MSWDO - Pandi Bulacan

MSWDO - Pandi Bulacan

Share

The official account of the Municipality of Social Welfare and Development Office Pandi Bulacan. Malasakit sa mahihirap.

13/03/2026

MISSING PERSON

Pangalan: Nolieto AdrillanoEdad:
30 taong gulang
Address: Phase 1, Blk 10 Lot 20, Bagong Barrio, Pandi, Bulacan

Kalagayan: May kondisyon sa pag-iisip (PWD)

Huling Nakita:

February 26, 2026
Mang Inasal, Sangandaan, Brgy. Talipapa, Novaliches, Quezon City

Ayon sa kanyang pamilya, sila ay nasa Novaliches noong araw na iyon. Nais umano ni G. Nolieto na umuwi sa Pandi, Bulacan. Nagpaalam lamang siya na pupunta sa tindahan ngunit hindi na siya nakabalik at hindi na nasundan ng kanyang mga kasama.

Pinaghihinalaan na maaaring sumakay siya ng bus pauwi. May mga nakapagsabi rin na nakita umano siya sa Walter Mart Sta. Maria, Bulacan.

Ang kanyang pamilya ay nakipag-coordinate na sa PNP ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatagpuan.

Kung may nakakita o may impormasyon tungkol kay G. Nolieto Adrillano, maaring makipag-ugnayan sa:

Contact Person: Angelyn Mag-AboContact Number: 0910-088-6710

Maaari rin pong makipag-ugnayan sa MSWDO Pandi o sa pinakamalapit na Police Station.

Maraming salamat po sa inyong tulong. Maari rin po ninyo itong i-share upang mas mapabilis ang paghahanap sa kanya.

03/12/2025

Ang equality ay hindi regalo. Ito ay karapatan na dapat maramdaman ng bawat tao, bawat araw.

Ngayong International Day of Persons with Disability, ipinapaalala sa atin na ang bawat isa ay may boses na dapat pakinggan, may halaga na dapat kilalanin, at may pagkakataong dapat ibigay. Sa ating mga kababayang may kapansanan, malinaw ang mensahe: hindi kayo “special case.” Kayo ay bahagi ng ating araw-araw, may parehong dignidad at may parehong karapatang umunlad at maramdaman na tunay kayong kabilang.

28/11/2025

Isang karangalan na naman po ang ating natanggap, muli pong kinilala ang Bayan ng Pandi bilang isa sa 20 LGUs sa Lalawigan ng Bulacan na nakapasa sa 2025 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA). Kabilang din po tayo sa may pinakamataas na rating, na umabot sa 98.13% para sa taong ito.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng paglilingkod na may puso at talino, at ng patuloy nating pagsusulong ng child-friendly policies at mga programang tunay na nagtataguyod sa kapakanan at karapatan ng bawat batang Pandieño.

Ang tagumpay na ito ay para sa buong Bayan ng Pandi.
Mabuhay ang Pandi!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pandi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pandi
3014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm