Mayor Ralph Lim

Mayor Ralph Lim

Share

Official page of Mayor Ralph Lim - San Andres, Quezon Province

30/04/2026

โ€˜๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†โ€™ ๐—ฎ๐˜ โ€˜๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ผ,โ€™ ๐—œ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€, ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป

Isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng turismo at serbisyong may pusong Pilipino ang naitala sa Bayan ng San Andres, Quezon matapos maisabatas ang Resolution No. 36-2026. Layunin nitong i-institutionalize ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) ng Department of Tourism, kabilang ang paggamit ng โ€œMabuhay Gestureโ€ at mga katagang โ€œMabuhayโ€ at โ€œSalamat poโ€ bilang pamantayan ng kalidad na serbisyo.

Sa ilalim ng resolusyong ito, inaasahang maisasabuhay ng mga tourism frontliners, stakeholders, at mga lingkod-bayan ang natatanging init ng pagtanggap at paggalang na sumasalamin sa kulturang Pilipino.

Kinilala ang mahalagang papel ni Punong Bayan Ralph Edward Lim at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Nelson Ausa, kasama si Municipal Councilor Ezperanza Fontanil, SB Committee Chair on Tourism, sa matagumpay na pagpasa ng nasabing resolusyon.

Sa pamamagitan nito, itinatampok ang โ€œMabuhayโ€ at โ€œMaraming Salamat poโ€ bilang opisyal na pagpapahayag ng Filipino Brand of Service Excellenceโ€”isang konkretong hakbang upang higit pang mapalakas ang imahe ng San Andres bilang isang destinasyong may malasakit, paggalang, at world-class na serbisyo.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Quezon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


2nd Flr. De Leon Street New Municipal Bldg. Brgy. Poblacion San Andres
Quezon
4314

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm