Centro - KHS

Centro - KHS

Share

โœ’๏ธ๐Ÿ“ฐ: ๐—˜๐˜†๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜€, ๐—ต๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐˜๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜€

21/09/2025

Tindig Kabataan: Para sa Kalayaan!

Ika-21 ng Setyembre taong 2025 isang malakihang pagproprotesta ang gaganapin sa Luneta sa Maynila. Tinatawag itong โ€˜main eventโ€™, ito ay ang pagtindig ng pagtuligsa laban sa korapsyon, mga multong pigil-bahang proyekto, at manawagan para sa mabuting liderato ng gobyerno.

Tinatayang 3,000 kapulisan ang magbabantay para mapanatili ang kaligtasan ng malawakang kilos protesta ng libo-libong Pilipino na titindig at dadalo sa rally na nagnanais na marinig ang kanilang boses, tumindig laban sa korapsyon at tuligsain ang di-makatarungang hustisya.

Ayon sa Proclamation No. 319 series of 2017 itinalaga ang Ika-21 ng Setyembre bilang National Day of Protest na nagbibigay ng karapatan upang isigaw ang ninanais sabihin, magpahayag ng matutulis na salita ang maglahad ng talumpati laban sa gobyerno at ang nasabing malawakang protesta ay ginanap din para sa pag-alala ng Batas Militar noong taong 1972 sa ilalim ng liderato ng dating pangulo Ferdinand Marcos Sr. na nagsisilbing paalala sa ating lahat na ang sambayanan ang tunay na may kapangyarihan. Pinaalalahanan ni Civil Service Commission (CSC) Assistant Commissioner Arien Ronquillo ang mga civil servants na umakto ng may makatarungang pag-uugali at iwasan ang pag mga kilos na labag sa batas.

Panahong ber months ay iginugunita ang pagsapit ng pasko datapwat inaasahan lagi ang pagbagsak ng mga bagyo na tiyak na magdudulot ng trahedya. Kaunting ulan, bumabaha โ€” dahil nga ba ito sa mga mamamayan? o dahil sa hindi makatarungang paggamit ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Huling kwarter ng taong 2025 imbis na yumakap ang espritu ng pasko, yumakap ang mga kamuhi-muhing asta ng gobyerno, kongreso at ang kalapastangan ng mga buwayang kontraktor na di umano sangkot na ghost flood control projects na nag-ugat sa pagka-poot ng damdamin at pagsiklab ng nag-aalab na layunin ng pinagsamasamang henerasyon na makalaya mula sa kalupitan ng pamahalaan.

Bigo man ang mga nakaraang henerasyon na pigilan ang korapsyon ngunit ngayon ay ang mga pinagtumpok-tumpok na henerasyon ay nagkakaisa para sa pagtindig laban sa anomalya sa gobyerno. Ang buwis ng sambayanan, tunay nga bang nasa magagandang proyekto ng gobyerno? o ang pondo na iniatas ng kongreso para sa mga proyekto ay napunta lamang sa pantutustos sa luho at sa magarang pagbili ng magagarbong sasakyan, nagsisilakihang mansyon, at ang paggastos ng daang-daang libong piso para lamang sa isang kainan. Sabi sa karatula ng DPWH โ€œThis is where your taxes goesโ€œ ngunit ang katotohanan this is where your taxes ghost โ€” imbis na mailigtas ang bayan mula sa trahedya, ang pera ng sambayanan ay minumulto! โ€” mismong ang ating pamahalaan ang naglulugmok sa atin at nagbibigay ng sakuna.

Oras na para malaman ng gobyerno na hindi natin tatanggapin ang kung anumang hindi makatotohanan at mapanlinlang nilang asal ay hindi matatakpan ang butas โ€” na napapa-alam sa publiko na hindi mapagkakatiwalaan ang gobyerno. Ang mga mamamayang Pilipino ay sumusugod sa baha para lamang maitawid ang kanilang hanap-buhay at makapag-aral pero ang mga buwayang opisyales ay sakay ng kanilang milyon-milyong halaga ng isa lamang sasakyan galing sa pera ng sambayanan at ang mga anak ng magnanakaw ay nalulunod sa mamahaling mga branded bags na mula sa katas ng hirap, pagod, at pagsasakripisyo ng mga nagbabayad ng buwis.

Gaya hagupit ng hangin, pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog sa konting pagpatak ng ulan, bahang abot-leeg โ€” ngayon ang iskandal sa korapsyon nag-uugat sa pag-agnas ng tiwala ng publiko. Hindi na natutulog ang diwa ng mga Pilipino na gusto ng magandang liderato, hindi na bulag ang mata ng bayan para hindi makita ang harap-harapang pagnanakaw sa pera ng sambayanan. Nakakapanggalit ng sobra na ang mga lider ng bayan na siyang dapat na pumoprotekta sa kaligtasan ng mamamayang kanilang nasasakupan ngunit sila pa mismo ang itinatakwil ang responsibilidad at siya pang nagdudulot ng trahedya.

