NeroDaze
Like and Share our posts. Sometimes, words that cannot be spoken out find their way through writing.
13/03/2021
31/08/2020
"Paano natin pananatilihin ang apoy kapag dumating ang taglamig kung ngayon palang wala na tayong maigatong?"
14/05/2019
"Pahinga"
Masyado na tayong nasanay sa mga alitan araw-araw
Sinimulang kilig dulot ng pag-ibig ay kay hirap nang matanaw
Baka nga mali na itong ipinaglalaban natin
Baka nga mali na ito'y patagalin pa at pahabain
Hindi na ngiti at kilig ang natatanaw natin sa dulo
Kundi mga sisihan, pagdududa at mga luhang tumutulo
Masaya pa ba tayo sa isa't-isa?
Sakin ba'y masaya ka pa?
Tila tuluyan nang nawala ang tamis ng ating pagmamahalan
Ligaya noong simula ay di na natin maramdaman
Waring nabaon na lahat ng pangako
Sumama na sa hangin, naparam at naglaho
Madalas na tayong magkasakitan
Hindi man natin aminin, ngunit ating relasyo'y hindi maayos na naalagaan
Mas nangibabaw na ang mga di pagkakaunawaan
Kaysa tamis ng dating pagsusuyuan
Tutuloy pa ba tayo?
Ilalaban pa ba natin 'to?
Nahihirapan na tayo
Pagod na tayo pareho
Pag-ibig pa bang matatawag
Kung ang bawat yakap sa gabi' y unti-unti nang lumuluwag?
Palagay ko'y magiging masakit sa ating paroroonan
Hindi dahil sa pagdurusa, kundi dahil sa mga bagay na ating pagsisisihan
Matagal-tagal narin noong huli tayong ngumiti
Madalas ay puro away, kirot at hapdi
Mga puso'y sumisigaw
Huwag muna tayong bumitaw
Ngunit sadyang maligalig ang tadhana
Pinipilit tayong magpahinga muna
Baka mas mabuti nga na huminga muna tayo
Subukang mabuhay at maglakbay sa kanya-kanyang mundo
Huwag ka sanang magdamdam
Dahil minsan hindi maiiwasan sa isang relasyon ang magpaalam
Lalo na kung ang dalawang taong dating nagmamahalan
Sa isa't-isa'y nawalan na ng nararamdaman
Salita at Larawan ni Niel Andrew Gomez
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasig