Philippines Weather Updates

Philippines Weather Updates

Share

Official Page of Philippines Weather Updates 𝐏𝐑𝐒π₯𝐒𝐩𝐩𝐒𝐧𝐞𝐬 π–πžπšπ­π‘πžπ« π”π©ππšπ­πžπ¬ provides comprehensive weather forecasts for towns and cities across the Philippines.

14/05/2026

PARANG OVEN ANG METRO MANILA β€” HEAT INDEX SA CALOOCAN, UMABOT SA DELIKADONG 47Β°C

UPDATE: Umabot na sa 47Β°C o β€œDANGER LEVEL” ang heat index sa Caloocan City, Metro Manila ngayong alas-3 ng hapon, Mayo 14, 2026.

Kasabay nito, nagdeklara rin ng RED ALERT sa Luzon Electric Grid isang sitwasyon na maaaring magdulot ng rotational brownouts sa ilang lugar habang nararanasan ang matinding init ng panahon.

Dahil sa sobrang taas ng heat index, posibleng makaranas ng:
β€’ heat cramps
β€’ heat exhaustion
β€’ at heat stroke kapag matagal na exposed sa init

Marami ring netizens ang nagpahayag ng pangamba lalo na sa posibilidad ng brownout habang nasa β€œdanger level” ang init sa Metro Manila.

Pinapayuhan ang publiko na:
β€’ uminom ng maraming tubig
β€’ iwasan ang direktang init lalo na sa tanghali
β€’ at manatili sa malamig o maaliwalas na lugar hangga’t maaari

Stay safe and hydrated, mga kababayan.

22/04/2026

🌑️ SUPER EL NIΓ‘O: POSIBLE NGA BA SA HULING BAHAGI NG 2026?

Ang tinatawag na Super El NiΓ±o ay isang mas matinding anyo ng El NiΓ±o; isang natural na penomenon kung saan umiinit nang higit sa normal ang temperatura ng dagat sa gitna at silangang bahagi ng Pacific Ocean. Kapag nangyari ito, naaapektuhan ang global weather patterns, kabilang ang ulan, hangin, at temperatura sa mga bansang gaya ng Pilipinas.

πŸ”¬ Paano ito nabubuo?
Nagsisimula ang El NiΓ±o kapag:

Humihina ang trade winds na nagtutulak ng mainit na tubig pa-kanluran
Naiipon ang mainit na tubig sa gitnang Pacific
Nababago ang normal na galaw ng ulan at bagyo
Tumataas ang sea surface temperature sa mas malawak na bahagi ng karagatan

Kapag umabot sa labis na taas ang pag-init, maaari itong iklasipika bilang β€œSuper El NiΓ±o.”

⚠️ Posibleng Epekto sa Pilipinas

Dahil sa lokasyon nito sa Pacific, kabilang ang Pilipinas sa pinakaapektadong bansa:

🌾 Agrikultura

Pagkatuyo ng lupa at pagkasira ng pananim
Pagbaba ng ani ng palay at mais
Posibleng pagtaas ng presyo ng pagkain

πŸ’§ Tubig

Pagbaba ng lebel ng mga dam tulad ng Angat at Pantabangan
Posibleng water interruptions sa urban areas
Kakulangan sa irigasyon

πŸ₯ Kalusugan

Heat stroke at dehydration
Paglala ng respiratory at cardiovascular conditions

⚑ Enerhiya

Posibleng kakulangan sa kuryente dahil sa mababang water levels sa hydropower dams

πŸ“Š Ano ang Sabi ng mga Eksperto?
Ayon sa mga meteorological agencies, ang lakas ng El NiΓ±o ay nakadepende sa kombinasyon ng ocean temperatures at atmospheric conditions. Patuloy itong mino-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration upang matukoy kung ito ay magiging mahina, katamtaman, o isang matinding event.

πŸ›‘οΈ Paano Makapaghahanda?

πŸ’§ Magtipid at mag-imbak ng tubig
🌱 Gumamit ng drought-resistant crops
🧊 Iwasan ang matagal na exposure sa init
πŸ“‘ Subaybayan ang official advisories ng PAGASA
⚑ Magtipid sa kuryente
🏑 Maghanda ng emergency water supply sa bahay

πŸ“’ Bottom line:
Hindi pa tiyak kung magkakaroon ng Super El NiΓ±o sa 2026, pero mahalaga ang maagang paghahanda dahil sa potensyal nitong epekto sa tubig, pagkain, at kuryente sa bansa.

Photos from Philippines Weather Updates's post 15/11/2025

⚠️ WALANG PATID NA PAG-ULAN, NAGDULOT NG PAGBAHA SA FAMY, LAGUNA

Patuloy ang nararanasang abot-tuhod na baha sa Barangay Bulihan, Famy, Laguna matapos ang magdamagang buhos ng ulan mula madaling araw ngayong Nobyembre 15.

Ayon sa mga residente, mabilis na tumaas ang tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng malalakas na thunderstorms. Pinapayuhan ang mga motorista at residente na mag-ingat at umiwas muna sa mga binahang kalsada.

