Kuya Tom
Official page Of Congressman Dennis "Tom" Hernandez
4th District, Rizal Province
22/10/2025
Patuloy ang Pagsasaayos sa Upland Area ng Mt. Oro, Ecoville hanggang Meraculos 🚧
Bilang bahagi ng ating patuloy na serbisyo para sa kaligtasan at kaginhawaan ng ating mga kababayan, isinasagawa ngayon ang road rehabilitation sa upland area ng Mt. Oro, Ecoville hanggang Meraculos.
Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang kondisyon ng kalsada, upang mas maging ligtas at madali ang paglalakbay ng mga residente, motorista, at mga nagdadala ng kalakal mula sa upland communities.
Lubos po nating pinasasalamatan ang mga residente na nakiisa sa bayanihan, at higit sa lahat, ang may-ari ng truck na boluntaryong naghakot ng lupa bilang panambak sa mga parte ng kalsadang nasira.
Ang gawaing ito ay pansamantalang hakbang habang isinasagawa ang mga proseso para sa pangmatagalang solusyon sa road improvement sa lugar. Sa tulong ng pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa, patuloy nating pinapatunayan na ang pagbabago at pag-unlad ay tunay na nagsisimula sa ating komunidad.
19/10/2025
⚠️ Weather Advisory | Signal No. 2 sa Bayan ng Rodriguez
Ayon sa inilabas na ulat ng PAGASA, nasa ilalim ng Signal No. 2 ang ating Bayan ng Rodriguez.
Hinihikayat ang lahat na maging mapagmatyag, maingat, at laging handa sa posibleng epekto ng masamang panahon.
Kung kayo po ay nakatira sa mga lugar na mababa o madaling bahain, agarang lumikas sa mas ligtas na lugar kung kinakailangan.
Patuloy po tayong makinig sa mga anunsyo mula sa PAGASA, LGU Montalban, at sa ating Barangay para sa mga karagdagang abiso.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Rodriguez
1860