UP Variates

UP Variates

Share

UP Variates is a duly recognized socio-academic organization based in the UP School of Statistics.

11/05/2026

Me: Kyle, please give me 3 words and I will make a freestyle M21 rap out of them.
Kyle: okie, ummm, Philips, pop, and black.
Me: say no more

rap:
yoooooo!
I will make you study hard when I spit my bars

Come on, I will show you something that is beneficial
It's called Math21 Tutorial and it is not superficial
So what are you waiting for and come for a trip
If I'm not mistaken, your name is PHILIP?

When I was a freshie, I felt really sad
Because I felt like my scores had gone real bad
But after attending the review, I reached the top
It made me confident and my scores began to POP

So come on Philip, and register now,
The tutorial is online, wow!
So just sit, relax, and straighten your back
We will make your Fridays never colored in BLACK.

ok n b tong rap isang upuan ko lng to gnawa post niyo n mamaya

WHAT: ๐Œ๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐„๐Ÿ’ ๐“๐ฎ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ
WHEN: ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐’๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐š๐ฒ) | ๐Ÿ“:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐๐Œ - ๐Ÿ•:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐๐Œ
WHERE: ๐€๐ง๐ฒ๐ฐ๐ก๐ž๐ซ๐ž (๐Ž๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ž)

Register now:
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg

Google Meet link will be sent via email.

22/04/2026

Ngayong ika-22 ng Abril, ginugunita natin ang Earth Day โ€” isang araw ng pagkilala sa kalagayan ng ating kalikasan at panibagong panawagan para sa kolektibong pagkilos laban sa lumalalang krisis pangkapaligiran. Higit pa sa simbolikong pagdiriwang, paalala ito na ang laban para sa kalikasan ay kaakibat ng mas malawak na pakikibaka ng sambayanan para sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika.

Sa kasalukuyan, ang krisis sa klima ay hindi na abstraktong banta kundi isang araw-araw na realidad. Ang patuloy na pagtaas ng heat index sa bansa ay indikasyon ng tumitinding krisis pangkaligtasan at pangkalusugan, lalo na para sa mga manggagawa, estudyante, at komunidad na walang sapat na proteksyon. Kasabay nito, lumalala rin ang kalidad ng hangin sa mga lungsod sa Metro Manila โ€” isang panganib kaugnay ng mga patakarang inuuna ang industriyal na interes kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Sa ganitong kalagayan, malinaw na ang krisis pangkapaligiran ay resulta ng sistematikong kapabayaan at maling prayoridad ng pamahalaan.

Nananatiling pinakamalubha ang epekto ng krisis sa langis na dulot ng interbensyon at dominasyon ng imperyalismong US sa rehiyon. Dahil umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na enerhiya, ang walang humpay na pag-atakeng ito ay isang malaking dagok sa kabuhayan ng ordinaryong Pilipino. Alinsunod sa pagsirit ng presyo ng langis ang pagtaas ng pamasahe, bilihin, at gastusin sa produksiyon. Pinalalala ito ng pakikipagsabwatan ni Marcos Jr. sa Estados Unidos sa porma ng balikatan exercises na walang ibang dulot kundi perwisyo sa kabuhayan ng mga magbubukid. Ang naturang ugnayan ang pumupondo sa militarisasyon sa kanayunan na nagluluwal sa pagkakapaslang ng mga lokal at pagkakawasak ng mga lupang ninuno. Sa katunayan, kakambal ng pagkasira ng kalikasan ang pagkayurak sa buhay ng mga mamamayang Negrense nang magpaulan ng bomba at bala ang 79th Infantry Battalion ng AFP. Dulot nito, higit kumulang 653 residente ang kinailangang lumikas. Bagaman hindi pa natitiyak ang bilang ng mga nasugutan o nasawi, patunay ang insidente na parehong ang kapaligiran at mga nangangalaga nito ang naaapektuhan sa naturang porma ng karahasan.

Sa ganitong gana, naninindigan ang UP Variates sa pagsusulong ng maka-agham at makamasang pag-unawa sa krisis pangkapaligiran. Nararapat na igiit ang International Humanitarian Law upang maprotektahan ang karapatan ng mga mamamayang kasangga ng kalikasan. Bilang mga Estadistiko ng Bayan, tungkulin nating gamitin ang datos, pagsusuri, pananaliksik, upang ilantad ang ugat ng mga suliraning ito at palakasin ang kolektibong pagkilos para sa tunay na pagbabago. Hindi sapat ang mga pansamantalang solusyon. Kinakailangan ang malalim at sistemikong pagkumpuni upang matiyak ang tunay na pangangalaga sa kalikasan at mga Pilipino.

Ang Earth Day ay hindi lamang paggunitaโ€”ito ay panawagan sa pagkilos. Sa paglala ng krisis pangkapaligiran at pangkabuyahan, lalo nating pinatitibay ang ating panawagan:

Ipaglaban ang kapaligiran.
Ipaglaban ang sambayanan.

09/04/2026

PATULOY NA KASUNDUANG MILITAR SA IMPERYALISTANG US, KAWALANG RESPETO SA IKA-84 ANIBERSARYO NG PAGBAGSAK NG BATAAN

Hindi isang pagdiriwang ang makasaysayang Araw ng Kagitingan. Ito ay paggunita sa walang katumbas na tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong martir laban sa imperyalismo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa tumitinding imperyalistang agresyon ng Estados Unidos, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagkasundo ng ating estado sa lumalalang presensya ng US Army sa ating teritoryo. Lumalaki at lumalawak ang EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sites na nagiging pangunahing espasyo ng pang-aabuso sa kababaihan, pambansang minorya, at mga pesante.

