PATAMABA

PATAMABA

Share

Pambansang Kalipunan ng mga Manggagawang Impormal sa Pilipinas

12/06/2026

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang kalayaan ng ating bansa at ginugunita ang katatagan, pagkakaisa, at pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan.

Kasama ng PATAMABA at Purple Market, ipinagdiriwang natin ang kalayaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga kababaihan, home-based workers, at maliliit na negosyante na magkaroon ng marangal na kabuhayan at mas magandang kinabukasan.

Ang tunay na kalayaan ay ang pagkakaroon ng oportunidad na kumita nang patas, mapalago ang sariling kakayahan, at masuportahan ang pamilya sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

Sa bawat produktong gawa ng ating mga miyembro, ipinapakita natin ang sipag, talento, at lakas ng kababaihang Pilipino.

đź’ś Suportahan ang lokal.
đź’ś Suportahan ang kababaihan.
đź’ś Suportahan ang kabuhayan ng mga home-based workers.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Mabuhay ang Kalayaan!

Photos from PATAMABA's post 18/05/2026

Sustainability Plan Workshop: Strengthening Women’s Economic Empowerment Through Sustainable Practices
📍 Max's Restaurant
đź“… May 15, 2026

Successfully conducted the Sustainability Plan Workshop, aimed at strengthening women’s economic empowerment through sustainable and long-term practices for women and informal workers.

In partnership with CECI Philippines and CONCERN, the workshop was enriched by the valuable insights of Sandrine Belanger, Organizational Management Advisor, who shared important knowledge on sustainability, organizational strengthening, and women-led economic initiatives. đź’ś

The workshop focused on:
âś… Strengthening sustainable livelihood practices
✅ Promoting women’s empowerment and economic resilience
âś… Supporting organizational sustainability
âś… Encouraging long-term community development

Held at Max's Restaurant, the activity became a meaningful space for learning, collaboration, and empowerment among participants and advocates for women and informal workers.

Thank you to everyone who participated and continues to support the advocacy for women’s empowerment and sustainable community development.

Photos from PATAMABA's post 05/05/2026

Mabuhay ang ika-36 na taon ng PATAMABA! đź’ś

Sa loob ng tatlong dekada at higit pa, patuloy nating pinapatunayan na ang lakas ng manggagawang impormal ay hindi matitinag—nagkakaisa, kumikilos, at lumalaban para sa dignidad, karapatan, at mas inklusibong kinabukasan.

Ngayong taon, sama-sama nating ipinagdiriwang ang ating tagumpay sa isang HYBRID CELEBRATION—may onsite gathering at via Zoom per area, upang mas mapalawak ang partisipasyon ng bawat kasapi sa iba’t ibang lugar.

Sa temang:
“Manggagawang Impormal, Kumilos at Tumindig Laban sa Digmaan, Tungo sa Kaseguruhang Panlipunan at Kapayapaan”

Tuloy-tuloy ang ating panawagan para sa:
✊ Karapatan at proteksyon ng mga manggagawang impormal
✊ Pagpasa ng mga makatarungang polisiya tulad ng MACWIE
✊ Mas matatag na kabuhayan at seguridad para sa bawat pamilya

💻📍 Kahit saan, iisa ang tinig—iisa ang laban!

đź’ś Sama-sama, patuloy ang laban!
đź’ś Para sa manggagawang impormal, para sa bayan!

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Unit 2-D Palmario Apt. #101-A Balingasa Road , Barangay Balingasa, Balintawak
Quezon City
1115