Team Rey - Financial Advisors
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team Rey - Financial Advisors, Pasig.
06/04/2021
Uses of VUL Insurance #3 - MRI (MORTGAGE REDEMPTION INSURANCE)
First, ano nga ba ang MRI?
Ito ay yung kapag nagloan ka sa bank for a major purchase, irerequire ka ng bank na kumuha ng insurance na may Death Benefit katumbas ng amount na iloloan mo.
Halimbawa magpapatayo ka ng bahay na naghahalagang 1M, and dahil di enough budget mo, nagloan ka sa bank, lets say niloan mo yung buong 1M na payable up to 15 years.
Sigurista yung banko, what if mamatay ka bago mo ma fully paid yung niloan mo, gusto nila ng assurance na mababayaran pa din yun. Kaya ang gagawin nila, papakuhain ka nila ng Life Insurance na in this case, may Death Benefit na 1M, at dapat in force yung policy mo hanggang mamatay ka or matapos mo yung paying period ng niloan mo, whichever comes first.
Ngayon, dito papasok yung Term at VUL na na explain ko sa previous post ko.
🔴 Sa Term Insurance, mas mura sya lets say kalahati or up to 70%. Pero let's say matapos mo yung 15 yrs na paying period, walang perang babalik sayo since Pure Insurance lang siya at walang investment na kasama. At kung gusto mo ituloy insurance mo for personal use na, mas mahal na ito kasi mas matanda ka na compared sa mga lumipas na taon, at panibagong bayad uli. Magkano yung perang itinapon mo, 15yrs x kung magkano yung Annual na binabayaran mo, lets say 12k per year, 180k din yun.
🟢 Sa VUL Insurance, yes mas mahal sya sa una, lets say 36k per year. Pero let's say same scenario, natapos mo paying period, naibalik na yung perang ipinanghulog mo for 15 yrs thru investment, baka nga may tubo pa, at if ever gusto mo din ituloy yung insurance mo for personal use na, same cost sya kung magkano mo ito kinuha 15 yrs ago.
In short, saan ka talaga mas nakatipid? Doon ba sa:
🔴 12k X 15 = 180k na naibayad mo for the whole 15 yrs at walang balik? At kung balak mo i extend ito, this time around 25k na yearly mo for the same coverage, nadagdagan kasi, edad mo.
or
🟢 36k X 15 = 540k pero may projected na 500k to 800k na investment after 15 yrs? At kung iextend mo man yung hulog mo, mas malaki yung potential growth ng investment at 36k yearly pa din.
29/03/2021
Uses of VUL Insurance #2 - Estate Planning
Yes, you can use Life insurance as a way to reduce your tax legally. Pano?
According to picture #2, lahat ng mga naipundar mo (pera, ari a***n, alahas, etc) ay subjected sa 6% na estate tax bago mo ito mailipat sa ibang pangalan.
Kung may 100 Million ka na Total Net Worth, ibig sabihin nun ay may kailangan munang isettle na 6M bago ito tuluyan maitransfer halimbawa sa anak mo. Di pa kasama dito yung gastos sa abogado, dokumento, etc.
San papasok dito yung Estate Planning? Insurance ang gamitin mo to cover that estate tax.
Halimbawa, kung kukuha ka ng 600k Annual na plan na huhulugan mo for 5 yrs, kaya na nun icover yung 6M na estate tax thru death benefit. Pero ang total na nahulog mo lang sa VUL plan mo ay 3 Million. And take note, Life Insurance is Non Taxable.
(600k/year * 5yrs)
Tapos, ang kagandahan pa nun, may pera ka pang naka invest, na after 5 yrs, higit na mas malaki na compared sa total na naihulog mo.
(Investment after 5yrs > 3 Million na naihulog)
Im short, nakalibre ka na ng estate tax, tumubo pa pera mo thru investment.
Sounds scam ba? Ganun talaga sya sa una kasi nga ang laki ng benefits, pero thats how VUL works, and regulated din kami ng government.
Siguro next concern mo ay masyadong malaki yung 100 Million. Yes, kaya nga maganda may makausap ka na Financial Advisor para ma explain nya ito ng maayos pa at mai posisyon nya ito based sa financial status mo.
