Ang Sinagtala
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Southville 8B National High School
19/07/2026
𝗦𝗩𝟴𝗕𝗡𝗛𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗞𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗪𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗢𝗞 𝗙𝗘𝗦𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲!
Nagkamit ng ikatlong puwesto ang Southville 8B National High School sa Cook-Off Fest na ginanap sa Geronimo Elementary School, kahapon, Hulyo 18.
Nagpakita ng husay, pagkamalikhain at dedikasyon sina Angel Grace P. Rosas at Althea R. Nate sa larangan ng pagluluto. Ang kanilang tagumpay ay bunga rin ng masusing paggabay ng kanilang tagapagsanay na si Ginang Maria Luisa R. Valdez, TLE Teacher.
Kasama rin sa kompetisyon sina Jewel Derder at Mark Bendicio, na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na paglahok ng ating paaralan.
"Nakararamadam po ng saya at halong kaba. Syempre hindi mawawala yung pag-o-overthink kung mananalo ba o hindi." ika ni Angel, habang inihahanda nila ang kanilang dish na Cheese Turon sa loob ng dalawang oras.
Ayon naman sa pahayag ni Althea ay maayos lang naman ang naging resulta, nag-expect lamang sila ng mas mataas na pwesto pero gayunpaman, masaya sila dahil nanalo at nakakamit parin ng pwesto.
Muli, pagbati sa inyo Nate at Rosas!
11/07/2026
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Ipinagpatuloy ang ikalawa at ikatlong araw ng School-Based Workshop sa silid-aralan ng Emerald, Hulyo 8 at 9.
Naglalayon ng pagsasanay na higit pang malinang ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng campus journalism.
Pinangunahan nina Gng. Maylene Dino at G. Ronald Cruz ang mga sesyon, kung saan tinalakay ni Gng. Dino ang Pagsulat ng Balitang Pampalakasan sa ikalawang araw at ibinahagi naman ni G. Cruz ang mahahalagang konsepto sa Pagsulat ng Editoryal at Kolum sa ikatlong araw upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamahayag.
Isinagawa ang dalawang araw na workshop sa silid-aralan ng Emerald bilang ligtas at angkop na lugar para sa masusing pagtalakay, kolaborasyon, at aktibong pagsasanay ng mga kalahok sa bawat asignaturang kanilang pinag-aaralan sa larangan ng pamamahayag.
Nilinang ng mga tagapagsalita ang kaalaman ng mga kalahok sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa wastong estruktura ng balitang pampalakasan, tamang paggamit ng mga terminolohiya, pagbuo ng matibay na argumento sa editoryal, paggamit ng sapat na ebidensya, at malinaw na pagpapahayag ng opinyon nang may pananagutan upang makalikha ng de-kalidad na mga akda.
Isinagawa ang iba't ibang gawaing praktikal, pagsasanay sa pagsulat, at pagbabahagi ng mga output upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na maisabuhay ang kanilang mga natutuhan, makatanggap ng agarang puna mula sa mga tagapagsanay, at higit pang mapaunlad ang kanilang kritikal na pag-iisip at kasanayan sa pamamahayag.
Inihanda ng School-Based Workshop ang mga mag-aaral upang maging mas mahusay, mas mapanuri, at mas handa sa paglahok sa mga darating na kompetisyon at iba pang gawaing pampahayagan, habang patuloy na hinuhubog ang kanilang talento, disiplina, at pagmamahal sa sining ng pamamahayag.
Isinulat ni: G. Mharck Padernos
📑: Gng. Maylene Dino
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Southville 8B National High School
Rodriguez
1860