News Flash PH

News Flash PH

Share

Official page of News Flash PH

Photos from News Flash PH's post 08/06/2026

TINGNAN: Napinsala ang Jollibee at McDo sa General Santos City matapos ang magnitude 7.8 na lindol.

Photos from News Flash PH's post 08/06/2026

TINGNAN: Pinsala ng lindol sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City. Nasira ang 4-story building ng unibersidad na mayroong 35 silid-aralan.

COURTESY: Philippine Red Cross

08/06/2026

Nagsuspinde na ng klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Narito ang abiso ng Provincial Government ng Sultan Kudarat:

Due to the strong earthquake felt across the Province, all classes in both public and private schools are hereby suspended until further notice.

We urge everyone to remain calm, stay vigilant, and follow the guidance of local authorities and disaster response agencies. Please check your homes, schools, and workplaces for possible structural damage and be prepared for potential aftershocks.

The safety and well-being of our students, teachers, and communities remain our highest priority.

08/06/2026

BREAKING: Dahil sa malakas na lindo na tumama sa Sarangani nagtaas ng tsunami warning ang Phivolcs sa baybayin sa ilang mga lalawigan sa Mindanao.

Ayon sa Phivolcs inaasahang aabot sa higit isang metro ang taas ng alon.

Ipinayo ng Phivolcs ang agarang ang paglikas ng mga residente na naninirahan sa baybayin ng Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato.

08/06/2026

BREAKING: Tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 13 kilometers southwest ng General Santos City, 7:37 ng umaga.

May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Reported Intensities:
Intensity VII - CITY OF GENERAL SANTOS

Intensity VI - Palimbang, and Senator Ninoy Aquino, SULTAN KUDARAT

Intensity V - CITY OF DAVAO; City of Kidapawan, and Carmen, COTABATO; Bagumbayan, Kalamansig, and President Quirino, SULTAN KUDARAT; Sibuco, and Siocon, ZAMBOANGA DEL NORTE

Intensity IV - City of Mati, DAVAO ORIENTAL; Buug, ZAMBOANGA SIBUGAY; Caraga, Manay, and Tarragona, DAVAO ORIENTAL

Intensity III - CITY OF BUTUAN; Mainit, SURIGAO DEL NORTE; City of Dapitan, ZAMBOANGA DEL NORTE; Kumalarang, Vincenzo Sagun, ZAMBOANGA DEL SUR

Intensity II - City of Dipolog, Labason, Liloy, President Manuel A. Roxas, and Salug ZAMBOANGA DEL NORTE; Alicia, Ipil, Mabuhay, Olutanga, and Siay, ZAMBOANGA SIBUGAY; Molave, ZAMBOANGA DEL SUR; Abuyog, and Dulag, LEYTE; San Francisco, SOUTHERN LEYTE

07/06/2026

KONSTITUSYON SINUNOD NI SEN. CHIZ NANG MAGPASYANG SUMIPOT SA SESYON NG SENADO

Pagsunod sa Konsitusyon ang ginawa ni Senator Chiz Escudero na biglang pagsipot sa sesyon ng Senado noong June 3 dahilan para maideklara ang quorum at mailuklok bilang senate pro tempore si Senator Sherwin Gatchalian.

Sa kaniyang Chiz Wiz podcast, sinabi ng senador na sa ilalim ng Saligang batas ay bawal na mag-adjourn ang senado nang higit sa tatlong araw nang walang consent ng Kamara.

(COURTESY: SEN. CHIZ ESCUDERO’S PODCAST)

07/06/2026

SEN. CHIZ ESCUDERO SINAGOT ANG TANONG KUNG BAHAGI BA SIYA NG MAJORITY O MINORITY SA SENADO

Walang senate president ngayon ang senado.

Ito ang sinabi ni Senator Chiz Escudero sa kaniyang podcast na "Chiz Wiz".

Sa nasabing podcast, sinagot ni Escudero ang tanong kung siya ba ay bahagi ng majority o minority.

Paliwanag ng Senador, maituturing na bahagi ng majority ng isang senador kapag bumoto siya sa nanalong senate president, at minority naman kapag bumoto siya sa natalong senate president.

Sa sitwasyon aniya ngayon ng senado ay wala naman itong kasalukuyang senate president.

07/06/2026

3 PINOY SUGATAN SA PAG-ATAKE SA AIRPORT SA KUWAIT

Nagpapagaling na ang tatlong Pinoy na kabilang sa mga nasugatan sa pag-atakeng naganap Kuwait International Airport Terminal 1 noong June 3.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ang tatlong sugatang Pinoy ay pawang nagtatrabaho sa naturang paliparan.

Agad din aniyang nalapatan ng lunas ang tatlong Pinoy.

Photos from News Flash PH's post 07/06/2026

15 APLIKANTE ABROAD NA-RESCUE SA PASAY

Nasagip ng mga otoridad ang labinlimang Pinoy na biktima ng ilegal na recruitment ng isang ahensya na may expired na lisensya.

Ayon sa DMW, nakarating sa kanila ang reklamo laban sa Samantha Manpower Recruitment Agency Inc. sa Pasay City.

Pinangakuan umano ang mga Pinoy ng trabaho Gitnang Silangan pero ilang buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin sila nakakaalis at sa halip ay pinanatili muna sa isang accommodation.

Ang accommodation ay hindi rin accredited ng DMW at hindi nakakatugon sa pamantayan ng basic health, safety, and welfare standards.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng pamahalaan ang mga manggagawa.

07/06/2026

SEN. LACSON TINAWAG NA DISGRACED EX-SENATE PRESIDENT SI CAYETANO

Kung ang Kamara, Ehekutibo, legal luminaries, mga dating Senate President at ang IBP ay kinikilala ang prosesong nagluklok kay Senator Sherwin Gathchalian bilang lider ng senado, ano kaya ang tawag kay Senator Alan Peter Cayetano.

Ito ang tanong ni Senator Panfilo Lacson sa aniya ay patuloy na pagpupumilit ni Cayetano na Kapitan ang kaniyang pwesto.

Tinawag din ni Lacson na disgraced ex-Senate president si Cayetano at binatikos ang pahayag nito sa panibago niyang Facebook live na tungkol sa cover up umano sa flood control mess.

Ayon kay Lacson, “Lie pa more”.

Ani sa Senador, na-validated na ng Office of the Ombudsman at ng Sandiganbayan ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ni Lacson.

Want your business to be the top-listed Media Company in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Rodriguez
1860