Polillo Tourism

Polillo Tourism

Share

The Official Tourism page of Polillo Island Quezon. Follow and get updated to all of our Tourism Happenings!

Photos from Polillo Tourism's post 07/05/2026

Nagsagawa ng Initial Assessment ang tanggapan ng Municipal Tourism sa mga Tourism Establishments sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Polillo ngayong Mayo 6–7, 2026 bilang bahagi ng implementasyon ng “Tara Na sa Quezon” Local Registration Program ng Provincial Tourism Office.

Ang “Tara Na sa Quezon” Local Registration ay isang sistematikong programa para sa pagtatala ng mga turista at pagpapalakas ng turismo sa lalawigan ng Quezon. Layunin nitong gabayan ang mga lokal na pamahalaan sa maayos na pagpaparehistro at pag-uulat ng datos ng mga bisita, habang itinatampok at isinusulong ang mga tourist destinations at establisyimento ng bawat bayan sa lalawigan.

Kaugnay nito, isinagawa ang paunang assessment sa mga resort at iba pang tourism establishments upang matiyak ang kanilang kahandaan at pakikibahagi sa nasabing programa. Patuloy ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa Provincial Tourism Office upang higit pang mapaunlad at maipakilala ang turismo ng ating bayan.

20/04/2026

MABUHAY!

Mula sa Tanggapan ng Turismo ng ating bayan, ipinagbibigay-alam sa lahat na magpapatuloy ang MARINA Registration para sa mga magbabangka, kabilang ang Modified Basic Safety Training at Vessel Registration.

Saklaw nito ang mga sumusunod:

Mga fishing boat na lampas sa 3 tons
Mga pampasaherong bangka, kabilang ang nagsasakay ng mga estudyante at mamamayan ng Burdeos
Mga tourist boats

Ang Modified Basic Safety Training para sa mga Boat Captain at Motorman ay gaganapin sa Municipal Covered Court mula ika-21 hanggang ika-23 ng Abril, simula alas-8:00 ng umaga.

Kasabay nito ang Vessel Registration.Sa kaparehong lugar,petsa at oras.
Ang lahat ng bangka ay inaanyayahang dalhin sa Sabang Port upang maisagawa ang pagsusukat sa iisang lugar.

Layunin ng programang ito na mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero at masiguro ang maayos na operasyon ng mga bangka sa ating bayan.

Bukod dito, magbibigay ang ating Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ng ating minamahal na Municipal Mayor Gina P. Gonzales, ng LED Solar Flood Lights para sa unang 200 residente ng Burdeos na makakapagparehistro ng kanilang vessel.

Maraming salamat po at inaasahan ang inyong pakikiisa!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Polillo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Mabini Street
Polillo

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 8am - 12pm