FEU Roosevelt - Rodriguez Student Council

FEU Roosevelt - Rodriguez Student Council

Share

Welcome to the official page of the FEU Roosevelt - Rodriguez Student Council.

Photos from FEU Roosevelt - Rodriguez Student Council's post 21/04/2026

Ngayong Abril 21, 2026, nag-abot kamay ang FEU Roosevelt-Rodriguez Student Council sa Dela Costa Toda drivers—mga tsuper na patuloy na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Layunin ng organisasyon na makapagbigay kahit kaunting ginhawa sa kanilang araw-araw na laban, kung saan ang kinikita sa biyahe ay madalas napupunta rin sa mataas na gastusin sa gasolina.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa pagbibigay ninyo ng oras at pagkakataon upang makasama kayo ngayong araw.

Kahit kami ay mga estudyante pa lamang, kasama niyo kami sa patuloy na pakikibaka laban sa krisis sa gasolina. ❤️

09/04/2026

Ang kagitingan ay hindi lamang sa nakaraan—ito’y patuloy na isinasabuhay ng bawat Pilipinong may tapang na ipaglaban ang tama. ☀️

Ngayong Araw ng Kagitingan, ating ginugunita at pinaparangalan ang mga bayani na nagsakripisyo at nanatiling malakas. Sila ang naging ilaw sa gitna ng dilim—mga taong tumindig, lumaban, at hindi sumuko para sa isang bansang malaya at may dangal.

Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na kagitingan ay hindi lamang alaala ng kasaysayan, ngunit isang responsibilidad na ating pinapanday sa araw-araw—sa bawat pagkilos, sa bawat paninindigan, at sa pagmamahal sa Pilipinas. 🇵🇭

Caption by: Sabina Del Rosario and Cyrel De Jesus
Pubmat by: Kat Isla

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm