Daryl Justin
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Daryl Justin, News Personality, Pasig City, Pasig.
At nagdaan na po ang aking unang linggo sa aking bagong tahanan sa radyo, ang DWWW 774! 📻
Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at pag-suporta, mga ka-newsic! Happy and Safe weekend po sa ating lahat! 😊 Make us your daily morning habit!
Opinyon Mo, Opinyon Ko
Weekdays, 6-9am!
Naka 1 week na po ang inyong lingkod, ka-Newsic! 💛💜
Tune in na sa Opinyon Mo, Opinyon Ko sa DWWW 774 hanggang 9am!
Ilang kembot na lang!!!
06/07/2026
Hello, one and all and starting today,
HELLO, MGA KA-NEWSIC! 📰🎵📻
Yes! Simula po ngayong araw, ang inyong abang lingkod ay may bagong tahanan na! 💛💜
Hanap niyo ba ay balita, impormasyon at opinyong magmumulat sa’yo at swak sa panlasang Pinoy?
We gotchu covered!
Araw-araw niyo na ako ulit makakasama sa himpapawid sa programang Opinyon Mo, Opinyon Ko (OMOK) Mondays to Fridays, 6am-9am kasama ang aking bagong partner (kahit ako yung bago sa station hahaha) na si Ms. Darlene Olaño!
Ipihit na ang inyong mga AM Radios tuwing umaga sa DWWW 774 - Your Ultimate Newsic Radio! 📰🎵📻
Maraming salamat po sa pamunuan ng DWWW sa mainit na pagtanggap at pagkupkop sa akin! To more broadcasts, music and happy memories!
To God be the Glory! 🙏🏼
19/06/2026
Statement (19 June 2026)
Hello, one and all!
Kumusta po kayong lahat? I hope everyone is doing well.
Para po sa mga hindi pa nakakaalam, pormal na po akong nag-sign off sa ere ng Home Radio 97.9 noong April 30. Samantala noong May 8 naman, nag-sign off na rin po ang inyong abang lingkod sa DWIZ 882 at Aliw Channel 23.
Sa mga nagtatanong po ng, “What happened?”
To cut a long story short, ang Aliw Broadcasting Corporation
ay nasa ilalim na ng bagong pamunuan. Bilang bahagi nito, napagdesisyunan ng bagong management na magkaroon
ng mga pagbabago sa direksyon ng Home Radio, DWIZ, at Aliw Channel 23.
With these developments, I would like to inform everyone that I have officially parted ways with Aliw Broadcasting Corporation.
Noong Miyerkules, June 17, ang huling araw ko sa nasabing broadcast company.
At marahil, ang susunod ninyong tanong—what I think is the “elephant in the room”—ay: “Saan ka lilipat, Daryl?”
Sa ngayon, wala pa po akong TV o radio station
na lilipatan.
Gayunpaman, may isa pa pong taped episode ng DWIZ Life Balance na ako ang host, at ito ay mapapanood sa darating na June 23 (Tuesday). Matapos ang nasabing episode, hindi na po ninyo ako mapapakinggan at mapapanood sa programang ito, dahil ipinagkaloob na ng management ang programa sa bagong host.
I wish the new host and the production team of
DWIZ Life Balance nothing but success.
But not to worry. Kapag ako po ay nagkaroon na ng bagong tahanan sa radyo o telebisyon, gaya ng aking pangakong maging transparent sa inyo, agad ko po itong ipaaalam dito sa page na ito. 🙂
Muli, nais ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng aking minamahal na tagapakinig sa radyo, tagapanood sa telebisyon, at sa lahat ng patuloy na nagla-like, naghe-heart, nagko-comment, at nagshi-share online.
Ang inyong walang sawang suporta, pagsubaybay, at pagtitiwala ang nagsilbing lakas at inspirasyon ko upang mas pagbutihin pa ang aking misyon sa trabahong minsan ko lamang pinangarap noon.
Once again, thank you.
For now, please take care of yourselves—and each other.
Always remember: God loves you. God loves us all. 😊🩷💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasig City
Pasig
1600