PCY St. Michael - Dampol

PCY St. Michael - Dampol

Share

Kabataang Pinagbuklod ni Kristo at Naglalakbay Tungo sa iisang MISYON.

Photos from PCY St. Michael - Dampol's post 11/06/2026

๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™„! ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™ค๐™ข๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ.

Ikinararangal ng buong Komisyon ng Kabataan ng ating parokya ang inyong pagtatapos na bunga ng inyong dedikasyon at pagsusumikap upang makamit ang inyong mga pangarap. Sa bawat pagsubok na inyong hinarap pinatunayan ninyo na ang tiyaga at pananampalataya ay may magandang bunga.

Dalangin namin na sa bawat hakbang ninyo ay kasama ninyo ang ating Panginoon at si San Miguel upang gabayan kayo sa mga bagong hamon at tagumpay na inyong haharapin. Nawaโ€™y manatili kayong matatag may pananampalataya at handang maglingkod sa kapwa.
Muli taos puso namin kayong binabati. ๐ŸŽ“โœจ

Photos from St. Michael the Archangel Parish Dampol Plaridel Bulacan's post 31/05/2026

๐—ฆ๐—”๐—ก ๐— ๐—œ๐—š๐—จ๐—˜๐—Ÿ ๐——๐—˜ ๐——๐—”๐— ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—”

Handa na ang ating Magiting na Patron, si San Miguel Arkanghel, sa kanyang maringal na pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-250 Dakilang Kapistahan ng Mahal na Poong Santisima Trinidad.

Sa kanyang makapangyarihang paggabay at pamamagitan, sama-sama nating salubungin ang makasaysayang pagdiriwang na ito bilang isang sambayanang nagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa at pagmamahal sa Diyos.

Halina at makiisa sa banal na paglalakbay ng pananampalataya habang sinasamahan tayo ng ating mahal na patron sa paggunita sa dakilang misteryo ng Santisima Trinidad.

ยกViva la Santisima Trinidad!
ยกViva San Miguel Arkanghel!

13/04/2026

๐๐ˆ๐‹๐†๐‘๐ˆ๐Œ๐’ ๐–๐€๐‹๐Š ๐Ž๐… ๐Œ๐„๐‘๐‚๐˜

Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, matagumpay na isinagawa ng mga kabataan mula sa ibaโ€™t ibang parokya sa ilalim ng Bikarya ni Santiago Apostolโ€“Plaridel ang Pilgrims Walk of Mercy, mula sa Kapilya ni San Vicente Ferrer patungo sa Inihahandang Parokya ni San Juan Maria Vianney sa Tabe, Guiguinto, Bulacan.

Photos from VCY Saint James Plaridel's post 13/04/2026

๐๐”๐–๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐ˆ๐Š๐€๐‘๐˜๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐Œ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ ๐๐† ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Matagumpay na naisagawa ang Buwanang Pagpupulong sa pangunguna ni Sis. Aileen Alejandro, na nakatuon sa paghahanda at pagpaplano para sa paparating na Pambikaryang Araw ng Kabataan, Simba Aralan, at paglulunsad ng ALPHA.

Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Parish Youth Coordinating Council (PYCC) kasama ang ilang kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang parokya, bilang pagpapalakas ng ugnayan at pagkakaisa ng kabataan.

Ginawa ang pagpupulong sa Conference Hall ng Inihahandang Parokya ni San Juan Maria Vianney sa Tabe, Guiguinto, Bulacan, kaagad matapos isagawa ang Pilgrims Walk of Mercy sa nasabing lugar.

Isang makabuluhang pagtitipon tungo sa mas masiglang paglilingkod at pagpapatibay ng pananampalataya ng kabataan.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Plaridel?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Plaridel
3004