PAMET Palawan Chapter
The official page of the Philippine Association of Medical Technologists - Palawan Chapter
22/12/2025
A Christmas Message from the PAMET President 🎄✨
Sa panahong ito ng Pasko, tayo ay mag pasalamat at magnilay sa mga pinagdaanan ng nagdaang taon, mga hamon, tagumpay, aral, at biyayang ating tinanggap.
To our fellow Medical Technologists, chapter officers, members, partners, and stakeholders, thank you for your unwavering support, dedication, and commitment to our profession and to PAMET.
Ang Pasko ay paalala ng diwa ng paglilingkod, pagkakaisa, at malasakit, mga pagpapahalagang araw-araw nating isinasabuhay sa ating mga laboratoryo, ospital, at komunidad. Ang inyong tapat at walang pagod na paglilingkod ay patuloy na nagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan at nagpoprotekta sa buhay ng bawat Pilipino. Lubos po kaming nag papasalamat.
Habang ating ipinagdiriwang ang Pasko kasama ang ating mga pamilya at mahal sa buhay, nawa’y maghatid ito ng bagong pag-asa, lakas, at inspirasyon. Nawa’y lalo pang paigtingin ang ating hangarin na maglingkod nang may integridad, kahusayan, at propesyonalismo habang sabay-sabay nating hinaharap ang bagong taon.
Sa ngalan ng PAMET National Board of Trustees, kami po ay bumabati sa inyong lahat ng isang Maligayang Pasko at Manigong, Mapayapa, at Pinagpalang Bagong Taon. Nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal, ang ating mahal na propesyon, at ang PAMET.
Maligayang Pasko at maraming salamat po!
Luella A. Vertucio
PAMET - National President
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
PAMET PALAWAN CHAPTER
Puerto Princesa
5300