Message mo lang ako. Free Consultation naman and Non Committal. Thru online lang din kaya no risk of getting a covid.
26/03/2021
Nag invest sa maling tao compared sa nag invest kay Pru.
May investment ka na, insured ka pa.
Share ko sayo how it works, free lang naman and thru online lang.
23/03/2021
Ano nga ba ang pinagkaiba ng Emergency Fund, Insurance, Investment? Ano ang dapat unahin?
3. Investments - paraan upang palakihin mo yung pera mo. Bakit kailangan mong mag invest, di ba pwedeng nasa banko nalang lahat ng pera ko?
👉👉 Inflation Rate (pagbaba ng purchasing value ng pera) : 4.7%
https://www.rappler.com/business/inflation-rate-philippines-february-2021
👉👉 Interest Rate (pagtubo ng pera) : 0.125%
https://www.bpi.com.ph/bank/deposit-rates-savings-and-checking
So kung may 1000 ka sa banko, after a year magiging 1001.25 pesos na ito dahil sa interest. Ngayon, halimbawa 1000 per kilo ang halaga ng isang produkto, after a year, 1047 pesos na halaga nito per kilo.
Oo, tumubo nga ng 1.25 pesos pera mo, pero nagmahal naman ang bilihin ng 47 pesos. In short, nalugi ka pa ng 45.75 pesos kada 1000 pesos.
Ngayon, saan maganda mag invest?
Pwede sa Precious Metals, Real Estate, Crypto, Stock Market, etc.
Kung balak mo pumasok sa stock market, pwede ma maging direct trader, or pwede ka kumuha ng Fund Manager mo para. mag manage ng fund mo.
Ano kinaibahan nila?
Pag direct trader ka, you will do the trading. Wala kang papasahurin na Fund Manager. Pero dapat maalam ka mag trade at may oras ka mag trade. Kung wala ka nito pareho, malamang malugi ka lang.
Kung may fund manager ka naman, may papasahurin ka, pero ano naman kapalit nun, may maggagawa ng trading para sayo. Lesser risk malugi ka kahit wala kang alam about trading, at di mo kailangan tutukan ng maigi.
Think of it as hiring a maid.
Kung magha hire ka ng kasambahay, may gagawa ng mga gawaing bahay gaya ng paglalaba, paglilinis, etc. Nakatipid ka sa oras, di mo kailangan aralin ito, at dahil expertise nila iyon, mas maganda yung output. Di ka naman siguro kukuha ng kasambahay na walang alam sa gawaing bahay.
Kung di ka naman kukuha, ikaw gagawa ng lahat ng iyon. Ubligado kang aralin, at maglaan ng oras para sa mga gawaing bahay. Pero wala kang pinapasahod na kasambahay.
Pero diba mas maganda kesa magfocus ka dun na di mo naman expertise, gugulin mo nalang yung oras mo kung san ka magaling. Halimbawa isa kang engineer, edi focus ka nalang how to get additional projects to increase your income. I believe higit na mas malaki pa din yung madadagdag sa income mo compare sa ibabayad mo sa kasambahay.
Ngayon ano mas ok sayo?
In getting a fund manager, I suggest na humanap kayo mg may magandang credentials, para ma minimize yung risk at tumaas yung chance ng potential gain.
May mga insurance policies din na insured ka na, invested ka pa, 2 in 1 kumbaga. Eto yung tinatawag na VUL or (Variable Unit Linked).
Ok sya dahil protected ka na, at may investment ka pa na hinahandle ng fund manager. May kanya kanyang purpose din ang VUL, kaya I suggest humanap ka din ng Financial Advisor na kaya ipaliwanag ito sayo ng maayos.
Based sa previous post ko, unahin mo muna yung emergency funds at insurance, nandun din explanation kung bakit or pwede mo pagsabayin insurance at investment in the form of VUL.
PS: kung gusto mo mas malaman pa how VUL works, at kung ano uses nito, Pm mo lang ako friend, explain ko sayo. No commitments naman after 🙂.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Telephone
Website
Address
Pasig
Opening Hours
| Monday | 8am - 7pm |
| Tuesday | 8am - 7pm |
| Wednesday | 8am - 7pm |
| Thursday | 8am - 7pm |
| Friday | 8am - 7pm |
| Saturday | 10am - 5pm |