Dxdouble-I
DXDOUBLE - I 107.5 SPLASH FM 📻
Located at Municipal Compound, Poblacion 1, Parang, Maguindanao Del Norte.
13/02/2026
Lalaki, biktima ng pamamaril sa Parang, Maguindanao del Norte!
Isang lalaki ang naging biktima ng pamamaril ngayong hapon sa bahagi ng Tent, Barangay Poblacion 1, Parang, Maguindanao del Norte. Kinilala ang biktima na si Meno Masaranga, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lugar.
Agad na dinala ang biktima sa Iranun District Hospital upang bigyang lunas. Hindi pa rin malinaw ang motibo sa likod ng kremin, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang mga posibleng dahilan ng insidente.
29/01/2026
𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐰𝐨𝐦𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐢 𝐃𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐃𝐢𝐧𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐢𝐧𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐭𝐚𝐲-𝐒𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐥𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨
Batay sa Inihain ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura ang isang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 10637 upang ilipat ang pamamahala ng Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO) sa Cotabato Light and Power Company (COLIGHT).
Ayon sa kongresista, layunin ng panukalang amyenda na mapabuti ang kalidad at suplay ng kuryente sa mga lugar na sakop ng MAGELCO. Sa ilalim ng panukala, ang COLIGHT na umano ang mangangasiwa sa pamamahala at operasyon ng suplay ng kuryente, na inaasahang magdadala ng mas maaasahan serbisyo sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang nasabing panukalang batas ay resulta ng konsultasyon sa mga stakeholder at pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng kuryente sa Maguindanao. Sa kasalukuyan, ang panukala ay nakabinbin na sa kaukulang komite ng Mababang Kapulungan para sa masusing pagtalakay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Municipal Compound, Poblacion 1, Maguindanao
Parang
9604
Opening Hours
| Monday | 6am - 9pm |
| Tuesday | 6am - 9pm |
| Wednesday | 6am - 9pm |
| Thursday | 6am - 9pm |
| Friday | 6am - 9pm |
| Saturday | 6am - 9pm |
| Sunday | 6am - 9pm |