Kuya Meynard
Ang Paniniwalang "Gumawa ng Mabuti sa Araw-araw" ay siyang Naging Sandata upang maging Mabuting tao
Sa bawat kaunting kinikita namin, hindi na kami nagdadalawang-isip na magbigay tulong sa mga tunay na nangangailangan.
Nakasanayan na naming maging bukas-palad—dahil kapag hindi namin nagagawa ito, pakiramdam namin ay parang may kulang… na para bang hindi kami nagiging kapaki-pakinabang sa mundong ibabaw.
Ang pagtulong ay hindi lang responsibilidad—ito ay misyon namin.
Kaya sa bawat bili ninyo, may naiaambag kayong tulong sa mga taong tunay na nangangailangan.
Naniniwala kami na basta’t may tiwala at suporta, kaya nating gumawa ng mas malaking pagbabago.
Salamat sa pagiging bahagi ng aming misyon.
Naalala ko noong kabataan ko…
Ang saya-saya ko kapag nasa bahay kami nila Lolo Goryo. Wala mang kasing-edad na kalaro noon, hindi ko iyon naramdaman dahil ang mga alagang kambing niya ang naging kalaro ko araw-araw.
Simpleng panahon, simpleng saya—pero punô ng tawanan at alaala.
Habang tumatakbo sila sa bakuran, sumasabay ako. Kapag humihinto sila para kumain, nakaupo lang ako sa tabi nila, tahimik pero masaya. Para bang sila na ang maliit kong barkada.
Iba ang ligaya ng kabataan noon… walang gadgets, walang ingay, walang komplikasyon—puro kalayaan at inosenteng saya lang. Ngayong tumanda na, napapangiti ako kapag naaalala ko. Ang daming alaala na hindi mapapalitan.
Minsan, doon mo maiintindihan…
Hindi kailangang marangya ang buhay para maging masaya—minsan kambing lang ni Lolo Goryo, sapat na. ❤️
Yung kaibigan Mo I prank Mo din NG ganito. Hehe
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Sitio Casabaan, Brgy Rosario
Pozorrubio
2435