Ginagawa nitong epektibo at direktang Base Militar ng Estados Unidos ang Pilipinas. Sa katunayan, nitong nakaraang Abril 6 lamang ay ipinagtibay ng AFP ang ugnayan nito sa US Army sa pagtatag ng SALAKNIB 2026, isang joint-exercise kasama ang United States Army Pacific (USARPAC), Japan Ground Self-Defense Force, at Australian Army, na para raw sa pagpapalakas ng seguridad sa mga rehiyon.

Napakalaking sampal nito sa atin at sa ating kasaysayan, ang US at Japan na parehong mananakop ng ating bayan ay nakatungtong sa ating teritoryo at ginagawang normal ang militarisasyon sa pangalan ng โ€œkooperasyonโ€.

Patuloy ring ipinamamalas ng imperyalistang US ang hegemonya nito sa daigdig sa pamamagitan ng pambobomba at hindi tuwirang kontrol sa pulitika at ekonomiya ng mga bansang katulad ng Pilipinas at Iran. Tunay ngang sa estadistika ng sanhi ng mga pandaigdigang krisis, walang ibang pinag-uugatan kundi ang teroristang US!

Inilalagay tayo ng pagapapakatuta ng ating estado sa mas malaking panganib. Higit pa rito, ang rehimeng Marcos Jr. ay patuloy na walang kibo at nananahimik sa tumitinding digmaan sa Kanlurang Asya. Isang buwan na ang nakalilipas nang nagsimula ang US-ISRAEL sa kanilang mga ilegal na pag-atake sa Iran at Lebanon na nagdulot ng libo-libong pagkasawi, pagkasira ng pangsibilyang imprastraktura, pati ang pamanang kultura. Mariing kinokondena ng mga estadistiko ng bayan ang pagiging sunud-sunuran ng rehimeng Marcos Jr. sa imperyalismong US-ISRAEL, at ang pagbibigay-priyoridad nito sa mga dayuhang interes kaysa sa prinsipyo at independiyenteng patakarang panlabas, na siyang ugat ng patuloy na paghihirap ng mga Pilipino sa anyo ng mga neoliberal na batas. Habang naghihikahos ang mamamayan sa mapaniil na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin, kasabay ng pananamantala ng Oil Deregulation Law, VAT at excise tax, nagpapakasasa sa yaman ang mga kapitalista at burukrata-kapitalista

Dulot nito, pirming nananawagan ang UP Variates sa tuloy-tuloy na pagsusulong ng pambansang soberanya at pakikiisa sa diwa ng internasyonal na solidaridad sa laban ng Iran, Lebanon, Palestine, at iba pang inaaping bansa ng imperyalismong US-ISRAEL.


Ang Araw ng Kagitingan ay nagpapaalala sa atin na ang kagitingan ng Pilipino ay hindi lamang alaala. Ang tunay na kagitingan ay ang patuloy na pagtindig ng mga kabataan kontra imperyalismo. Makibaka para sa tunay na ganap na kalayaan!

JUNK EDCA, JUNK VFA!
CANCEL BALIKATAN EXERCISES!
US TROOPS, OUT NOW!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!

08/04/2026

laman ng utak mo habang nag eexam pag hindi ka pumunta sa UPV tutorial:

Hawak ๐Ÿ‘ mo ๐Ÿซตang beat ๐ŸŽต Hawak ๐Ÿ‘ mo ๐Ÿซตang beat๐ŸŽต Dubai Chewy Cookie, ๐Ÿช ano tara? ๐Ÿ˜ธ Ilocos empanada, ano tara? ๐Ÿ˜ป Nung isang araw โ˜€๏ธ nagmamaneho ๐Ÿš˜ sa Cubao. Beep beep beep. ๐Ÿ›ป๐Ÿš– maglaro ๐Ÿ›tayo gagayahin mo ako buksan mo ๐Ÿšชpapasukin ako ๐ŸŒธ get get get get awwww

laman ng utak mo habang nag eexam pag pumunta ka sa UPV Tutorial: tamang sagot ๐Ÿคฏโœ…๐Ÿ€๐Ÿ“š
so para hawak mo ang tamng sagot, register ka na beh:

WHAT: ๐Œ๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐‹๐„ ๐Ÿ‘ ๐“๐ฎ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ
WHEN: ๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐–๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐๐š๐ฒ) | ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ - ๐Ÿ•:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐.๐Œ.
WHERE: ๐Ž๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ž (๐†๐จ๐จ๐ ๐ฅ๐ž ๐Œ๐ž๐ž๐ญ)

Register Below:
https://tinyurl.com/UPVMath23LE3TutorialReg
https://tinyurl.com/UPVMath23LE3TutorialReg
https://tinyurl.com/UPVMath23LE3TutorialReg

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Room 108, School Of Statistics Cor. T. M. Kalaw Street
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5:30pm
Wednesday 8am - 5:30pm
Thursday 8am - 5:30pm
Friday 8am - 5:30pm
Saturday 9am - 5pm