Keygoi a

Keygoi a

Share

The official student publication and wallnews of University of Sto. Tomas-Legazpi Junior High School

06/12/2019

An account written on December 2, 2019 at 9:13 PM, as tropical cyclone swept across Philippine soil.

Isinulat ni JORIMAE QUEEN MAULEON, 11-Bl. Bojani

Alas-nuwebe ng gabi, ang maginaw na kapaligiran ay mahigpit akong niyayakap, patuloy na ginigising ang aking diwa. Pilitin mang ipikit ang aking mga mata, pilitin mang takpan ang aking tainga'y walang bisa. Maniniwala ka ba? Na sa loob ng apat na sulok ng madilim kong silid, malinaw kong naaaninag ang galit ng ulan. Sarado man ang mga bintana, maging mga pinto, ngunit dinig ko, dinig ko ang sigaw ng hangin. Dinig ko ang hagulhol ng isang estrangherong naghahanap ng masisilungan.

Dinig ko ang mga panalangin na nagmula sa bibig ng mga kabataang ngayon lang naalala ang Diyos. Ang mundo ay puno ng takot, ngunit mas naisip pa nila ang hugot na "mas takot akong mawala ka". Sa bawat biro tungkol sa mga nagliliparang yero, ay ang hinagpis ng pamilyang kasalukuyang naliligo sa ulan. Dinig ko ang pilit na pagkatok ng bagyo sa aming pintuan, gano’n din siguro ang katok ng paghahangad ng mga taong walang matutuluyan.

Pa’no na? Pa’no na nga ba ang kabataan ngayong walang kuryente? Nabalitaan mo bang mahigit isang linggo pang maaayos ang mga lumagpak na poste? Pa’no na ang baterya ng LED light niyo? Eh, pa’no na ang mga “reactors” sa Facebook posts mo? Kita ko pa ang My Day na patungkol sa 'bagyo kasama empilights', naisip mo ba ngayong pasko baka walang pa-Christmas lights?

Sa katunayan, higit pa riyan ang mas dapat na pinagtutuunan ng pansin. Higit pa riyan ang mas dapat na pinahahalagahan. Gising, kabataan! Hindi ito purong kalakohan lang.

Sa kabila ng pagbabadya ng kalikasan, taimtim tayong magdasal. Sa kabila ng nagtutumbahang mga puno, tayo ay lumuhod at buong pusong makipag-usap sa Poong Maykapal. Bigkasin ang panalangin, kaysa pindutin ang 'Share' at 'Forward' buttons.

Dahil ang Tisoy na mapanira't mapanakit, walang ubra sa kapangyarihan ng langit.

Illustration by JC Belisano

JHS mathletes reap awards in MTAP Math Challenge; Grade 10 advances to regionals 09/02/2018

UST-L mathletes won in MTAP DepEd Math Challenge. Read the full article here:

JHS mathletes reap awards in MTAP Math Challenge; Grade 10 advances to regionals by Johncen Belisano

Want your business to be the top-listed Media Company in Rawis?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Rawis