Turumba Shrine

Turumba Shrine

Share

The official page of Saint Peter of Alcantara Parish
Diocesan Shrine of Our Lady of Turumba of Pakil, Laguna.

23/07/2026

Huwebes na Pamimintuho kay San Pedro de Alcantara

O maluwalhating p**n San Pedro de Alcantara, marangal na patron nitong aming bayan, kung nararapat po sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kapurihan mo, na kami ay magkamit ng ninanasa, at hingin ninyo sa Panginoong Diyos na maligtas ang bayang ito at kaming lahat na mamamayan sa lahat ng kaaway ng kaluluwa at katawan namin, sampu ng aming mga mahal sa buhay na nawawalay sa aming piling, na mailigtas kaming lahat sa salot, gutom, bagyo, lindol, apoy, pagkakasakit, pagsubok, at sa lahat ng sakuna, at tuloy pagtuwirin ang aming panalangin at pakundangan sa inyo ay patawarin kami sa nagawang sala at pakinabangin kami sa kapayapaang walang-hanggan. Amen.

San Pedro de Alcantara
Pintakasi ng Bayan ng Pakil

Ipanalangin mo kami

21/07/2026

Santa Maria Magdalena
Apostol ng mga Apostol
Hulyo 22

Ayon sa Ebanghelyo ni San Lucas, si Maria Magdalena ay isang babae kung saan pinalayas ni Hesus ang pitong demonyo (Lukas 8:2). Ipinahihiwatig ng pangalang Magdalena na maaaring nanggaling si Maria sa lugar ng Magdala, isang siyudad sa hilagang Kanluran ng baybayin ng Lawa ng Galilea. Pagkatapos na palayasin ni Hesus ang pitong demonyo mula sa kanya, naging isa si Maria Magdalena sa mga tagasunod ni Kristo.

Pinaniniwalaan na naging saksi si Maria Magdalena sa pagpapatuloy ng misyon ni Hesus. Nakinig sa kanyang mga pangangaral, saksi sa mga pagpapagaling, at nabuhay sa kabanalan kapiling ng mga alagad. Noong ang lahat ay sinubok sa pagkadakip kay Hesus, nanatiling buo ang loob ni Maria Magdalena na samahan ang Ina ni Hesus sa paanan ng krus. Nasaksihan niya ang karamihan ng mga pangyayari na nakapalibot sa pasyon at kamatayan ni Hesus sa krus. Nandoon siya sa Kalbaryo kasama ng Mahal na Birheng Maria at ng alagad na minamahal ni Hesus na si San Juan.

Nakasaad sa bibliya na siya ang unang nakakita kay Hesus na muling nabuhay. Siya ang isinugo ni Kristo upang ibalita sa mga apostol ang Mabuting Balita tungkol sa pagkabuhay Niyang muli (Juan 20:11-18). Dahil doon, nakilala si Santa Maria Magdalena sa bansag na "Apostol ng mga Apostol." Bagamat ito ang huling banggit kay Maria Magdalena sa Bibliya, maaaring isa siya sa mga babae na nagkatipong kasama ng mga alagad upang maghintay sa ipinangakong pagdating ng Banal na Espiritu (Gawa 1:14).

Maraming mga relihiyosong teksto ang nagsasabi na si Maria Magdalena ay nakatuon sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo matapos umakyat si Hesus sa langit. Ngunit hindi maliwanag kung saan niya ginugol ang kanyang mga huling taon. May tradisyong nagsasabi na siya ay naglakbay sa Efeso (Turkey) kasama ang apostol na si San Juan at doo'y namatay.

Panalangin:

Santa Maria Magdalena, halimbawa ka ng taos pusong pagsisisi at pagsasa-ayos ng buhay. Nang magbalik-loob ka’y naging mapagmahal at tapat na alagad ni Hesus. Salamat po sa iyong pagsaksi na si Hesus ay muling nabuhay at siyang Diyos na mapagpatawad at mapagmahal. Ngayong ikaw ay nasa walang hanggang kaligayahan sa Kanyang maluwalhating presensya, ipinapakiusap ko po na iyong ipamagitan ako na isang mahina at makasalanan, upang dito at sa buhay sa kabila si Hesus na mahal ang aking maging buhay at dahilan. Amen.

Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Pakil?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


1 Taft Street
Pakil
4017

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 6am - 5pm