BCHS Secret Files
BCHS Secret Files is an online community page that allows it's followers to share their thoughts and feelings in different aspects especially in education.
"Tama na"
By: Coo-Creation
Nahihirapan nang bumuo ng Tula.
Nauubusan nako ng tugma,
Wala nang lumalabas na Salita.
Kasama ng katotohanan na di kita makukuha.
Dahil alam sa sarili, ilang libong tula man ang gawin
Nararamdaman ay hindi ka kayang abutin,
Na malabo mokong mahalin,
At kahit kailan ay hindi ka magiging akin.
Tanggap na ang katotohanan,
Na ikaw ay pangarap nalang,
Parte nalang ng nakaraan,
Kaya dito nako mag papaalam.
Pero magpaalam man ako,
Ano nga bang p**i mo?
Eh naalala mo lang naman ako,
Pag busy Sya sa ibang Tao.
Time!
BCHS Secret Files
"Tatlumpung Minuto"
By: Coo-Creation
Kasalanan ang mahalin ka,
Yan ang sabi nila,
Tambalan na di mapagbibigyan,
Sa di maipaliwanag na dahilan.
Sigaw ng puso ay pangalan mo,
Ikaw nalang palagi ang tibok nito.
Hinahanap hanap ang isang tulad mo,
Hindi ko alam, kung bakit ganito.
Pero pagmamahalan ay di mapagbibigyan,
Maraming sumusubok na tayo hadlangan,
Kaya diko alam kung papaano ipapaalam,
O kung papaano ko ipaparamdam.
Nang sabihin mo na ako ay mahal mo,
Sinabi ko, sayo na ikaw din ay mahal ko.
Pero kahit alam natin pareho na mali ito,
Hindi nag dalawang isip na aminin sayo.
Naalala mo paba nung pumayag ka?
Na maging tayong dalawa.
Pero sa sandaling panahon lang,
Na gusto lang natin,ibuhos ang nararamdaman
Kaya salamat sa tatlumpung minuto,
Tatlumpung minuto na naging tayo.
Na nagkaroon ng ikaw at Ako
Na sa sandaling panahon ay nagkatotoo
Bawat minuto ay sinulit,
Mga pangarap na sinasambit.
Bawat pangako na sinabi sayo,
Na pinapatunayan ng luha sa mata ko.
Salamat sa pag payag mo,
Alam man natin na mali ito.
Salamat ako ay pinag bigyan mo,
Na iparamdam sayo ang pagmamahal ko.
Tatlumpung minuto na bumago sa buhay ko,
Na pumawi sa kalungkutan ko,
Tatlumpung minuto na diko malilimutan,
Pinapangako sayo na hindi ka kalilimutan.
Kung hindi man ngayon,
Sana ay mapagbigyan ng panahon.
Kung hindi man ngayon,
Ipagdadasal ko, ang tamang panahon.
BCHS Secret Files
"Papano?"
By: JD
Papano? Papano ko sasabihin ang nararamdaman ko?
Idadaan ba sa tula at kwento?
O palabiro nalang na sasabihin sayo,
Ito kaya ay mapapansin mo?
O balewalain kase iba ang mahal mo.
Papano? Papano kita maabot?
Pagitan ay parang Langit at Lupa,
Hindi ko alam kung papano ako magsisimula.
Sa nararamdaman mo ako ay NANGANGAPA.
Nanimnimbang kung mapagbibigyan.
Sawa na kasi akong UMASA, sa bwat meron pero wala pala.
Ibinabaon sa isip na iba ka sakanila.
Na hindi ka tulad nila,
Pero papano? Papano kung ganun ka?
Ngunit ganun man ang nasa isipan, iba padin ang nararamdaman, isang tanong lang ang pilit hinahanapan ng kasagutan.
papano?
Papano ko maipaparating sayo?
Papano ko sasabihin sayo?
Papano ko ipapalam?
Papano ko ipaparamdam?
Papano ko papatunayan?
Papano? Kung Pang Umaga ka, at Maghapon ang pasok ko. Junior ka Senior ako. Maganda ka Masipag ako. Matalino ka Masipag Ako. Sikat ka Masipag Ako. Oo Masipag talga ko 😂✌
Akalain mo? Parang kelan lang crush lang nararamdaman ko, tapos ngayon handa nakong bitawan lahat para sayo.
Sana bigyan moko ng pagkakataon. :)
Kahit isang pagkakataon.
BCHS Secret Files
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Longos, Bulacan
Pulilan