DepEd Ungos NHS Extension-Llavac
Public Secondary School
05/02/2026
ππ¬ Malugod na Pagbati! π¬π
Taos-pusong pagbati sa mga mag-aaral ng Ungos National High School Extension β Llavac sa inyong kahanga-hangang tagumpay bilang CHAMPION sa SineMunti 1st Congressional District Festival of Talent na ginanap sa Pagbilao,Quezon.
KCLyn Dayon
Claue Rodriguez
Jurish Mae Bigcas
Sharmaine Escueta
Gian Mhar Gora
Mark Tyron Mercado
Ang inyong talento, sipag, at dedikasyon ay tunay na nagbigay-buhay sa sining ng pelikula at pagsulat na nagbigay-karangalan sa paaralan at bayan ng Real.
π Mga Natamong Parangal:
β¨ Best Film
β¨ Best Actress
β¨ Best Director
β¨ 3rd Place β Best Screenplay
β¨ 2nd Place β Best Story
β¨ 3rd Place -Best Cinematography
Patunay ang mga parangal na ito na ang kabataan ng Llavac ay may tinig, husay, at kakayahang makipagsabayan sa larangan ng sining at pelikula. Ipagpatuloy ninyo ang paglikha ng mga kuwentong may saysay at inspirasyon.
Pasasalamat sa masipag na pamamatnubay ng kanilang Coaches Mam Mary Rose R Cleofas at Mam Jireh A. Anareta.
Malugod na pasasalamat sa suportang ibinigay ng paaralan sa pamumuno ni Mam Ligaya U. Parale,Principal II.
Mabuhay ang mga batang alagad ng sining! Mabuhay ang Ungos NHS Extension β Llavac! Mabuhay ang Bayan ng REALπ₯β¨π
27/01/2026
Malugod na pagbati sa mga mag-aaral na sina :
Bb. KCLyn Dayon- ScriptWriter
Bb. Claue Rodriguez - Actress
Bb. Sharmaine Escueta-Editor
G. Gian Gora-Actor
Bb. Jurish Bigcas - Editor
Sila ang tinanghal na CHAMPION sa ginanap na SineMunti Real District Festival of Talent 2026! π¬π
Isang pagpupugay sa kanilang husay at galing sa pagbuo ng makabuluhang kwento at pagbibigay-buhay nito sa pamamagitan ng madulang Visual Storytelling, na tunay na nagpakita ng kanilang talento at malikhaing pag-iisip at maitanghal bilang BEST STORY ang kanilang likhang isip na kuwento.
Lubos din ang pasasalamat sa mahusay na pamamatnubay ng kanilang coach na si Gng. Mary Rose R. Cleofas, at sa patuloy na suporta ng paaralan sa pamumuno ni Gng. Ligaya Parale, Principal II, na naging sandigan sa tagumpay na ito.
Isang karangalang nagbigay-inspirasyon at dangal sa buong paaralan ng Ungos National High School Extension Llavac.
ShineLlavac
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Purok 6 Llavac Real, Quezon
Real
4335
Opening Hours
| Monday | 7am - 5pm |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |