Disaster Information Service - Philippines
Philippine Information Agency's official Facebook account on Disaster preparedness & resiliency Bernard, Leyte and flood-ravaged areas in Central Luzon.
14/07/2026
Nakaalalay ang DSWD Field Office (FO) 9 – Zamboanga Peninsula sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat sa iba't ibang bahagi ng rehiyon.
Nakatanggap ng iba't ibang uri ng assistance ang mga residente sa Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
132 pamilya sa Labangan at 10 pamilya sa Bayog, Zamboanga del Sur ang tumanggap ng family food packs (FFPs), family kits, sleeping kits at kitchen kits.
57 locally stranded individuals (LSIs) sa mga pantalan ang nabigyan ng ready-to-eat food (RTEF) boxes.
1,191 RTEF ang naipamahagi sa mga pamilyang lumikas sa Imelda, at 5 FFPs ang naihatid sa Siay, Zamboanga Sibugay.
SOURCE: Department of Social Welfare and Development - DSWD
14/07/2026
13/07/2026
LPA sa labas ng PAR, ganap nang Tropical Depression
Nabuo bilang Tropical Depression na may international name "HAISHEN" ang low pressure area (LPA 07a) na mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa DOST-PAGASA.
Batay sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng umaga ngayong Hulyo 13, 2026, nananatili sa labas ng PAR ang Tropical Depression.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisory ng DOST-PAGASA para sa mga susunod na update.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Philippine Information Agency, Visayas Avenue
Quezon City
1101