Team Blessed
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team Blessed, Sitio Quinao, Rodriguez.
13/08/2022
Romans 14:8
If we live, we live for the Lord; and if we die, we die for the Lord. So, whether we live or die, we belong to the Lord.
Maraming Salamat "Nanay Amor". Ikaw ay naging inspirasyon saaming lahat na magsumikap sa buhay at laging manampalataya kay Makedepat. Habang buhay naming babaunin ang iyong mga alaala.
Paalam po at magkikita tayong muli.
Laking tuwa ng aming puso na marinig ang mga pasasalamat sa Diyos mula sa mga nanay at tatay ng Jebac compound sa Angat Dam. Tunay nga na pag sinasambit natin ang mga biyayang natangap, makikita natin ang kabutihan ng Diyos.
Purihin ang Panginoon sa buhay ng mga Volunteers, Donors, Sponsors at Prayer Warriors.
"Kaya, mga kapatid kong minamahal, magpakatatag kayo; huwag kayong patitinag, kayo'y laging sumagana sa gawain ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi mawawalan ng saysay ang inyong pagpapagal para sa Panginoon." 1 Corinto 15:58
21/06/2022
❓CAN YOU HELP❓
🏠DONATE-A-ROOF🏠
Ito po ang compound ng mga Dumagat sa Angat Dam. Dito po sila naninirahan at nag titipon tipon. Sa kasalukuyan po ay may 8 na pamilya ang namamalagi dito at kung minsan, dito din namamahinga ang iba pa nilang mga kamag-anak mula sa iba't ibang lugar. Bukas ang kanilang compound sa kung sino man ang nangangailangan ng matutuluyan.
Sana matulungan po natin sila na magkaroon ng bubong ang isang parte ng kanilang tinutuluyan dahil kung umuulan po ay nababasa sila at bumabaha sa loob ng kanilang bahay. Noong nabisita po namin sila, kailangan din po nila ng malinis na pagkukuhaan ng tubig at kubeta. Sa tulong ng bawat isa, tiyak ay makakabahagi tayo ng kaginhawaan saknila.
Kung kayo po ay hinipo ng Diyos na magbigay tulong, pwede po kayong mag message sa Team Blessed kung paano po makakatulong.
God bless everyone!
----------------------------
Ang mga pwedeng i-donate:
1. Bubong (30pcs) kasama na dito ung gagawin na Tribal Hall sa Sitio Iligan.
2. Cemento (15 sacks) Para sa gagawin na dalawang CR.
3. Toilet Bowl (2)
4. Nail (Pako)
5. Bigas (5 sacks) Para sa mga gagawa
--------------------------------------
Future Projects:
1. Tribal Hall
2. Water Tank
3. Make Shift Classroom and Library
4. Fruit or Vegetable bearing crops
5. CR
6. Livelihood programs (Walis, Basket, Vegetation)
Maligayang Araw ng mga Ina! Balikan natin ang masaya at emosyonal na pagdiriwang sa araw na ito kasama ang mga kapatid nating Dumagat. Kita kita tayo ulit sa muli nating pag ahon! 🙂
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Sitio Quinao
Rodriguez