FFN Geronimo
Organisasyong may malasakit sa lahat. Sumusuporta sa tunay na may malasakit Cong. Fidel Nograles
29/02/2024
Happy Leap Day, mga Ka-FFN!
Ano nga ba ang Leap Day? Ayon sa NASA, dagdag na araw ito kada apat na taon para masigurong naka-align ang ating kalendaryo sa galaw ng Earth paikot ng araw.
"It takes approximately 365.25 days for Earth to orbit the Sun — a solar year. We usually round the days in a calendar year to 365. To make up for the missing partial day, we add one day to our calendar approximately every four years. That is a leap year," paliwanag ng NASA.
Kaya mga ka-FFN, anong something special ang balak mong gawin ngayong 'extra day' of the year? ✨
08/02/2024
Ang Buwan ng Pebrero ay Buwan ng mga Sining o National Arts Month alinsunod sa Proklamasyon Blg. 683 na nilagdaan noong 1991.
Ang buong kasapian ng FFN - Freedom Fighting Nation kasama si Congressman Fidel Nograles ay nakikiisa sa Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining sa pagdiriwang ngayong taon ng Buwan ng mga Sining.
Maligayang Buwan ng mga Sining! Mabuhay ang mga Artista ng Bayan!
07/02/2024
MALIGAYANG KAPISTAHAN SAINT JEROME EMILIANI o SAN GERONIMO EMILIANI!
Nakikiisa kami sa pagdiriwang ng kapistahan lalo na sa mga kasama at kababayan natin sa Barangay Geronimo!
Magsaya at Mag-ingat ang lahat!
27/01/2024
Binabati po natin ang panibagong batch ng Future Natin scholars mula sa Colegio de Montalban kung saan makakatanggap sila ng P15,000 per academic year sa ilalim ng programang Tulong Dunong ng CHED-UniFast. Kasabay nito, namahagi din po tayo ng tulong pinansyal mula sa CHED kung saan ang bawat mag-aaral ay nakatanggap ng P25,000 bilang educational assistance. Nagbunga na rin po ang ating pagsusumikap sa Kongreso na mabigyan ng karagdagang pondo ang edukasyon para sa kabataan ng Montalban. Congratulations po sa lahat ng ating bagong scholars at nawa’y magamit at makatulong po sa inyo ang allowance na inyong natanggap upang mas pagbutihin pa ang inyong mga pag-aaral, at matagumpay na makapagtapos sa inyong mga kurso sa kolehiyo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Barangay Geronimo
Rodriguez
1860