Milyon ang mga naghihirap sa buhay โ€” dugoโ€™t pawis nilaโ€™y iaalay maitwaid lamang ang bukas at mapawi man lang ang gutom ng kani-kanilang pamilya ngunit nasaan ang hustisya? na ang mga napatunayang nagnanakaw mula sa pondo ng bayan ay naka-upo parin sa gobyerno at na nanatiling nagbebenepisyo mula sa perang mula sa sikap at pagod ng mga Pilpino. Kung sino pa ang hindi lumalaban ng patas sa buhay ay siya pang nabubuhay nang walang iniintinding pagtulo ng ulan sa loob ng bahay, paglusong sa baha, at pagbili ng kakainin sa araw-araw.

Ang kaganapan sa Luneta, Maynila nitong ika-21 ng Setyembre taong 2025 ay hindi lamang pagpila at pagsigaw ng libo-libong Pilipino ngunit isang protesta na naghahayag ng testamentong ang Pilipinas ay nangangailangan ng mabuting pamamahala, mga lider na tapat, at pamahalaang may mabuting sistema! at sapat na! ang panlalapastangan nila sa pondo ng mamamayan, sukat na! ang pagtakwil sa tiwala ng sambayanan, at higit sa lahat itigil na! ang kasuklam-suklam na pagsisinungaling.

Imbestigasyon ay sumiklab, ngunit ang hinihingi ng sambayanan ay ang pagbabago! hindi sapat ang interbyu at pagsagot sa ilang katanungan lamang โ€” panagutin ang dapat panagutin! Mula sa iba't ibang henerasyon โ€” nagkakaisa sa pagtindig upang marinig ang tinig na sumisigaw para sa kalayaan mula sa panlalapastangan ng pamahalaan! Boses ng sambayanan, Magkaisa ang bayan!

โœ’๏ธ: Genesis C. Valenzuela
๐ŸŽจ: Stephanie Tabangcura
โœ…: Athena Venice Sanchez

17/09/2025

๐—›๐—˜๐—”๐——๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ ! ๐Ÿ“ข

We are proud to present the list of the qualifiers to be part of ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ขโ€”the Kapitolyo High School's Official Student Publication. These individuals have shown exceptional potential and passion for the craft. With that, they will represent the school in the upcoming Division Schools Press Conference.

Congratulations! The CENTRO FAM welcomes you warmly and looks forward to creating an unforgettable year togetherโ€”๐Ÿ“๐Ÿ’œ

Photos from Centro - KHS's post 02/12/2024

๐ŸŽ‰ Congratulations, Centro Campus Journalists! ๐ŸŽ‰

3rd place overall in Filipino category and 8th place overall in English and Filipino categories at the 30th Division Schools Press Conference! ๐Ÿ†โœจ

Filipino Category
NATASHA NICOLE S. ALLAM- First Place (Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita)
STEPHANIE G. TABANGCURA- Second Place (Pagsulat ng Lathalain)
THIRDY E. BERNALES- 2nd Place (Paglalarawang Tudling)
SANDER MAE N. Aร‘ORA- 5th Place (Pagsulat sa Agham)
MARIANE KLEO C. LEYESA-9th Place (Pagsulat ng Kolum)
DANA CLAIRE E. PALMAIRA- 9th Place (Pagsulat ng Balitang Isport)

English Category
THEA MARIE D. MACESAR- 2nd Place (Newswriting)
RAYNE R. MORAL- 7th Place (Copyreading and Headlining)
SHECAINAH DAYLE V. IBUSAG- 7th Place (Science Writing)
JOHN DHERECK D. BANIQUED- 10th Place (Sports Writing)
VAN GABRIEL A. LAGUA- 10th Place (Feature Writing)

Campus Journalists
ZACH DANIEL R. FELICITAS- Editorial Cartooning
JAYDEN E. STA. MARIA- Photojournalism
GABRIELE MATTHEW B. FERRARIS- Feature Writing
JULIA ANNE S. TUASON- Column Writing
STEPHANIE JOYCE A. AGURILLA-Pagsulat ng Balita
MARY B. ORANZA-Pagkuha ng Larawan
MARIEA JANE B. ROXAS- Pagsulat ng Pangulong Tudling

This milestone is a testament to your hard work, creativity, and passion for journalism. More than these accolades, we fervently hope that the experiences youโ€™ve gained in this endeavor will be a memory worthy to be kept in your treasure troves. Know that we are extremely proud of you all!

Special thanks to the school administration, Sir Lazaro Torres and Maam Vida Bianca M. Laus for the support. SPAs Maam Marilou Padua, Sir Benjie Pasco and Sir Roy Nalagon. Our canteen staff, librarian, Kuya Mike, to your parents and those who in one way or another helped us in this journey.

Malayo pa, pero malayo na! Padayon!

Want your school to be the top-listed School/college in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


San Ignacio Street Bo. Kapitolyo
Pasig
1603