Sentro ng Filipino-Rizal Senior High School
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sentro ng Filipino-Rizal Senior High School, Education Website, Poblacion Norte, Rizal.
15/03/2026
๐๐๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐ | ๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ค๐ฃ
Inilaan ko ang oras, lakas, at pag-asa ko rito sapagkat ito ang pangarap na matagal ko nang niyakap, ang pangarap na pinaniwalaan kong para sa akin at karapat-dapat kong makamtan.
Subalit dumating ang isang araw na mulat kong nasilayan kung paanong tila ipinagkait ng tadhana ang bagay na buong puso kong hinangad.
Sa mga sandaling iyon, sumagi sa aking isip ang mapait na tanong: bakit tila ayaw ng tadhana na maging masaya ako?
May mga pagkakataong bumabalik sa aking dibdib ang panghihinayang, ang alaala ng mga pagsisikap, sakripisyo, at mga gabing pinuno ng pag-asa. Kasabay nito ang mga tanong na patuloy na kumakatok sa aking isipan, mga tanong na gumugulo sa katahimikan ng aking pagkatao.
Ngunit habang lumilipas ang panahon at akoโy nagmumuni-muni, unti-unting nagbago ang aking pagtingin. Naisip ko na marahil, may mga pangarap na hindi agad ipinagkakaloob sapagkat may mas malawak pang landas na inihahanda para sa atin, mga biyayang hindi natin matatanaw kung agad nating nakuha ang una nating hiniling.
Sa aking gunita, natutunan kong tanggapin na ang mga pangarap na hindi ko nakamtan ay hindi pala tunay na ipinagkait. Ito'y mga pintuang nagsara lamang upang ihatid ako sa mas maliwanag na bukas, isang landas na magbubukas sa mas malawak na pagkakataon at sa mga biyayang matagal nang inilaan ng Maykapal para sa akin.
Pag-asa ng Bayan, Pagbasa ng Kabataan!
25/10/2025
๐๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐๐๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ!
๊ฐษชสษชแดษชษดแด ๊ฑแด แดษชสษชษดษข สแดสแดษดษข (สแดแดส 3)
Isinagawa ng Rizal National High School โ Senior High School 12 GAS A ang kanilang Reading Outreach Program sa Brgy. Sta. Monica Daycare Center bilang bahagi ng adbokasiyang "Pag-asa ng Bayan, Pagbasa ng Kabataan."
Sa pamamagitan ng grassroot approach sa paglinang ng pagbasa, isang paraang nagsisimula mismo sa komunidad at nakabatay sa tunay na pangangailangan ng mga bata. Ipinakita ng mga mag-aaral ang diwa ng malasakit at pagkilos para sa edukasyon.
Sa pagtuturo, pagbabahagi ng kwento gamit ang sariling kathang pop-up story books, at pakikipaglaro, ginabayan nila ang mga batang mag-aaral na yakapin ang pagbabasa bilang daan tungo sa pag-unlad at pag-asa.
Tunay na ang kabataang marunong humakbang sa antas ng masa, umunawa, at maglingkod, ay siyang nagiging ugat ng pagbabago sa lipunan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Poblacion Norte
Rizal
3127