Barangay Balite
To formulate and enforce transparent plans, programs and regulation for the protection and interest of the community.
11/07/2026
Patuloy ang isinasagawang pagmamanman ng Barangay sa antas ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga residente sa gitna ng patuloy na pag-ulan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag, sumunod sa mga abiso ng Barangay, at maging handa sakaling kinakailangang magsagawa ng agarang paglikas.
Ang Barangay ay nananatiling nakaantabay at patuloy na nagbabantay sa sitwasyon upang makapagbigay ng agarang aksyon kung kinakailangan.
Ligtas ang bawat isa kung sama-sama tayong handa at mapagmatyag.
Anunsyo sa Publiko!!!
Paalala mula sa Punong Barangay Samuel V. Querido Jr at mga Kagawad
Bilang bahagi ng paghahanda at pagtugon sa nararanasang sama ng panahon, patuloy ang Barangay Balite Emergency Response Team sa mahigpit na pagmomonitor sa antas ng tubig sa mga ilog at iba pang lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha.
Pinapaalalahanan ang lahat ng residente na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga opisyal na abiso ng Barangay at ng mga kinauukulang ahensya. Maging handa sakaling kailanganin ang agarang paglikas.
Ang kaligtasan ng bawat pamilya ang ating pangunahing layunin. Patuloy po tayong magtulungan, manatiling alerto, at mag-ingat sa lahat ng oras.
10/07/2026
🫡
Happy 21st Anniversary! 🎉
Dalawampu't isang taon ng matatag na pag kakaisa, samahan, walang sawang paglilingkod, at tunay na pagkakapatiran.
Ang ating paglalakbay ay bunga ng dedikasyon ng bawat Brod na naging bahagi ng kasaysayan ng Balite Community Chapter.
Sa ating ika-21 anibersaryo, ipagdiwang natin ang mga tagumpay, alalahanin ang ating pinagmulan, at patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, respeto, at serbisyo.
Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta at nakikiisa sa ating selebrasyon.
09/07/2026
HABAGAT SEASON IS HERE! 🌧️
Mga ka-Barangay Balite, nagsimula na ang panahon ng Habagat, na maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, malalakas na hangin, at pagkulog at pagkidlat.
⚠️ Maging handa at laging mag-ingat!
✅ Narito ang ilang paalala:
• Subaybayan ang mga weather updates mula sa PAGASA at iba pang opisyal na ahensya.
• Maghanda ng emergency go-bag na may pagkain, tubig, flashlight, first aid kit, gamot, charger, at mahahalagang dokumento.
• Siguraduhing matibay at ligtas ang inyong tahanan.
• Tulungan at kamustahin ang inyong mga kapitbahay, lalo na ang mga senior citizen, bata, at persons with disabilities (PWDs).
• Kapag may pagbaha, iwasang tumawid o magmaneho sa baha. Kung kinakailangan, lumikas agad sa mas mataas at ligtas na lugar at sundin ang abiso ng mga kinauukulan.
Ang kahandaan ay susi sa kaligtasan. Sama-sama nating pangalagaan ang ating pamilya at komunidad ngayong panahon ng Habagat.
📢 Para sa mga emergency at mahahalagang anunsyo, manatiling nakaantabay sa opisyal na page ng Barangay Balite.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Balite
Rodriguez
1860