Municipal Planning and Development Office - Pandi
We aim to deliver planning and development services to promote socio-economic growth of Pandi.
17/06/2026
PINALAWIG ANG DEADLINE NG RE-REGISTRATION EPEKTIBO HUNYO 17, 2026. Paalala sa lahat ng HOA sa mga subdibisyon, housing projects at dating rehistrado sa SEC o HIGC, obligadong magpa-re-register sa DHSUD alinsunod sa 2024 Revised IRR ng RA 9904.
Epektibo sa Hunyo 17, 2026, pinalawig ang deadline ng HOA re-registration hanggang Disyembre 18, 2026.
Iwasan ang pagka-suspinde, pagkawala ng legal na pagkakakilanlan, at pagkawala ng mga benepisyo bilang HOA. Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DHSUD Regional Office o i-scan ang QR code sa pub mat para sa kumpletong detalye.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pinalawig na deadline ng HOA re-registration ayon sa Department Circular No. 2026-007, bisitahin ang:
https://drive.google.com/file/d/1mSNLT0jZ-RNfW2rJIXwIJuCh022KFIme/view
23/02/2026
📢𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 📢
Ang mga '𝐒𝐮𝐛𝐝𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐋𝐨𝐭𝐬' na inaalok o binebenta ng mga Ahente o 'Sales Agents' sa Lawang Bato, Barangay Cacarong Matanda, Pandi, Bulacan na mula sa developer na nagngangalang 'CRUZ LAND' ay walang kaukulang APPROVED RECLASSIFICATION DOCUMENT at APPROVED DEVELOPMENT PERMIT mula sa Pamahalaang Bayan ng Pandi gayon din ang LICENSE TO SELL mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ang mga dokumentong ito ay kinakailangan munang makuha ng kahit sinong DEVELOPER upang magsilbing PROTEKSYON NG MGA BUYER alinsunod sa PD 957 (Subdivision and Condominium buyer's Protective Decree), BP 220 (Standards & Technical Requirements for the Development of Economic and Socialized Housing Units) at CLUP-Zoning Ordinance.
PAALALA PO SA PUBLIKO na maging mapanuri at mapagsiyasat sa mga binebenta sa social media lalong lalo na kung ito ay patungkol sa pagbili ng bahay at lupa - kung ito po ba ay naaayon sa batas.
Kung kayo po ay may katanungan o nangangailangan ng kalinawan, maaari po kayong magtanong sa aming page Municipal Planning and Development Office - Pandi. Salamat po.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
S. Osmena Street
Pandi
3014
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |