DICT - Nueva Ecija
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DICT - Nueva Ecija, Government Organization, 2F Government Center Building Palayan City Business Hub, Palayan City.
25/03/2026
𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐖𝐒: Wala nang Pila! DICT Pirmado na ang IRR ng E-Governance Act
Bilang katuparan sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang mga transaksyon sa gobyerno, opisyal nang nilagdaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng E-Governance Act, nitong ika-24 ng Marso 2026 sa Asian Development Bank (ADB) Headquarters sa Mandaluyong City.
Sa ilalim ng IRR, isusulong ang mabilis na serbisyo, simpleng proseso, ligtas na datos at transparent na serbisyong online para sa lahat ng Pilipino.
Ito na ang simula ng isang digital na pamahalaan na nakasentro sa digital na pangangailangan ng mga Pilipino.
18/03/2026
𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐖𝐢-𝐅𝐢 𝐧𝐠 𝐃𝐈𝐂𝐓 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞𝐬
Sa liblib na komunidad ng Zambales, mahirap ang pag-akses sa internet at limitado rin ang oportunidad sa pag-aaral, pagtatrabaho, at kabuhayan.
Utos ng Pangulo na palawakin ang internet connectivity sa mga liblib na lugar, kaya tumawid sa ilog ang DICT Regional Office 3 upang maghatid ng Free Wi-Fi for All program sa Brgy. Nacolcol, Botolan and Brgy. Buhawen, San Marcelino, Zambales. Ang dalawang barangay ay kasama sa mga lugar na nalubog sa lahar noong pumutok ang Mt. Pinatubo.
Ngayon, dahil sa libreng internet mas napapalapit ang komunidad sa kanilang pangarap at mas napapadali na ang pag-aaral ng mga estudyante, pagtuturo ng mga g**o, pagtatrabaho ng health workers, at pag-access ng mga residente sa digital services ng gobyerno.
Isang patunay ito na sa Digital Bayanihan, walang Pilipino ang maiiwan offline, saan mang sulok ng bansa.
Photo credits: DICT Region 3
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Contact the organization
Website
Address
2F Government Center Building Palayan City Business Hub
Palayan City
3132