Pasig CSWDO
Social Service
03/03/2026
𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐄𝐯𝐚𝐜𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐨𝐭 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲
Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, katuwang ang Barangay Maybunga, ang Evacuation Community Drill sa Westbank Community Center nitong March 1, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa kahandaan ng lungsod sa pagtugon sa mga kalamidad, partikular sa paglikas dala ng mga posibleng pagbaha at iba pang sakuna.
Layunin ng aktibidad na subukan at paghusayin ang bagong data management na parte ng evacuation system ng City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO) na may aktuwal na paglahok ng internally displaced persons (IDPs). Lumahok sa drill ang 127 pamilya o kabuuang 172 indibidwal na lumikas patungo sa kanilang itinalagang evacuation center dala ang kani-kanilang Emergency Go Bags at FACED (Family Access Card in Emergencies and Disasters).
Bahagi rin ng aktibidad ang simulation ng Pre-Disaster Risk Assessment ng barangay na nagsimula sa White Alert, na kalaunan ay itinaas sa Yellow Alert na naging hudyat ng paghahanda at aktuwal na paglikas. Nagsilbing senyales para sa komunidad ang sirena ng bumbero para sa agarang paglikas.
Ang isinagawang drill ay bahagi ng final phase ng proyektong Profiling and Tagging of Families in High-Risk Areas na layong matukoy ang mga pamilyang naninirahan sa high-risk areas at matiyak ang kanilang maayos at tamang paglalagay sa mga itinalagang evacuation centers sa oras ng sakuna.
Kasabay ng drill ang pag-test ng Excel-based database na Pasig ALERTO (Automated Local Evacuation and Response Tracking Operation) na idinisenyo upang mapabilis at mapagaan ang proseso ng pagtanggap ng IDPs sa evacuation centers. Sa pamamagitan ng sistemang ito, naging mas mabilis ang registration, mas tumpak ang data capture, at mas episyente ang koordinasyon ng mga response team.
Lahat ng operasyon sa loob ng evacuation center, mula sa pagtanggap ng IDPs (o evacuees) hanggang sa pamamahagi ng tulong, hanggang sa pagsa-sanitize ng ginamit ng evacuation center, ay isinagawa bilang aktuwal na proseso. Sinubok dito ang kahandaan ng komunidad, ng barangay, at ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapatupad ng bagong protocol at sistema. Bilang pasasalamat, binigyan ng relief goods at hot meals ang mga pamilyang lumahok sa drill.
Kaugnay nito, magsasagawa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng mga katulad na simulation sa iba pang barangay na nagbubukas ng kanilang evacuation centers, lalo na sa mga lugar na may mas mataas na bilang ng posibleng IDPs, upang masig**o na maitaas ang antas ng kahandaan at epektibong pagpapatupad ng bagong evacuation system sa buong lungsod.
Sa kabuuan, binibigyang-diin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kahalagahan ng ganitong mga simulation upang masig**o ang kahandaan ng lungsod at mga barangay sa oras ng tunay na kalamidad. Sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga barangay at ng buong komunidad, pinagtitibay ng Lungsod ng Pasig ang mga mekanismo para sa kaligtasan at kahandaan ng bawat Pasigueño sa oras ng anumang sakuna.
07/12/2025
SIMULTANEOUS DIATRIBUTION OF LANDBANK ATM CARDS PARA SA ELIGIBLE SOLO PARENTS
Tuloy-tuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig!
Kahapon, December 6, 2025, isinagawa ang Simultaneous Distribution of Landbank ATM Cards para sa mga eligible Solo Parent Cash Subsidy beneficiaries sa tatlong lokasyon: San Jose Covered Court, Catalina Covered Court – Palatiw, at Landbank Bridgetown, Temporary City Hall.
Isang hakbang ito para mas mapadali at mas maging accessible ang natatanggap na tulong ng ating mga solo parents, bilang pagkilala sa kanilang araw-araw na pagsisikap para sa kanilang pamilya. 💚✨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Caruncho Avenue
Pasig
1600
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |