SJNHS - Ang Gatdula

SJNHS - Ang Gatdula

Share

Opisyal na Publikasyong Pampaaralan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng San Jose

08/07/2026

π†π€π‹πˆππ† 𝐒𝐀 ππ‹π€π“πŽ, 𝐏𝐀𝐏𝐔𝐍𝐓𝐀 𝐒𝐀 πŒπ”ππƒπŽ

Dati, inakala ko na hiwalay ang kalusugan sa kalikasan. Akala ko ang iniisip lang natin sa tuwing tayo ay kakain ay kung busog ba tayoβ€”hindi pala.

Hindi tayo makakakuha ng tunay na sustansya kung ang lupa na mismong pinagtataniman ay patay na. Dagdag pa, hindi magiging malusog ang katawan kung ang hangin na nilalanghap ay marumi. Ang ating kalikasan ang tumutulong sa atin para sa ating kakainin kung kaya’t dapat din natin itong suklian ng ating pagtulong.

Madalas nating marinigβ€”marahil nasabi na rin natin;

Bukas na lang ako kakain ng gulay.
Ayoko ng ulam kasi gulay. Bibili na lang ako ng iba sa labas.

Parang walang masamaβ€”isang araw lang naman. Pero ang isang araw, nauuwi sa isang linggo. Ang isang linggo, nauuwi sa isang buwan o puwedeng isang taon. At ang isang taon ay nauuwi sa isang ugali. Tila walang epekto ngunit babalik at babalik din sa atin balang araw.

π‘¨π’π’ˆ π’‘π’‚π’ˆ-π’‚π’‚π’π’‚π’ˆπ’‚ 𝒔𝒂 π’”π’‚π’“π’Šπ’π’Š π’‚π’š π’‘π’‚π’ˆ-π’‚π’‚π’π’‚π’ˆπ’‚ π’“π’Šπ’ 𝒔𝒂 π’Žπ’–π’π’…π’. π‘¨π’π’ˆ π’‘π’‚π’ˆπ’Œπ’‚π’Šπ’ π’π’ˆ π’ˆπ’–π’π’‚π’š 𝒂𝒕 π’‘π’‚π’ˆπ’Œπ’‚π’Œπ’‚π’“π’π’π’ π’π’ˆ π’π’–π’•π’“π’Šπ’”π’šπ’π’ π’‚π’š π’‘π’‚π’ˆπ’Œπ’‚π’Œπ’‚π’“π’π’π’ π’…π’Šπ’ π’π’ˆ π’‘π’‚π’ˆ-𝒂𝒔𝒂.

Sa huli, ang pipiliin natin na kainin at ilagay sa hapag ang magdidikta kung anong klaseng mundo ang mamanahin ng susunod na herenasyon. Ano ang mas nararapat, isang katawang mahina o isang henerasyon na kalusugan ay maganda?

Ngayong buwan ng Hulyo, huwag nating kalilimutan na ang malusog at malakas na pangangatawan at nagyayabong na kalikasan ay hindi mapaghihiwalay kailanman. Simulan natin sa ating mga plato at isunod mo ang ating ginagalawang mundo.

Isinulat ni: Alexandra Bambo
Layout ni: Lance Edward Angeles

08/07/2026

π‚πŽππ†π‘π€π“π”π‹π€π“πˆπŽππ’, πŒπ€'π€πŒ π’πŽπ‹π„πƒπ€πƒ π’π€ππ“πŽπ’!
National Assessment for School Heads (NASH) Batch 2 Passer!
Your SJNHS Family is proud of you.

Photos from DepEd San Jose National High School's post 05/07/2026
Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Ipil Street
Rodriguez