Siklab - Pasig
The organization's core areas of focus are Active Citizenship and Good Governance.
09/01/2026
Magparehistro na, Kabataang Pasigueño! 🗳️
Para sa Barangay at SK Elections 2026 — Old Bldg., Pasig City Hall (Brgy. San Nicolas), 8AM–5PM hanggang May 18. Magdala ng valid gov’t ID na may Pasig address.
28/10/2025
🔥SIKLAB GENERAL ASSEMBLY 2025🔥
Isang matagumpay na pagtitipon ng kabataang Pasigueño mula sa District 2 — Santolan, Manggahan, Sta. Lucia, Rosario, Maybunga, at Pinagbuhatan!🙌
Lubos ang aming pasasalamat kina Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin at SK Chairman Charles Torralba ng Barangay Manggahan sa kanilang pagdalo at pagbibigay ng inspirational message na nagpaalab ng diwa at pag-asa ng mga kabataan! ✨
Sa buong araw ng programa, ang mga kalahok ay natuto sa iba’t ibang talakayan at gawain — kabilang na ang pagpapakilala sa SIKLAB, kasaysayan ng Pasig, pagpapahalaga sa giting ng kabataan, at mga group discussions tungkol sa “Kabataan Noon at Ngayon” na pinangunahan nina Secretary General Rafael Bismonte Chavez at Deputy Secretary General Andrew Clarence Sican Paurillo.
Ang mga karanasang ito ay magsisilbing gabay at inspirasyon sa kanilang paglalakbay bilang mga bagong lider kabataan ng Pasig.💪
Pasasalamat din sa aming mga partners at sponsors na naging katuwang upang maisakatuparan ang makabuluhang pagtitipon na ito. 🙏
Tunay nga na, “May SIKLAB ang Puso ng Kabataang Pasigueño!”❤️🔥
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Pasig
1607