πŸ“Έ Liam Clark

07/11/2025

πŸŒ€ BAGYONG β€˜UWAN’ NAKAPASOK NA β€” GET READY. πŸ™πŸ»βš οΈ

BREAKING: Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong (FUNG-WONG), ayon sa PAGASA.

πŸ“ Kayang sakupin ng bagyong ito ang halos buong bansa dahil sa lawak ng sirkulasyon nito.
Unang makakaranas ng malalakas na ulan at bugso ng hangin ang at simula Linggo, habang , , , at ay inaasahang tatamaan ng matinding epekto sa mga susunod na araw.

⚠️ Maging handa. Siguraduhin ang bubong, ihanda ang emergency kits, at makinig sa mga abiso ng PAGASA at inyong LGU.
Huwag maging kampante β€” mas mabuting handa kaysa magsisi.

21/10/2025

πŸŒ€ PANIBAGONG LOW PRESSURE AREA SA LOOB NG PAR 🌧️⚠️

Isang Minor Tropical Depression o mahinang bagyo ang namuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon (ENL), ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).

πŸ“ Kasalukuyang sitwasyon:
Inaasahang lalapit sa ENL sa mga susunod na oras ngunit hindi inaasahang lalakas pa batay sa JMA forecast.

🌀️ Ayon sa PAGASA:
Sa ngayon, wala pa silang mino-monitor na sama ng panahon sa loob o labas ng PAR, at mababa ang tsansa na may mabubuong bagyo sa mga susunod na araw.
(*Magkaiba ang pagtataya ng JMA at PAGASA kaya’t maaaring magkaiba rin ang forecast.)

πŸ“Œ Ang susunod na pangalan ng bagyo ay kung sakaling tuluyang mabuo ito.

Patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na update mula sa PAGASA at NDRRMC.

16/10/2025

🟧⚠️ BAGYONG β€˜RAMIL’, POSIBLENG PUMASOK NGAYONG GABI πŸŒ€

πŸ“ Update: Patuloy na kumikilos pakanluran ang bagyong at inaasahang papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.

πŸ’¨ Lakas ng Hangin: 45 kph (posibleng lumakas pa habang dumadaan sa mainit na Pacific Ocean at Philippine Sea).

⚠️ Posibleng Epekto:

Mataas ang tsansang tumama sa Cagayan–Isabela area sa pagitan ng Sabado at Linggo (Oct. 18–19)

Posibleng mahagip ang Bicol Region bago ang pagtama sa mainland Luzon

Maaaring umabot sa Tropical Storm o Severe Tropical Storm category bago ang landfall

πŸ“’ Paalala:
πŸ‘‰ Patuloy na mag-monitor sa mga abiso ng PAGASA, NDRRMC, at inyong LGUs.
πŸ‘‰ Posible pang magbago ang forecast sa mga susunod na araw.

Photos from Philippines Weather Updates's post 15/10/2025

BULKANG KANLAON, NAGBUGA NG USOK AT ABO

Nagbuga ng makapal na usok at abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong Miyerkules ng umaga, Oktubre 15, 2025.

πŸ“Œ Ayon sa PHIVOLCS, nananatiling nasa Alert Level 2 ang estado ng bulkan, hudyat ng patuloy na posibilidad ng mga phreatic eruption.

⚠️ Paalala:

Iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ).

Maging handa sa posibleng ashfall lalo na sa mga komunidad na malapit sa bulkan.

Manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng PHIVOLCS at LGU.

πŸ“Έ Larawan mula kay Leah Pahayahay Martinez

13/10/2025

πŸŒͺ️ POTENSYAL NA BAGYONG β€˜RAMIL’ | Posibleng Tumawid sa Luzon ⚠️

Ayon sa pinakabagong Google FNV3 model strike probability, mataas ang posibilidad na tumawid sa ang bagyong tatawaging .

❗ Sa ngayon, wala pang eksaktong landfall area dahil inaasahan pa rin ang mga pagbabago sa forecast.

πŸ“Œ Paalala: Magbago man ang direksyon, manatiling updated at sumubaybay sa mga opisyal na abiso.

πŸ“Έ FNV3 SCMP |

04/10/2025

PAOLO TAPOS NA, PERO MAY PAPALIT NA BANTANG BAGYO

Kakalabas lang ng PAR ang bagyong Paolo (MATMO), pero may panibagong sama ng panahon sa labas ng bansa na posibleng maging bagyo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes o Martes, October 6–7.

Kapag naging ganap itong bagyo, tatawagin itong Quedan. Ito ang ika-17 na bagyo ngayong taon at pangalawa ngayong Oktubre.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung tatama ito sa bansa, pero may posibilidad na lumapit sa Extreme Northern Luzon sa mga darating na araw. Patuloy itong babantayan dahil puwedeng magbago ang galaw at lakas nito anumang oras.

Maghanda at manatiling nakasubaybay sa mga susunod na update.

04/10/2025

LPA sa labas ng PAR, MATAAS ang TSANSANG maging GANAP NA BAGYO sa susunod na 24 oras; tatawagin kung papasok sa PAR.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Quezon City