Mami Tine

Mami Tine

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mami Tine, Health/Beauty, Oscariz, Ramon.

28/01/2026

Teen pregnancy isn’t cute when kids become victims of irresponsible parents. Children deserve safety, not trauma.

I saw this disturbing video around 2AM NZ time.

Literal na di ako nakatulog sa galit, pag-aalala, pangangamba ng makita ko ang munting paslit na ito na iniwan ng mga magulang niya sa kalsada.

Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niyo bilang nanay, nanay din ako pero bakit? Bakit kaya mo iwan ang anak mo sa gitna ng kalsada? Naiintindihan ko ang post partum blues mo na possible naging post partum depression pero bakit hinayaan mo lang umabot sa ganyan. Ba’t nadamay ang bata?

And to the father of this child, why do you allow the mom of your child to act this way? Paano niyo nakakaya iwan yung anak niyo sa kalsada? Paano kung nasagasaan to? At sobrang init pa!

Grabe yung iyak at emosyon ko watching the video seeing the child na umiiyak na tila ba natatakot siya dahil wala na yung papa at mama niya. At niyakap ko ng mahigpit ang anak ko dahil kahit minsan may pagkukulang ako sa kanya bilang ina ay hindi ko magagawa yun sa kanya.

Kaya ko ito pinopost dahil laganap na ang pag nonormalize ng teenage pregnancy. Akala nila cute kapag early na buntis. Hindi nila alam na hindi biro ang pagiging ina at magulang. Kaya kadalasan nag hihiwalay ang mag-asawa after magka anak dahil sa hirap ng transition. At ako mismo nakaranas na parang di ko na kilala ang sarili ko after nag kaanak.

Kung mag-aaway kayo wag idamay ang bata!

At kung hindi handa maging magulang, wag mag-anak! Wag kayo mandamay ng walang ka muwang-muwang na bata. Hindi nila kasalanan na pinanganak sila sa mundo. Decision ninyo nung ginawa ninyo yan kaya responsibilidad niyong buhayin at alagaan.

Hindi ako perpektong ina. Minsan na ooverstimulate ako sa mismong anak ko. Minsan nasisigawan ko pa at aminado ako I have my moments din dahil nga napakahirap maging ina pero ni minsan di nasagi sa isip ko iwan yung anak ko kalsada. At oo, kadalasan halos di ko na kaya dahil ibang klase ang pagod. Hindi lang katawan mo ang nasira kundi buong pagka tao mo pa.

Lagi kong pinagdarasal ang kalakasan dahil hindi easy ang buhay ko dito. Nakakasira ng bait lalo na’t kargo mo lahat mula pag-aalaga, pagpapakakain at pa balik-balik na routine in the same four walls. Hindi siya madali pero kailangan ko gampanan ang pagiging ina ko sa ayaw at sa gusto ko!

Naisip ko yung trauma at takot ng bata. At ako na magsasabi, wag kayo mag anak kung di niyo kaya gampanan ang tungkulin niyo bilang mga magulang!

Please do not procreate kung ganito lang ka simple sa inyo mag iwan ng bata na para bang pusa o a*o na pwede lang ilagay sa tabi kung ayaw niyo na.

27/01/2026

CTTO

SILENT PNEUMONIA AWARENESS FOR BABIES | PLEASE READ‼️

Hindi namin inakala na ganito ang mangyayari,
dahil napakalusog ng anak ko at very active / aggressive siya.
Wala siyang history ng sakit, masigla, at malakas.

December 19, pina-check up namin ang anak ko dahil nilalagnat siya.
So far, wala namang nakita ang doctor at wala rin siyang ubo that time, kaya we thought okay lang. at gumaling naman siya at masigla naman siya

December 30, bigla siyang inubo parang normal na ubo lang.
Walang sign na seryoso na pala.

January 1, around 10:00 PM, bigla siyang bumilis huminga at parang hinihingal.
After a few minutes, bigla siyang nag-violet.
Doon na kami kinabahan at agad naming sinugod sa hospital.

January 2, 1:00 AM nasa ER na kami.
6:00 AM, na-admit siya at inakyat na sa room.
Tapos na lahat ng x-ray at laboratory, pero wala pa ang results. So waiting nalang

3:00 PM, chineck siya ng doctor and sinabi na parang okay na siya.

Pero 4:30 PM ng January 2,
bigla na lang siyang hindi gumalaw at hindi na huminga.
Pinatawag namin agad ang doctor at mga nurse at nagulat din sila dahil akala ni doc at kame is okey okey na siya dahil parang bumabalik ang sigla niya … ginawa nila ang lahat,
pero wala na talaga…
5:00 PM — time of death.
AT YANG XRAY NAYAN KUNG KELAN SYA NAMATAY SAKA BINIGAY SAMIN YANG RESULT SA XRAY AT SAKA NAMIN NALAMAN
TINANONG NG DOCTOR ANG MGA NURSE NASAN BA XRAY NITO PWEDE MAKITA AT AYUN DUN PALANG NILA NALAMAN AT NAKITA ANG RESULT SAPAG KAMATAY NIYA … SA SOBRANG TAGAL KAYA GANTO RIN NANGYARE PERO HINDI NATIN SILA MA BLAME KASI NGA NANGYARE NA 🥺 PERO SA 3DAYS NA UBO LANG NYA GRABE NA PALA ANG BAGA NIYA NA AKALA NAMIN NORMAL LANG NA UBO AY HINDI NA PALA ANG HIRAP TANGGAPIN DAHIL SA SOBRANG BILIS NA PANGYAYARE 😭 MALAKAS NAMAN SIYA UMINOM NG TUBIG PERO NA DEHYDRATE PARIN SIYA..

