Atty. Imee Cruz

Atty. Imee Cruz

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Atty. Imee Cruz, Public & Government Service, Pulilan.

02/06/2026

Isa na naman pong magandang programa ang ipinaabot ng ating Pamahalaang Bayan at ng DSWD para sa ating mga magsasakang Pulileño, ang PROJECT LAWA AT BINHI!

Layunin ng programang ito na makatulong sa pagpapalakas ng kabuhayan at pagsuporta sa sektor ng agrikultura para sa ating mga magsasaka.

Ipinapangako po ng inyong lingkod, katuwang ang ika-12 Sangguniang Bayan at ang ating Punongbayan, ang patuloy na pagsuporta sa mga programang maghahatid ng mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Pulileño.

Photos from Atty. Imee Cruz's post 02/06/2026

Maligayang Kaarawan po sa ating masisipag na kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan na sina Mario Paguio ng Municipal Market Office at Aiza Navarro ng Traffic Management Office!

Nawa’y mapuno ng saya, biyaya, at magagandang alaala ang inyong espesyal na araw. Hangad ng inyong Ate Vice ang mabuting kalusugan, tagumpay, at patuloy na kasiyahan sa inyong buhay

Photos from Atty. Imee Cruz's post 01/06/2026

Brigada Eskwela 2026: Inaon Integrated School

Kaalinsabay ng temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman," pormal nang sinimulan ng Inaon Integrated School ngayong June 1, 2026 ang taunang aktibidad upang ihanda ang mga silid-aralan para sa darating na pasukan.

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga magulang, g**o, volunteers, at iba't ibang sektor ng komunidad na maagang nakiisa at nag-alay ng kanilang oras at lakas para sa gawaing ito.

Magpapatuloy ang Brigada Eskwela hanggang June 5, 2026.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pulilan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pulilan
3005