JESUS 100%

JESUS 100%

Share

Be Ready

27/10/2022

Scripture

Deuteronomy 14:21
21“Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na basta na lamang namatay. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito'y sa dahilang kayo'y sambayanang inilaan sa Diyos ninyong si Yahweh.

Observation

Isa din sa mga naging alituntunin ni Yahweh sa mga Israelita ang tungkol sa pagkain at lahat ng ito ay mayroong saysay.

Application

- Naisin mo dahil nais ng Panginoon na manguna siya sa kung paano ka mamuhay. Hayaan mong siya ang gumabay sa iyo at paniguradong mahihiwalay lahat ng dumi sa iyong katawan.

Prayer

Ama naming nasa Langit,
Panginoon maraming salamat po sa lahat ng bagay ultimo sa mga bagay na kahit alam na namin ay binibigyan niyo po kami ng paraan upang mas maintindihan namin kung bakit po ganito at bakit ganiyan. Kaya nawa'y maunawaan pa ito ng kaluluwang ito sa inyong ngalan.Amen🌼

21/10/2022

Scripture

Deuteronomy 11:26

26“Sa araw na ito, binibigyan ko kayo ng pamimilian: pagpapala o sumpa.

Observation

Lagi tayong binibigyan ng Panginoon ng pagpipilian sa ating araw-araw na paggising sa umaga. Kung babangon tayo o sa panaginip na lamang tayo magpapatuloy. Kagaya sa verse na ito,binibigyan niya kayo ng pagpipilian kung saang daan ang nais niyo sa daan niya na matarik ngunit pagpapala ang nakaabang o sa daang maluwag ngunit kapahamakan ang nag-aabang.

Application

- Palagi mong pipiliin ang Panginoon sa dalawang pagpipilian,wala man siya,siya ang piliin mo dahil walang mali sa pagpili sa kanya. Magtiwala ka lang. Pagnilayan mo.

Prayers

Ama naming nasa Langit,
Maraming salamat po palagi sa mga bagay na inyong pinapahintulutan ninyo sa amin hindi po dahil sa inyong interes kundi ay alam niyo po na ito'y makakabuti sa amin. Kaya nga po panalangin ko na sa oras na kami ay subukin ng bawat araw nawa'y maging bukas ang aming isipan na piliin palagi ang nararapat at inyong nais na makakabuti sa amin.Amen🌼

20/10/2022

Scripture

Deuteronomio 10:16
16Kaya nga, maging masunurin kayo at huwag maging matigas ang inyong ulo.

Observation

Dumadating tayo sa punto na ginagawa natin ang kabaligtaran ng verse na ito. Dala ng pagod at bigat na nadarama ay pinipili natin na hindi masunod ang nais ng Diyos,na sa umpisa palang ay pinili na natin kaya naging lantang gulay ang naging epekto nito sayo.

Application

- Kapag may ipinapagawa sa iyo ang Panginoon,umpisahan mo sa pagdidisiplina ng sarili mo upang ang lahat ng gawain mo ay matapos mo ng walang naiiwan at natatambak.

Prayer

Ama naming nasa Langit,
Panginoon tunay nga na ikaw ay hindi tumitigil sa pagbibigay ng sagot para sa amin. Ang dami ko pong tanong at nais na maging desisyon nito lamang at umeksakto na parang sinadya niyo po na ito ang tumapat sa naguguluhan kong isipan. Maraming salamat po.Amen🌼

14/10/2022

Scripture

Deuteronomio 7:9
9Kaya't pakatatandaan ninyong si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos, at siya ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga tuntunin

Observation

Ika nga nila ‘God loves never fails‚’ alam ko na mula noon at sa papadating na henerasyon hindi magbabago ang pagmamahal ng Panginoon,lalo na sa mga nilalang na nagtitiwala,nananampalataya at kalakip ang pagsunod sa utos ng Panginoon sa kanilang buhay.Ngunit siya'y hindi mag-aalinlangan sa taong sa kanya'y sumuway na ito'y matikman ang pagiging hukom ng Panginoon.

Application

- Muli ay paalalang pagnilayan mo ng higit pa sa kahapon ang pagsunod sa alituntunin ng Panginoon.Dahil madaming patunay sa bibliya na ang sumusunod ay pinagpapala,at itinatakwil naman ang mga suwail.

Prayer

Ama naming nasa Langit,
Hindi po ganoon kadali na maging karapat-dapat sa inyo ngunit pinanghahawakan mo pa din po kami. Sapagkat inyong nilakip sa amin na mas maging matiyaga pa sa iba't ibang pamamaraan ninyo. Akin itong ipinagpapasalamat sa ngalan ng Ama.
Amen🌼

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Quiapo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Quiapo