San Rafael Parish Pasay
San Rafael Parish - Pasay (Official Page)
Quiapo Church 12:15 PM Live Mass
26 June 2026; FRIDAY of the 12th Week in Ordinary Time
BIYERNES sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Tagapagdiwang: Most Rev. Teodoro Bacani, Jr., D.D.
Bishop Emeritus of Novaliches
QUIAPO CHURCH MOBILE APP
For Android: https://bit.ly/3nXUz4Q
For IOS: https://apple.co/3k9nfFH
24/06/2026
REQUIESCAT IN PACE ✝️🕊️
Taos-pusong nakikiisa sa pagdadalamhati ang buong Pamayanan ng San Rafael Parish sa Prelature of Opus Dei Philippines at sa pamilya, mga kaanak, at mga mahal sa buhay ni Rev. Fr. Jaime “Jimmy” Mendoza.
Buong pasasalamat nating ginugunita ang kanyang buhay na inialay sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan. Patuloy natin siyang alalahanin sa ating mga panalangin, gayundin ang kanyang mga naulila, upang sila’y pagkalooban ng lakas, kapanatagan, at pag-asa sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.
Kapayapaan kailanman ang igawad ng Maykapal sa ating mahal na yumao. Silayan nawa siya ng liwanag na walang hanggan at mamahinga sa kapayapaan. Amen. 🙏🏻✝️🕯️
Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. 🕊️
23/06/2026
June 24, 2026: Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista 🌊
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista, ang tinig na naghanda ng daan para sa pagdating ng Panginoon. Nawa’y tularan natin ang kanyang kababaang-loob, katapangan sa pagpapahayag ng katotohanan, at taimtim na panawagan sa pagsisisi at pagbabalik-loob.
"Siya’y dapat dakilain at ako nama’y mabawasan." (Juan 3:30)
Maligayang Kapistahan ni San Juan Bautista! Nawa’y gabayan tayo ng kanyang halimbawa tungo sa mas malalim na pananampalataya at paglilingkod sa Diyos. 🙏
20/06/2026
Maligayang Araw ng mga Ama! 💙
Hunyo 21, 2026
Sa araw na ito, buong galak nating binabati ang lahat ng mga ama na nagsisilbing haligi ng tahanan, huwaran ng pananampalataya, at larawan ng mapagmahal na pag-aaruga ng Diyos Ama.
Tulad ni San Jose, nawa'y patuloy kayong maging matatag na gabay, mapagkalingang tagapagtanggol, at tapat na lingkod ng inyong pamilya. Ang inyong mga sakripisyo, pagmamahal, at pagsisikap ay biyayang nagbibigay-lakas at pag-asa sa mga mahal ninyo sa buhay.
Ipinagdarasal namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng karunungan, kalusugan, at lakas upang magampanan ang inyong banal na bokasyon bilang ama.
PARISH ANNOUCEMENT:
The 6:00 PM Mass tonight is Temporarily Cancelled due to On-Going Repairs inside our Church
Thank You and Godbless!
13/06/2026
Hunyo 14, 2026 | Ika-labing Isang Linggo sa Karaniwang Panahon 💚🌱
"Ang ani ay sagana ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Kaya't manalangin kayo sa Panginoon ng ani upang magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kanyang aanihin." (Mt. 9:37-38)
Sa Ebanghelyo ngayong Linggo, ipinapaalala sa atin ni Hesus na marami pa ring nangangailangan ng pag-ibig, habag, at paggabay ng Diyos. Bilang Kanyang mga alagad, tayo ay tinatawagan hindi lamang upang manalangin para sa mga manggagawa ng Panginoon, kundi upang maging handang tumugon sa Kanyang paanyaya na maglingkod.
Nawa'y buksan natin ang ating mga puso sa misyon ni Kristo at maging mga saksi ng Kanyang awa at pagmamahal sa ating pamilya, pamayanan, at Simbahan.
Panginoon, gawin Mo kaming tapat na manggagawa sa Iyong ubasan. 🙏🏻
12/06/2026
Hunyo 13, 2026 | Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ni Maria 💙🤍
Sa paggunita natin sa Kalinis-linisang Puso ni Maria, pinagninilayan natin ang pusong ganap na nakatuon sa Diyos—isang pusong marunong makinig, sumunod, at magtiwala sa Kanyang banal na kalooban.
"Ikiling Mo, O Diyos, ang aking puso sa Iyong mga tuntunin." (Awit 119:36)
Ang panalanging ito ay ganap na naisabuhay ng Mahal na Birheng Maria. Ang kanyang Kalinis-linisang Puso ay laging nakahilig sa Diyos at sa Kanyang mga utos. Sa kanyang kababaang-loob at buong pagtitiwala, tinanggap niya ang kalooban ng Panginoon at naging huwaran ng tunay na pananampalataya.
Sa gitna ng mga hamon at pagsubok ng buhay, nawa'y matutuhan din nating ikiling ang ating mga puso sa Diyos tulad ni Maria—bukas sa Kanyang Salita, tapat sa Kanyang mga utos, at handang tumugon sa Kanyang panawagan. Sa kanyang pamamagitan, nawa'y higit tayong mapalapit kay Hesus at maging mga saksi ng Kanyang pag-ibig sa ating kapwa.
O Kalinis-linisang Puso ni Maria, ipanalangin mo kami 🙏🏻
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
2645 Park Avenue
Pasay City
1300