EDS Lead Generation Services

EDS Lead Generation Services

Share

I Help Business Owners in Lead Generation from Prospecting, Qualifying Leads and Email List Building

20/10/2021

Paano Nga Ba Ang Kalakaran Sa Upwork?

Sa panahon na ito kilala na ang freelancing at maraming tao ang nagtataka kung paano nga ba makakuha ng trabaho sa Upwork.

Sa mga baguhan marahil marami ang mga katanungan tungkol dito tulad ng legit ba si Upwork? Magkakapera ka ba kay Upwork? Sulit ba rito? Pwede ba sa mga baguhan sa Upwork? Ligtas ba sa Upwork o baka scam lang? Atbp.

Hayaan ninyong talakayin natin kung paano nga ba ang kalakaran sa Upwork base sa aking pananaliksik at personal na karanasan.

Ang Upwork ay ang dating Elance - oDesk, isang American freelancing platform. Nuong 2015, dahil sa pagsasama ng dalawang kumpanya tinawag itong Upwork o Upwork Global Inc.

Paano nga ba mag-umpisa rito? Una, pumunta ka sa website ng Upwork para gumawa ng account. Sa paggawa ng account lagyan ng kaukulang sagot ang bawat impormasyong hinihingi sa iyo at sagutan lahat hanggang matapos.

Congratulations, may account ka na! Pwede ka nang mag apply sa mga job postings. Sa job post maaaring ito ay part time o full time. Makikita rin dito kung ito ay pang entry level, intermediate o expert level.

Sa Upwork may tinatawag na “connects” ito ay ginagamit para makapagpasa ka ng proposal. Ang bawat job post ay may katumbas na connects halimbawa 6, 4, 2, at 1. Sa basic account may 10 libreng connects kada buwan at 80 connects sa Freelancer Plus account, na syempre, ay paid account. However, kung free account lang naman ang gamit mo, pwede ka namang bumili ng “connects” base sa pangangailangan mo. Ang presyuhan ng “connects” ay $0.15 per “connect”.

Mag apply lamang sa job post na naaayon sa iyong skill set. Sa pag-aapply dapat basahin mabuti ang job description at gumawa ng tailored fit na proposal para rito. Ito yong proposal na detalyado at naaayon lahat sa job description. Iwasan ang generic proposal. Ito naman yong proposal na pwede kahit saan.

Pwede kang matanggap dito instant offer agad pero kadalasan may interview. Ang interview o iyong tinatawag na discovery call sa freelancing world. Ang kaibahan ng discovery call sa job interview ay dito mo malaman ang problema ni client, ang goal niya, kung paano mo ito masosolusyunan at ang bayad kung saan kayo magkakasundo. Syempre ito ay dapat mong paghandaan lalo na kung baguhan ka.

Pag pumasa ka sa interview at natanggap ka na ni client magpapasa siya sayo ng offer at nakapaloob doon ang kontrata depende sa na pag-usapan ninyo sa interview. Kailangan may kontrata bago ka magsimula ng trabaho.

May dalawang uri ng kontrata sa Upwork ito ay ang hourly at fixed price. Pag hourly, magdodownload ka ng time tracker app nila sa website. Ito ay dapat naka “ON” pag magsisimula ka nang magtrabaho at “OFF” kung magpapahinga ka o tapos na ang trabaho. Sa fixed price naman mayroon itong tinatawag na milestone. Sa milestone nakalagay ang detalye ng iyong gagawing trabaho. Pwedeng isa, dalawa, tatlo o higit pang milestones depende sa laki ng proyekto. Bago magsimula ng trabaho siguraduhin na may fund in escrow ang milestone. Ang “fund in escrow” ay ang pondo o bayad ng bawat milestone. Pagkatapos saka ka magrerequest ng payment.

Pagdating sa payment may kaltas si Upwork ng 20% per client sa lahat ng project mo sa kanya kahit gumawa pa siya ng panibagong kontrata. Ito ay bababa sa 10% pagnaabot mo ang $500 na earnings sa kanya. At ito ay magiging 5% na lang kapag naabot mo ang $10K earnings sa kanya.

Pag hourly ang kontrata dalawang linggo ang hihintayin mo para maging available to withdraw ang earnings mo sa Upwork at limang araw para sa fixed price na kontrata. Sa pag withdraw naman ng Upwork earnings mo may mga pagpipilian ka tulad ng direct to bank, Paypal, Payoneer atbp. Ito ay may $0.99 transaction fee kapag direct to bank, $2 pag Paypal at $2.5 pag Payoneer. Ito ay ibabawas sa earnings mo.

Ang kita sa Upwork ay nakadepende sa skills mo at kung gaano ka kasipag magtrabaho.

Ano legit nga ba si Upwork? Para sa akin at sa milyon na freelancer sa iba’t ibang dako ng mundo ito na napakalaking “OO”. Ito ay 100% legit platform na subok na at may totoong reputasyon.

Ano tara, apply na? Comment lang ng “APPLY” kung gusto mong sumubok sa Upwork.

Want your business to be the top-listed Advertising & Marketing Company in Pili?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Nazareth Homes, Cadlan, Camarines Sur
Pili
4418