Ito ang cause of death niya:

Respiratory Failure secondary to Pediatric Community-Acquired Pneumonia
with Massive Pleural Effusion (Left)
Acute Gastroenteritis with Moderate Dehydration

Sa simpleng salita:
Nagkaroon siya ng pneumonia na tahimik pero mabilis lumala.
Nag-ipon ng maraming fluid sa baga, kaya hindi na siya makahinga.
Mas pinahina pa ang katawan niya ng dehydration at gastroenteritis.

Hindi lahat ng pneumonia ay may malinaw na senyales.
Hindi lahat ay may ubo agad.
At minsan, kahit akala mo ay okay na… hindi pala.

I’m sharing this not to scare anyone,
but for awareness, especially sa mga magulang.
Kahit healthy at malakas ang bata,
puwedeng biglang umatake ang pneumonia.

Please also avoid:
• 🚭 Paninigarilyo sa paligid ng bata (secondhand smoke)
• Madalas at matagal na pagbabad sa aircon, lalo na kung malamig at walang pahinga

🏠 Saradong lugar:
• kulob na kwarto
• madalas na aircon
• kulang sa bentilasyon

May mga bata na walang ubo o sipon sa umpisa, pero may impeksyon na pala sa loob ng baga.

Maliliit na bagay ito, pero malaking epekto sa baga ng bata.

If your child has fever, cough, mabilis na paghinga, or hingalin,
please don’t ignore it. Magpa-check agad.

Bilang isang ina, sobrang sakit.
Walang araw na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung bakit ganito kabilis.
Pero ibinabahagi ko ito hindi para manakot,
kundi para makapagpaalala at makapagligtas ng ibang bata.

Please, sa lahat ng magulang:
Huwag balewalain ang lagnat na paulit-ulit
Kapag bumilis ang paghinga o parang hinihingal — urgent na ‘yan
Trust your instincts. Kung may mali, ipaglaban niyo ang anak niyo

Walang rewind ang buhay.
Kung may magagawa kayong mas maaga, gawin niyo na.

Para sa anak ko naiwan sakin
at para sa lahat ng batang pwede pang mailigtas. 🕊️

Ctto

27/01/2026

Malakas kaba manigarilyo?‼️‼️‼️

"Para sa kaalaman ng ibang momshies, para hindi mangyari sa inyong baby ang nangyari sa baby nato MODERATE PNEUMONIA
Nabasa ko lang din to at gusto ko din malaman nyo para makapag ingat tayo

Doc: Mommy, ang baby mo, paulit-ulit lang nagpapacheck-up dahil sa ubo at sipon, ngayon pneumonia na talaga siya.

Ako: Palagi naman doc, ako naman sana ang nag-alaga at nag-ingat sa mga anak ko nang maayos doc. 😔

Doc: May naninigarilyo ba kasama ninyo sa inyong bahay? O kaya naman, nalantad siya sa usok ng sigarilyo kamakailan?

Ako: Opo, meron po doc, pero sinasabi ko naman sa kanila na doon lang manigarilyo sa labas, sa bahagi na ng kalsada dahil malayo na po iyon sa bahay namin.

Doc: Kahit malayo pa sila manigarilyo, mommy, ang ni****ne sa sigarilyo ay hindi na mawawala sa kanilang katawan maliban na lang kung maligo sila at magsipilyo. Kahit dumaan pa sa harap natin ang naninigarilyo, amoy pa rin natin ang usok ng sigarilyo, di ba?

Ako: Ganoon din po talaga doc, masyado akong naging kampante. 😔

Doc: May ubo rin ba sa inyong bahay? Nga berde ang kulay ng kanyang plema?

Ako: Opo, mayroon din po doc. 😔

Doc: Isa pa 'yan mommy, basta't may ubo ang tao tapos berde ang plema, ibig sabihin may impeksyon ang ubo niya. Makakahawa rin 'yan sa sanggol, lalo na kung ipahahawak mo sa kanya. Ang mga sanggol kasi mahina pa ang immune system. Kung palaging umuubo ang taong walang facemask, ang virus niyan nasa paligid lang ng bahay niyo.

Ako: Ganoon po ba, doc? Ano talaga ang sanhi ng Pneumonia, doc? Akala ko kasama ang pagkatuyo ng likod, iyon din pala ang dahilan.

Doc: Dalawa lang mommy,
1 dahil sa usok ng sigarilyo o anumang usok basta usok.
2. nahawaan ng taong may impeksyon sa ubo.

Ako: Talagang magsusumikap ako, Doc, hanggang sa makakaya ko para mailayo ko ang anak ko

Doc: Dapat lang talaga, kasi ang baby mo ang magdurusa. Mahal magkasakit ngayon.

Nabasa ko lang po to
Ito ay awareness lang po sa lahat ng mommy at sa mga naninigarilyo

Sa mga naninigarilyo, kung may baby, lumayo na lang kayo hindi dapat hawakan kung alam mong galing ka sa paninigarilyo. Sa mga may ubo na may kasamang baby sa bahay, magpagamot po , wag na po palalain pa para hnd makahawa ng sakit kumain ng masustansya pagkain






-ctto

15/01/2026

Thank you Lord sa safe delivery and healthy baby boy ko🙏💙❤️

28/12/2025

Relapse malala💔

26/12/2025

Once a cheater, always a cheater eka nga nila💯
Unboxing siya ng Christmas gift 🎁

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Ramon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Oscariz
Ramon
3319