TSISMOSO
π‘π’.π π¦π πππππ§π ππ§ π§π¦ππ¦π ππ¦ π’π‘πππ‘π Ang bagong boses ng Pilipino
10/05/2026
PEKENG DOKTOR SA βHOME SERVICE TULI,β SINABING NANG-MOLESTIYA UMANO NG 12-ANYOS NA BATA
Nauwi sa reklamo at matinding galit ng pamilya ang umanoβy βhome service tuliβ matapos mabunyag na nagpanggap lamang umanong doktor ang isang beki upang makapasok sa bahay at makalapit sa mga bata.
Ayon sa ulat, nagtaka ang ina ng 12-anyos na bata kung bakit halos limang oras nang nakakulong sa kwarto ang suspek at ang kanyang anak. Dahilan umano ng suspek, naging βalanganinβ at delikado raw ang pagtutuli kaya hindi nito natuloy ang procedure.
Ngunit lalo pang naghinala ang pamilya matapos mapansin na may pasa at pamumula umano sa ari ng bata. Kalaunan, isinumbong umano ng bata sa kanyang mga magulang na minolesiya siya ng nasabing pekeng doktor habang nasa loob ng kwarto.
Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente upang masampahan ng kaukulang kaso ang suspek. Paalala naman ng mga otoridad sa publiko na tiyaking lehitimo at lisensyado ang mga medical practitioner bago payagang magsagawa ng anumang procedure, lalo na sa mga menor de edad.
09/05/2026
MAGASTOS AT SANDAMAKMAK NA REQUIREMENTS, PAHIRAP SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO!
Umani ng samuβt saring reaksyon online ang reklamo ng maraming Pilipino kaugnay sa umanoβy βsobrang damiβ at magagastos na requirements sa pag-aapply ng trabaho. Ayon sa ilang job seekers, bago pa man sila matanggap ay kailangan na agad gumastos para sa mga dokumento tulad ng medical, police clearance, NBI clearance, resume printing, at iba pang requirements.
May ilan ding nagsasabing kahit entry-level lamang ang posisyon ay hinihingan pa rin ng matataas na qualification at maraming karanasan, dahilan upang maraming aplikante ang mawalan ng pag-asa.
Samantala, iginiit naman ng ilang netizens na dapat umanong gawing mas simple at abot-kaya ang proseso ng aplikasyon upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng pagkakataong makapasok sa trabaho at makatulong sa kanilang pamilya.
Ikaw, ramdam mo rin ba ang hirap ng paghahanap ng trabaho sa panahon ngayon?
09/05/2026
75% NG MGA KABATAANG PINOY, HINDI NA RAW NAGMAMANO SA MGA NAKAKATANDA
Ayon sa lumalabas na pag-aaral at obserbasyon ng ilang cultural groups, unti-unti nang nawawala sa mga kabataang Pilipino ang nakasanayang pagmamano bilang tanda ng paggalang sa mga nakatatanda. Tinatayang 75% ng mga kabataan ngayon ang bihira o hindi na umano nagsasagawa ng βmano poβ sa kanilang mga magulang, loloβt lola, at iba pang nakatatanda.
Ilan sa itinuturong dahilan dito ang modernisasyon, impluwensya ng social media, pagbabago ng nakasanayang kultura, at pagiging mas exposed ng kabataan sa western practices kung saan hindi uso ang pagmamano.
May ilang netizens ang nalungkot sa unti-unting pagkawala ng naturang tradisyon, habang ang iba naman ay nagsasabing maaari pa ring maipakita ang respeto sa ibang paraan tulad ng paggamit ng βpoβ at βopoβ at pagiging magalang sa pakikitungo.
Samantala, hinihikayat naman ng ilang g**o at magulang na patuloy na ituro sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagrespeto at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
08/05/2026
FACEBOOK PAGE NI ATTY. ROWENA GUANZON, BINURA NG META; βMAY NANABOTAHE SA AMINβ
Naglabas ng pahayag si Rowena Guanzon matapos umanoβy burahin ng Meta ang kanyang pangunahing page na may mahigit 500,000 followers.
Ayon sa kampo ni Guanzon, hindi ito ang unang beses na nangyari dahil maging ang dati niyang page na may lampas isang milyong followers ay nawala rin noong nakaraang taon. Sa kanyang mensahe, sinabi niyang naniniwala silang may βnanabotaheβ umano sa kanilang hanay dahil sa kanilang matapang na paninindigan laban sa umanoβy abuso at korapsyon sa gobyerno.
Dagdag pa niya, hindi raw sila titigil sa kanilang adhikain at patuloy pa rin silang lalaban para sa kanilang paniniwala hanggang sa mga susunod na taon, kabilang ang pagtingin nila sa 2028 elections.
Samantala, hinikayat ng kampo ni Guanzon ang publiko na suportahan pa rin ang kanyang iba pang social media accounts habang inaayos ang isyu sa kanyang pangunahing page.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Quiapo
Opening Hours
| Monday | 6am - 12pm |
| Tuesday | 6am - 12pm |
| Wednesday | 6am - 11pm |
| Thursday | 6am - 11pm |
| Friday | 6am - 11pm |
| Saturday | 6am - 11pm |
| Sunday | 6pm - 12pm |