DA - SAAD Bicol

DA - SAAD Bicol

Share

A virtual community of the Special Area for Agricultural Development Program of Bicol Region

Photos from DA - SAAD Bicol's post 15/06/2026

Bilang pakikiisa sa paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa school year (SY) 2026–2027, boluntaryong nakiisa ang siyam (6) na farmers’ associations (FAs) ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program sa Catanduanes sa taunang Brigada Eskwea.

Kabilang sa mga lumahok ang Hinipaan Vegetable Farmers Association, Magsaysay Poultry Raisers Association, San Isidro Organic Farmers Association, Samahang Ika-uunlad tungo sa Kaayusang Agrikultura at Pangkabuhayan (SIKAP), Samahang Manggugulay sa Abni, Samahang Magsasaka ng San Nicolas, Buenavista Rice Farmers Association, Begonia Organic Farmers Association at Paraiso Community Based and Livelihood Farmers Association.

Ang mga asosasyong ito ay nagsagawa ng kani-kanilang aktibidad sa siyam (9) na paaralan sa kani-kanilang mga lugar, kung saan naglaan ang mga miyembro ng oras at serbisyo sa pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Kabilang sa mga isinagawa ang paglilinis ng mga bakuran at damuhan, pagwawalis at pagtatanggal ng mga basura, pagpipintura ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad, pagkukumpuni ng mga kagamitang nangangailangan ng pagsasaayos, at pagtatanim ng mga halaman upang higit na mapaganda at maging kaaya-aya ang kapaligiran ng mga paaralan.

Ang pakikipagbahagi sa taunang Brigada Eskwela ay isa lamang sa mga community outreach efforts ng mga asosasyon, na nagpapakita ng kanilang aktibong pakikilahok sa mga gawaing may positibong epekto sa kanilang mga komunidad. Bukod sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkabuhayan at pang-agrikultura, patuloy ding isinusulong ng mga asosasyon ang mga inisyatibong nagtataguyod ng bayanihan, responsableng pagkamamamayan, at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor. # # #

Photos from DA - SAAD Bicol's post 04/06/2026

𝑺𝑨𝑨𝑫 π’Žπ’‚π’“π’Œπ’†π’•π’Šπ’π’ˆ π’‚π’”π’”π’Šπ’”π’•π’‚π’π’„π’† & π’†π’π’•π’†π’“π’‘π’“π’Šπ’”π’† 𝒅𝒆𝒗’𝒕 π’π’‚π’ˆπ’”π’Šπ’Žπ’–π’π’‚ 𝒏𝒂 𝒔𝒂 π‘Ίπ’π’“π’”π’π’ˆπ’π’

Nagsimula na ang mga marketing assistance activities ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program Bicol para sa mga Phase 2 beneficiaries ng programa sa probinsya ng Sorsogon simula ika-2 ng Hunyo 2026.

Bilang parte ng Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) initiatives ng SAAD ngayong taon, isinagawa na ang mga pagsasanay ukol sa Record and Information Management, Customer Relationship Management, at Business Branding upang ihanda ang mga Farmers’ Associations sa mas organisado at market-oriented na pagpapatakbo ng kanilang mga enterprise.

Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng maayos na dokumentasyon ng mga transaksyon at operasyon, pagpapanatili ng tiwala at pakikipag-ugnayan sa mga mamimili, at paglikha ng isang pagkakakilanlang magpapataas sa pagkilala at pagtangkilik sa kanilang mga produkto.

Pinangasiwaan ni Nolan Belaro, Chairperson ng Entrepreneurship Department ng Bicol University ang pagsasanay na pinagtuunan ang pagpapatakbo ng epektibong community-based enterprises. Aktibo namang nakilahok ang mga magsasaka sa talakayan at mga interaktibong aktibidad na inihanda sa training.
Isinagawa ang nasabing training para sa mga miyembro ng Bagong Barrio Vegetable Farmers Association mula Barcelona. Kasalukuyan namang ginaganap ang parehong aktibidad para sa San Antonio Farmers Association, mula sa parehong lokalidad. Isasagawa ang MAED activity para sa mga natitirang asosasyon sa Sorsogon sa buong lingo, at hanggang Agosto naman para sa mga benepisyaryo mula Masbate at Catanduanes. # # #

09/05/2026

Hindi magiging lubos na matagumpay ang pagsasakatuparan ng mga layunin ng programa kung wala ang taos-pusong suporta at epektibong pamamalakad ng aming Regional Technical Director for Operations at SAAD Bicol Alternate Focal Person, Mary Grace DP. Rodriguez, RAgr, Ph.D.

Batiin natin ng isang maligaayang kaarawan si Doc Mae, kaagapay ng bawat Bicolanong magsasaka tungo sa maunlad na buhay.

04/05/2026

BULUSAN, SORSOGON - Nagsagawa ng field validation activity ang Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program Bicol nitong nakaraang Abril 14 - 16, 2026 sa bayang ito bilang bahagi ng Food Production and Livelihood (FPL) roll-out nito.

Ang aktibidad ay parte ng Food Production and Livelihood (FPL) component na layong tugunan ang mga gaps sa implementasyon ng programa. Ang mga datos mula sa aktibidad na ito ay gagawing basehan sa pagbubuo ng konkretong plano at istratehiya sa pagpa pabuti ng mga proyekto at pag-aakma ng interbensyon para sa benepisyaryo ng programa.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pili?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Pili
4418