Omega Coffee
OMEGA COFFEE BENEFITS
Anti-oxidant
Anti Cancer
24/12/2022
Merry Christmas Everyone❗️❗️❗️
06/10/2022
Proof of Purchase.. bound to Baguio City😍
Omega Coffee free shipping and cash on delivery nationwide🚛
AVAIL NOW!!! Tara kape tayo☕️☕️☕️
For more details just DM us😊
29/09/2022
OMEGA COFFEE with DAHON NG SILI
12 na benepisyo ng dahon ng sili
Nasubukan mo na bang gamitin ang dahon ng sili bukod sa pansahog sa tinola kabayan? Aba ay kung hindi pa basahin mo ito ng malaman mo kung ano pa ang gamit ng dahon ng sili.
Ang Dahon ng Sili ay kilala natin bilang gamit lang sa pagluluto ngunit ang hindi natin ay napakarami palang sakit ang kaya nitong gamutin dahil ito ay nagtataglay ng mga Vitamins at Minerals na kailangan ng ating katawan.
Narito ang mga benepisyo ng paborito kong pansahog sa tinola ang Dahon ng Sili.
1. Gamot sa Arthritis
Kung ikaw ay nasa edad 50 pataas malamang ay nakakaramdam ka na ng pananakit ng iyong butu-buto. Sa mga may arthritis hindi biro ang sakit na dala nito kaya naman mahalaga na kumain ng nilagang dahon ng sili dahil kaya nitong tanggalin ang pamamaga dahil meron itong anti-inflammatory properties.
2. Gamot sa Shingles
Ano ba ang Shingles? Ito ay sakit sa balat na nakukuha sa isang virus na katulad sa smallpox o bulutong. Makakatulong din ang dahon ng sili sa pagsugpo ng sakit na ito.
3. Anti Stress
Dahil sa antiseptic properties ng dahon ng sili nakakatulong ito na linisin ang toxins sa loob ng ating katawan. Pwede din itong panggamot sa buni, at iba pang sakit sa balat.
Pinapalakas din nito ang ating resistensya dahil ito ay nagtataglay ng phytochemicals at phenolic acids na nagpapalakas ng ating katawan.
Pwede mo din itong gawing tsaa at inumin upang bumaba ang iyong timbang o gawing pampapayat.
At dahil din sa anti oxidants at mayaman ito sa Vitamin A, Vitamin C, Vitamin B1, B2, Iron, calcium, potassium, maiiwasan mo ang pagkakaroon ng mga sakit katulad ng cancer, cataract, at iba pang sakit sa puso.
4. Pampababa ng Cholesterol Level
Kung ikaw ay may sakit na sa puso at mataas ang Cholesterol maaari mo itong inumin upang mapababa ang iyong cholesterol level at maiwasan ang atake sa puso.
5. Nkakatulong sa pagkakaroon ng Insulin
Dahil ang dahon ng sili ay may taglay na photochemical tinutulungan nito ang ating pancreas o lapay na magproduce ng insulin na nakakatulong sa mga may sakit na diabetes.
6. Hirap Matunawan
Uminom lang ng pinakuluang dahon ng sili pagkatapos kumain at makakatulong ito upang tulungan ang ating bituka na durugin ang ating mga kinain
7. Gamot sa lagnat
Pwede din ito sa may mga lagnat. Magdikdik lamang ng dahon ng sili at ihalo sa langis at ilagay sa iyong noo upang makatulong sa pagpapababa ng iyong lagnat
8. Gamot sa sugat
Magdikdik ng dahon ng sili at ihalo sa langis ng niyog at pwede na itong panlinis ng sugat.
9. Iwas Acne
Haluan ng aloe vera juice at gawing mask ang dinikdik na dahon ng sili. Hayaan itong nasa mukha ng 15 minutes. Pwede din itong ipampaligo upang lumambot at gumanda ang balat.
10. Mouth Wash
Maghali ng isang kutsarang aloe vera juice sa isang basong pinakuluang dahon ng sili at ayos na pang mouth wash mo.
11. Kagat ng Insekto katulad ng lamok at langgam
Magtapal lang ng dahon ng sili at ilagay sa kagat ng insekto
12. Shaving
Nakakabilib din na ginagamit ang dahon ng sili sa pag-ahit ng buhok sa kilikili? Magpakulo lamang at ilagay sa kilikili bago mag-ahit
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
80 Sta. Maria St Ph4 Santolan
Pasig