigay suporta tayo sa kapwa nating estudyante!

✍️🎨Leia Catapang
| Opisyal Ng Pampublikong Impormasyon

Photos from Liceo de Pakil - Filipino's post 06/08/2025

🌟 Kilalanin ang mga Bagong Opisyal ng Filipino Club 2025–2026! 🌟

Narito na ang mga bagong lider na magsisilbing gabay at lakas ng ating samahan! 💪📣
Sila ang mga dedikado, masipag, at mapagmahal sa sariling wika at kultura. 📚🇵🇭

“Bukas, magiging mamamayan tayo ng Pilipinas, kung saan ang kapalaran niya’y magiging maganda sapagkat nasa mapagkalinga siyang mga kamay.”
– Jose Rizal

✍️: Ann Sofia Robiños | Kalihim
🎨: Leia Catapang | Opisyal Ng Pampublikong Impormasyon

01/08/2025

AGOSTO 1 2025| Buwan ng Wikang Pambansa 2025

Ang Buwan ng Wika ay isang taunang pagdiriwang sa Pilipinas tuwing Agosoto, Alinsunod sa Proklamasyon Blg 1041. na inilaan upang ipagdiwang, palaganapin, at pagyamanin ang wikang Filipino at iba’t ibang katutubong wika ng bansa.

Ngayong Buwan ng Agosto ay nakikiisa ang paaralan ng Liceo de Pakil sa pagdiriwang ng Buwang ng Wika na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."

Halina’t makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika!

Sa pamamagitan ng mga patimpalak, talakayan, at iba’t ibang aktibidad, ating itaguyod ang pagpapalaganap at pagmamahal sa sariling wika.

📣 Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralang Liceo de Pakil na makibahagi sa mga inihandang gawain para sa selebrasyon!
💬 Wika ang kaluluwa ng bayan — ito ang ating pagkakakilanlan at pagkakaisa.

📍Abangan ang mga anunsyo sa mga darating na araw!

✍️🏻: Cassandra Nicole Adona |
Bise Presidente
🎨: Santino De Alba | Tagasuri





de Pakil

Want your school to be the top-listed School/college in Pakil?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Rarela Street
Pakil