Ang MATA

Ang MATA

Share

Ang MATA โœ’๐Ÿ“ฐ
(Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Pasay City North High School)

Photos from Ang MATA's post 27/06/2026

FLAG RETIREMENT, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA PASAY CITY NORTH HIGH SCHOOLโ€“MDC

"๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™œ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ก๐™–."

Matagumpay na isinagawa ng Pasay City North High Schoolโ€“MDC ang seremonya ng Flag Retirement noong Hunyo 27, 2026, bilang paggalang sa mga lumang watawat ng Pilipinas na hindi na maaaring gamitin. Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan ng Boy Scouts of the Philippines, Girls Scouts of the Philippines, mga g**o, School Parent-Teacher Association (SPTA), at iba't ibang organisasyon ng paaralan.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Scout Dominic Calintz Dela Cruz, na sinundan ng pambungad na pananalita ni School Principal I at Scout Leader Michael Artoza. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggalang at wastong pangangalaga sa pambansang watawat bilang sagisag ng kalayaan at pagkakaisa ng bansa.

Kasunod nito ang pagbigkas ng tulang "Ang Aking Bandila" ni Cirio H. Panganiban sa pangunguna ni Scout Nick Vito Cruz. Ipinaliwanag din ni Scout June Paolo Falcon ang kahalagahan at wastong pagpapahalaga sa Watawat ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay sabay-sabay na isinambit ng mga dumalo ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas bilang pagpapakita ng paggalang at katapatan sa bansa.

Isinagawa rin ang pormal na seremonya ng pagsusunog ng mga lumang watawat alinsunod sa itinakdang pamamaraan. Pinangunahan ni Gng. Jessica P. Peralta, g**o sa Filipino, ang pangangalap ng abo ng mga watawat na isinunod na inihatid sa hantungan.

Bilang huling bahagi ng programa, nag-alay ng bulaklak ang mga kalahok bilang simbolo ng paggalang at pagmamahal sa bayan habang sabay-sabay na inawit ang "Ako ay Pilipino."

Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni Adrie Felex, tagapagdaloy ng programa, na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng seremonya.

โœ๏ธ: Carl Steven Bangcaya

Photos from Ang MATA's post 24/06/2026

๐“ข๐“ฝ๐“ช๐“ฝ๐“ฎ ๐“ธ๐“ฏ ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“ข๐“ฌ๐“ฑ๐“ธ๐“ธ๐“ต ๐“๐“ญ๐“ญ๐“ป๐“ฎ๐“ผ๐“ผ (๐“ข๐“ž๐“ข๐“) ๐“ช๐“ฝ ๐“ž๐“ช๐“ฝ๐“ฑ-๐“ฃ๐“ช๐“ด๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐“’๐“ฎ๐“ป๐“ฎ๐“ถ๐“ธ๐“ท๐”‚, ๐“œ๐“ช๐“ฝ๐“ช๐“ฐ๐“พ๐“ถ๐“น๐“ช๐”‚ ๐“ท๐“ช ๐“˜๐“ญ๐“ฒ๐“ท๐“ช๐“ธ๐“ผ

Matagumpay na isinagawa ang State of the School Address (SOSA) at Panunumpa sa Katungkulan ng mga bagong halal na opisyales ng mga pampaaralang organisasyon noong ika-24 ng Hunyo, 2026 alas-11:00 ng umaga sa Audio-Visual Room (AVR) ng paaralan.

Pinangunahan ni Bb. Ronalyn C. Dingcong, tagapagdaloy ng programa, ang pagbubukas ng palatuntunan sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang. Sinundan ito ng panalangin, pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn, at Himno ng Pasay sa pamamagitan ng visual presentation.

Nagbigay ng pambungad na mensahe si Bb. Virginia J. Mondero, Kawaksing Punongg**o, at malugod na tinanggap ang mga g**o, magulang, at mag-aaral na dumalo sa programa.

Sa kanyang State of the School Address, ibinahagi ni G. Michael C. Artoza, Punongg**o, ang mga naging tagumpay at proyekto ng paaralan sa nakaraang panuruan. Kinilala rin niya ang mahahalagang kontribusyon ng dating Punongg**o na si Gng. Grace B. Torres. Ayon kay Artoza, patuloy niyang pagbubutihin ang pamamahala upang higit pang mapaunlad ang paaralan at mapakinabangan ng buong komunidad nito.

Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Imelda Calixto-Rubiano sa pamamagitan ng video presentation bilang pagbati sa pagsisimula ng taong panuruan. Samantala, naghatid naman ng mensahe ang kinatawan ng tanggapan ni Konsehal Luigi Calixto-Rubiano ng Ikalawang Distrito para batiin ang mga bagong halal na opisyales ng iba't ibang organisasyon ng Pasay City North High School (PCNHS).

Nagbigay rin ng inspirasyonal na mensahe si Gng. Evelyn R. Ramos, Public Schools District Supervisor (PSDS) ng Cluster 10. Hinikayat niya ang mga bagong halal na opisyal at iba pang kasapi ng paaralan na pairalin ang pagkakaisa, dedikasyon, at pananagutan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni G. Mark Niรฑo H. Avelino, Faculty President. Nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga panauhing pandangal, opisyal ng paaralan, mga g**o, non-teaching personnel, magulang, at mga mag-aaral na nakiisa sa programa. Binigyang-diin niya na ang panunumpa ay hindi lamang isang pormalidad kundi isang pangakong dapat isabuhay ng mga nahalal sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod, paninindigan, at pananagutan.

โœ๏ธ Marc Jensen
๐Ÿ“ธChenelle Diogracias

Photos from Ang MATA's post 30/03/2026

Ika-11 Completion Rights ng Pasay City North High School, Isinagawa

Isinagawa ang ika-11 Completion Rites ng Pasay City North High School noong ika-25 ng Marso 2026 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Ang naturang seremonya ay dinaluhan ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at panauhing pandangal bilang paggunita sa isang mahalagang yugto ng akademikong paglalakbay ng mga nagsipagtapos.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang, na sinundan ng panalangin na pinangunahan ni Vivienne Artemis E. Esparagoza ng 10-Rizal, may Mataas na Karangalan. Kaagad itong sinundan ng pag-awit ng Bagong Pilipinas at Himno ng Pasay na pinangunahan ni Gng. Mary Jane C. Octaviano, g**o sa MAPEH. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Cryslyn Pereyras ng 10-Rizal, may Mataas na Karangalan, na naglatag ng diwa ng pagtitipon at pagbibigay-pugay sa mga nagtapos na mag-aaral.

Sumunod ang presentasyon at pagkumpirma ng mga mag-aaral na nagsipagtapos na pinangunahan nina Gng. Grace B. Torres, Principal II. Pagkatapos, pormal na iginawad sa mga mag-aaral ang sertipiko at medalya bilang simbolo ng tagumpay at pagpupunyagi.

Ang bawat parangal ay nagsilbing paalala ng kanilang sakripisyo at determinasyon upang makamit ang kanilang mga layunin. Ang seremonya ay nagsilbing opisyal na pagkilala sa kanilang pag-usad mula sa isang antas patungo sa susunod na yugto ng kanilang edukasyon.

Kasunod nito, nagbigay ng makabuluhang mensahe sina Hon. Imelda Calixto-Rubiano, Alkalde ng Lungsod ng Pasay at Hon. Antonio G. Calixto, Lone District Representative ng Pasay kung saan hinikayat ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap at gamitin ang kanilang natutunan bilang sandata sa pagharap sa hamon ng buhay.

Bilang pagtatapos, sabay-sabay na inawit ng mga mag-aaral ang kanilang moving up song at ang Pasay Alma Mater Hymn, na nagbigay ng emosyonal at makabuluhang pagtatapos sa programa. Sinundan ito ng pasasalamat na pananalita na pinangunahan ni Marc Jensen C. Rilloraza ng 10-Rizal, may Mataas na Karangalan, na nag-iwan ng mensahe ng pasasalamat at inspirasyon para sa kapwa mag-aaral, g**o, at mga magulang.

Isang makabuluhang pagdiriwang ng sipag, tiyaga, at pagkakaisaโ€”isang pagpupugay sa mga nagsipagtapos na handa nang harapin ang panibagong kabanata ng kanilang buhay.

Want your school to be the top-listed School/college in Pasay City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Pasay City
Pasay City