NAPOLCOM

NAPOLCOM

Share

"The National Police Commission shall be a competent and responsive overseer of an effective police service".

04/06/2026

NAPOLCOM N’yo Po! Mga Lingkod-Bayan ng NAPOLCOM

ATTY. RALPH C. MENDOZA
Acting Assistant Regional Director
NAPOLCOM Regional Office XI

May mga lider na ang sukatan ay kapangyarihan. May mga lider namang ang sukatan ay serbisyo.

Sa loob ng anim na taon sa pagsisilbi sa gobyerno, pinili ni Atty. Ralph C. Mendoza, Acting Assistant Regional Director ng NAPOLCOM Regional Office XI, na gawing sentro ng kanyang pamumuno ang integridad, pananagutan, at malasakit. Bilang katuwang ng Regional Director sa pagpapatupad ng mga programa at mandato ng Komisyon sa buong Davao Region, pinangangasiwaan niya ang maayos na operasyon ng tanggapan, sinusubaybayan ang pagsunod ng kapulisan sa mga umiiral na batas at pamantayan, at tumutulong sa paghubog ng isang mas propesyonal at disiplinadong hanay ng mga pulis.

Para kay Atty. Mendoza, ang tunay na tagumpay sa serbisyo ay hindi nasusukat sa dami ng kasong nahawakan o ulat na nalagdaan. Higit itong nakikita sa mga konkretong pagbabagong nararamdaman ng komunidad, kapag ang integridad, disiplina, at pananagutan ay naisasabuhay ng bawat pulis sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin, at kapag ang mga repormang isinusulong ay nagreresulta sa mas makatao at mas maayos na serbisyo publiko.

Ang kanyang inspirasyon ay nagmumula sa paniniwalang ang patas at tapat na pagpapatupad ng mga alituntunin ay mahalaga sa pagbuo ng isang kapulisan na mapagkakatiwalaan ng mamamayan. Kasabay nito, naninindigan siyang ang disiplina at pananagutan ay dapat pairalin nang may katarungan at paggalang sa kapakanan ng mga pulis na tapat ding ginagampanan ang kanilang tungkulin.

"Ang bawat tungkulin ay pagkakataon hindi lamang para sa personal at propesyonal na pag-unlad, kundi para makapag-iwan ng positibong epekto sa kapulisan at sa mamamayan. Bilang kawani ng NAPOLCOM, nagsisilbi itong gabay upang gampanan ko ang aking trabaho nang may layunin, integridad, at malasakit."

Sa likod ng bawat patakaran, rekomendasyon, at desisyong ginagawa ng NAPOLCOM ay mga lingkod-bayang tulad ni Atty. Mendoza, mga taong naniniwalang ang mahusay na pamamahala ay nagsisimula sa tapat na paglilingkod, at ang tunay na liderato ay nasusukat sa kakayahang magsilbi para sa kapakanan ng nakararami.

Ulat mula sa Napolcom Region 11

03/06/2026

LIVE | Press Briefing - June 3, 2026

Want your organization to be the top-listed Government Service in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


DILG-NAPOLCOM Center NAPOLCOM Bldg. EDSA Corner Quezon Avenue West Triangle
Quezon City
1104

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm