DepEd RXII Sultan Memorial HS
A School of Peace �
Magandang araw, mga Ka-Sultan!
Handa na ba kayong gawing mas makabuluhan at masaya ang inyong bakasyon?
Tara na at sumali sa Aral Summer Program 2026 ng Sultan Memorial High School!
Petsa: May 6, 2026 – June 2, 2026
Orientation: May 6, 2026 | 8:00 AM
Inaanyayahan ang lahat ng antas ng baitang na makilahok sa ating Aral Summer Program, isang programa na puno ng kaalaman, kasiyahan, at bagong karanasan!
Inaanyayahan din ang lahat ng mga magulang at mag-aaral na dumalo sa Orientation upang malaman ang mga detalye ng programa at kung paano ito makakatulong sa pagkatuto ng inyong mga anak.
Ito na ang pagkakataon para:
Mas mapalalim ang inyong kaalaman
Makakilala ng bagong kaibigan
Mas maging handa sa susunod na pasukan
Huwag palampasin ang pagkakataong matuto habang nagsasaya!
Sama-sama nating gawing produktibo at memorable ang inyong bakasyon!
Kita-kits sa Orientation! Dalhin ang inyong sigla at ngiti!
06/04/2026
A day you’ll carry in your hearts forever.
Sa Kanduli at Baccalaureate Program, hindi lang ninyo narinig ang halaga ng edukasyon sa Islamic perspective… naramdaman ninyo ito sa bawat salita at dasal.
Kasama ninyo ang inyong mga magulang, doon ninyo mas lalong naunawaan ang lalim ng kanilang sakripisyo at pagmamahal.
Yakapan, iyakan, at mga “thank you” na galing sa puso, walang hindi napaluha.
Hindi lang ito pagtatapos… kundi bunga ng bawat hirap, dasal, at pagmamahal na nagdala sa inyo hanggang dito.
Forever ninyo itong babaunin.
31/03/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Tinutulan
Pikit
9409