Local Conference Youth Update
This Page Is About God's Work And Plan For The Young People
08/07/2021
Nakikita Ba ang Diyos?
by Jeffrey Cejero
Tumingin ako sa kalangitan
Para isigaw ang aking kahilingan.
Sa sigaw ng aking puso,
Para ramdam hanggang buto.
Bakit? Bakit? Ang sakit!
Mundo ko'y malupit!
Saan ako lalapit?
At kanino ako kakapit?
Sabi ni lola,
"Apo, magtiwaka ka
Sa ating Maylikha."
At ako'y napaluha.
Sunud-sunod na sakit ang kumirot sa puso ko.
May nang-iwan at ako'y kinalimutan.
Mayroon ding di tumupad sa pangakong kanyang binitiwan.
At marami pang hapdi dulot ng nakaraan.
Mayroon din mga taong mapanira
Kung umasta, itrato akong basura.
Dahil ba ako'y mahirap lang
O sadyang ang mundo ay mapanlinlang?
Ngayon, ako'y nagmamakaawa
Sa ating Diyos na Lumikha.
Na sana ako'y laging bantayan
At ilayo sa kawalan.
Sinikap kong hanapin ang Maykapal
At mabuhay na puno ng pagmamahal.
Hindi ko man siya nakikita
Ay ramdam ko ang kanyang presensiya.
Kahit gaano kasakit ang nakaraan,
Magulo man ang kasalukuyan,
O walang kasiguraduhan ang kinabukasan..
Tayong lahat, kanyang sinusubukan.
Ang Diyos na mabait.
O Diyos na di mapagkait.
Ang Diyos na mapagmahal.
O Diyos na banal.
Pagmasdan ang haring araw.
Lulubog sa kanluran
At sisikat sa silangan.
Paulit-ulit ng walang hanggan.
Namangha ka rin ba sa pagkabuo ng ulan?
Na tila ibinuhos mula pa sa kalangitan?
Tubig na nagbibigay-buhay
Sa lahat ng bagay.
Isang palaisipan kung paano ang mga bagay sa kalawakan
Ay napananatili ang mga planeta at mga bituin na di mag-umpugan.
Dahil nga ba sa paliwanag ng siyensya
O sadyang may Makapangyarihang Kamay na Siyang may likha?
Nakikita ko ang Diyos sa bawat pagsikat at paglubog ng araw.
Nakikita ko ang Diyos sa bawat pagbuhos ng ulan.
Nakikita ko rin ang Diyos sa mga nagniningning na mga bituin.
At sa mga planetang patuloy sa pag-ikot.
Naririnig ko ang Diyos sa bawat awit ng mga ibon.
Ganun din sa bawat iyak ng batang nagugutom.
Ramdam ko ang Diyos sa bawat ngiti.
Ganun din sa mapinsalang buhawi.
Sa mundong ating ginagalawan
Bawat bagay ay may sinusundan.
Na Siyang nagpapanatili sa lahat
Ng kaayusan na siyang dapat.
Hindi man nakikita sa ating mga mata,
Sa mga puso natin, ramdam natin Siya.
Ang ating pamilya at ang ating buhay,
Ang patotoo na Siya ay sadyang tunay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Telephone
Address
Quezon City