UP CSWCD FST Council

UP CSWCD FST Council

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UP CSWCD FST Council, Youth Organization, Magsaysay Avenue UP Diliman, Quezon City.

12/06/2026

𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—”π—¬π—”π—”π—‘! πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈβ€πŸ”₯

Maalab na nakikiisa ang malawak na hanay ng Freshies, Shiftees, at Transferees ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan sa pagdiriwang ng ika-128 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan. Ang araw na ito ay sagisag ng tagumpay ng matatapang na Pilipinong nakidigma’t nakibaka para sa malayang Pilipinas. Tanda ito ng paglaya ng lupang tinubuan mula sa ilang siglong tanikala ng opresyon, pananamantala, at pandadahas ng mga dayuhang manlulupig.

Ngunit sa gitna ng lumalalang krisis sa Pilipinas, ang samu’t saring suliranin at materyal na kondisyon ng masa ay nagsisilbing paalala sa huwad na kalayaang tinatamasa ng bansa. Ang bayang nasasadlak sa masahol na sistema ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo ay bayang patuloy na inaalipusta at ibinibilanggo.

Malaya man sa direktang pagkontrol ng ibang bansa, ang ating soberanya ay unti-unti namang nilalabag at isinusuko ng estado sa pamamagitan ng mga kasunduan na nagpapahintulot sa presensyang militar ng US at sa pananamantala ng mga dayuhan sa mga likas na yaman ng bansa. Habang tumatagal din ang imperyalistang panggigiyera ng US-Israel sa Iran ay lalong lumolobo ang mga presyo ng bilihin na siyang nagpapasakit sa bulsa ng mga ordinaryong Pilipino. Habang nagpapakatuta ang pamahalaan sa mga dayuhan ay masa ang pangunahing naaapektuhan at pumapasan sa krisis sa ating bayan.

Maging sa kamay ng mga Pilipinong pansariling interes at interes ng iilan lamang ang iniisip ay nagdurusa rin ang nasyon. Bilyon-bilyong kaban ng bayan ang ninanakaw mula sa ating kinabukasan. Ang mga pondong dapat sana ay napupunta sa mga batayang sektor ng bansa ay dumidiretso lamang sa bulsa ng mga korap na politiko’t kontratista. Ang mga magsasaka ay nananatiling dayuhan sa mga lupang kanilang sinasakahan, ang mga manggagawa ay ginigipit pa rin sa hindi nakabubuhay na sahod at delikadong kondisyon sa trabaho, ang kalayaan ng ari ay patuloy na sinisiil, ang mga karapatang pantao ay nilalabag at niyuyurakan, at ang masa ay patuloy na nire-redtag, dinadahas, at pinapaslang ng estadong mapang-api. Gayunpaman, ang pagsingil sa hustisya at pagpapanagot sa mga korap at mapang-abuso ay nananatiling mahirap.

Walang malaya sa bansang ang umiiral na sistema at mga polisiya ay hindi tunay na makamasa. Ngayong Araw ng Kalayaan, ating alalahanin ang kagitingan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayanβ€” at kaakibat nito ay ang muling pagningas natin sa diwa ng rebolusyon at pakikipaglaban. Ilang taon man ang lumipas, mula noon hanggang ngayon, ang kakayahan nating lumaya ay nasa kakayahan nating kumilos, mag-organisa, at makibaka.

Kaya naman, Iskolar ng Bayan, ang tungkulin mo ay lumaya sa apat na sulok ng silid-aralan at dalhin ang edukasyon sa lansangan, sa pamayanan. Tuloy-tuloy ang laban: Panagutin lahat ng sangkot! Hustisya para sa mga biktima ng karahasan at pamamaslang! Imperyalismo, pyudalismo, burukrata kapitalismo, ibagsak!

12/06/2026

π—£π—”π—šπ—£π—¨π—£π—¨π—šπ—”π—¬, π— π—šπ—” π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š 𝗒π—₯π—šπ—”π—‘π—œπ—¦π—”π——π—’π—₯ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 ❀️‍πŸ”₯

WEL IS COME sa ating mga bagong iskolar ng BS Social Work at BS Community Development πŸ₯³

Kami ang *Freshman, Shiftee, and Transferee Council (FST Council) ng CSWCD* β€”ang konsehong makakasama ninyo bilang mga bagong Iskolar ng Bayan at bahagi ng komunidad ng CSWCD.

Sumali sa group chat na ito upang makita ang mga anunsyo at mahahalagang impormasyon na kakailanganin ninyo sa bagong buhay sa unibersidad.

Higit pa rito, nais naming maging espasyo rin ito para makilala ninyo ang isa’t isa, makabuo ng mga bagong pagkakaibigan, at mas mapalapit sa inyong mga kapwa batchmates.

Muli, maligayang pagdating sa CSWCD!

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Magsaysay Avenue UP Diliman
Quezon City